Balik

6 0 0
                                    

Sa bawat oras na lumilipas

mas lumalalim ang pagtingin

patuloy na nalulunod

sa mga isiping

malayong mangyari


Paanong hindi ako aasa?

kung binibigyan mo ako ng dahilan

na ako lang at ikaw ang nakakaalam

hindi ito nagkataon (alam ko) 

sapagkat ang mga larawan ang patunay

na nagkaroon tayo ng pagtitinginan 


Pero mali, ayoko, hindi ngayon

Ang oras na yon

at hindi sa panahon ngayon

dahil kahit kailan, hindi magiging tama ang mali

pwera na lang, 

Ayoko. sa susunod na lamang. 


Ngayon, habang ginagawa ko ang mga ito

mapapatanong nalang talaga ako

na

kailan kaya?
kailan kaya matatapos itong kahibangan na ito?

Alam kong mali

tingin mo'y mali

pero pinayagan ako papa

miski mali, pumayag siya

kaya sige lumayo nalang tayong dalawa. 

TagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon