Hindi mapigilan ni Jam ang kabahan nang pumasok siya lunes ng umaga. Alam niyang kokomprontahin siya ni Nico dahil sa nalaman nito 'nung Byernes ng gabi. She know na galit na galit ito dahil nawala lang ito bigla sa party kahit nga mga kasamahan nila ay hinahanap ito pero may nakakita na dali dali daw itong umalis ng restobar.
Nangyari na ang kinakatakutan niya at hindi niya alam kung paano iyon matatakasan.
"You look stress" pansin sa kanya ni Missy nang makasalubong niya ito.
Pilit lang siyang ngumiti.
Sino ba naman ang hindi mai-stress sa problema niya? Nangingitim na nga ang baba ang mata niya dahil dalawang gabi na siya hindi makatulog ng maayos. Sa tuwing ipipikit niya kasi ang kanyang mata ay ang galit na mukha ni Nico ang kanyang nakikita.
Napanaginipan niya nga kanina na kinuha na raw nito sa kanya si Arquin. Mabuti na lang ay panaginip lang dahil kung magkatotoo ay hindi niya kakayanin.
"Nandyan na ba si Sir?" Tanong niya rito
"Oo. Naku! Mukhang bad mood si Sir, kanina nga maaga pa pinagalitan niya si Lourdes dahil mali ang design na binigay nito. Hindi naman siya dating ganon"
Si Lourdes, ay katrabaho rin nila.
Lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Missy pero naisip niya at inihanda niya na ang kanyang sarili sa anomang sasabihin sa kanya ni Nico.
Nagpaalam na siya kay Missy. Nasa harap na siya ngayon ng opisina ni Nico. Nanginginig ang kanyang kamay nang hawakan niya ang doorknob sa pinto ng opisina nito.
Nag-inhale, exhale siya para kahit papaano'y mabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Again, she take a deep breath before she slowly open the door.
Aatras na sana siya nang makita niya itong umiinom ng alak pero huli na dahil napansin na nito siya.
Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Ang mga kilay nito ay nakasalubong habang mababakas naman sa mata nito ang galit.
Ngayon niya lang ito nakitang ganon.
Nanginginig ang mga tuhod na lumapit siya rito. Inilapag niya sa mesa nito ang papel na halos magusot na dahil sa higpit ng hawak niya.
Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanya at sa papel na inilapag niya sa mesa nito. Ilang saglit lang ay kinuha na nito 'yun.
Nakayuko lang siya.
"What do you want me to do with this?" Galit na tanong nito at nagulat siya ng punitin nito ang papel na ibinigay niya at ibagis nito 'yun sa harap niya.
"Magre-resign ka? For what? Para itago ng tuluyan ang anak ko sa akin?"
Hindi siya nakasalita.
Nabigla siya ng galit na galit na hawakan nito ang kanyang braso.
"Magsalita ka naman!" Sabi nito habang niyuyogyog ang braso niya.
Naamoy niya pa ang amoy alak nitong hininga.
"Nasasaktan ako!" Sigaw niya bago niya ito itinulak.
Hindi niya alam kung naririnig ba sila ng mga kaopisina niya sa labas.
Lumapit muli ito sa kanya but this time he's crying.
"Wala pa 'yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon, Jam. Hindi ko lubos maisip kung paano mo nagawang itago sa akin ang anak ko" sabi nito kasabay ng pagluha.
This is the second time when he saw Nico crying. The first time was in his condo five years ago.
"I was trying to tell you but you driven me away" sagot niya naman dito.
BINABASA MO ANG
Please Stay (On Going)
RomanceSimula pagkabata ay may gusto na si Jam kay Nico. Hindi niya alam kung saan at paano ba 'yun nagsimula basta ang alam lang niya ay may gusto siya sa binata pero ang problema'y hindi man lang nito siya pinapansin at kahit isang ngiti 'man lang ay hin...