CHAPTER XXXIV : This kind of feeling

9 1 0
                                    

Anne's POV

Ilang weeks na lang gagraduate na kami. Panibagong hamon na naman sa buhay. Hay, ang bilis nga naman ng panahon. Parang yung pagtingin sa akin ni Sky ang bilis din nagbago, hindi ko alam kung bakit iniiwasan niya ako. Pagkatapos nung huli naming pagkikita sa mall hindi niya na ako pinapansin. Si Lei bigla na lang nawawala. Di ko na tuloy alam kung anong ginagawa nun. Tss... tapos si Marie busy kay Hart. Mga pumapag-ibig, ako na bitter :P

Nandito ako sa garden ng school ng mapansin ko si Sky na malalim ang iniisip at malungkot? Di talaga ako sanay na ganito siya. Magulat nga. Mwuahaha >:D

Dahan-dahan akong lumapit at tinakpan ko yung mata niya.

"Hulaan mo kung sino to!" pag iiba ko ng boses para hindi niya marecognize na ako ang nagtakip.

"Anne" walang gana niyang sabi. Pero dahil malakas ako magtrip ngayon, pinitik ko ang noo niya. "Hmmp! Madaya ka! Pano mo nalaman? Bakit ka umiiwas? Bakit di mo ko pinapansin? Bakit nag iba ang pakikitungo mo sa akin? Alam mo bang nalulungkot ako? Nakakalungkot talaga, namimiss na din kita." sabay pahid ng mga luha ko sa aking pisngi. Di ko na napigilan ang pag iyak dahil ayoko ng ganito, na parang iniiwan ako. Napatungo na lang ako. Nabigla na lang ako ng bigla niya akong niyakap na parang ang tagal naming di nagkita.

"Sorry, di ko alam na malulungkot ka pala." sabi nito.

"Paanong di ako malulungkot sa ginagawa mo?" naiinis kong sabi.

"Sorry na. Di ko rin pala kaya ng wala ka." sabi nito ng nakatingin sa aking mga mata. Napatitig naman ako sa kanya sabay iwas. Dug-dug. Bakit ganito? yung pakiramdam ko nung sinabi niya yun parang pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. Di ko naririnig ang mga estudyanteng nagkukwentuhan at nagtatawanan.
"Pero grabe, kahit parang lalaki ka... iyakin ka pala." sabay ngisi nito. Napatangin naman ako sa kanya ng matalim at babatukan ko na sana siya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Ano nga palang sinabi mo kanina na namimiss mo na ako?" mapang asar nitong sabi. Bigla naman akong namula sa sinabi nito. Sana pala di ko na sinabi dito sa mokong na ito. "Wala akong sinabi ah?" sabay iwas ko dito.

"Talaga?" sabay lapit pa nito sa mukha ko. Tss... madaya talaga! "Oo na! sinabi ko na! Ilayo mo lang yang mukha mo sa mukha ko." asar kong sabi dito sabay layo niya naman. Nakahinga naman ako ng maluwag pero bigla niya akong hinila ng malakas at nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa noo ko. Ito na ata ang pinakasweet na halik. Ang halikan ka sa noo. Napapikit naman ako. Bumitaw siya at sinabing... "Ikaw talaga." sabay tawa nito ng mahina na kusang ikinangiti ko naman. Di ko alam pero napangiti na lang ako at parang ang saya ko pagkatapos nun.

Hanggang sa pagkain namin ng lunch ni Marie di ko pa rin maalis-alis yung mga ngiti ko.

"Hoy Bruha! Anyare sa iyo? Bat ba kanina ka pa diyan nakangiti na parang naloka na? Parang kanina ang lungkot mo tapos ngayon wagas ka naman makangiti? Tsk! tsk! Malala na yan!" mahabang sabi ni Marie sa akin.

"Wala. Tara kumain na tayo. Baka gutom ka lang, ang dami mong sinasabi." sabay kain ko at di pa rin maalis alis yung ngiti ko sa mga labi ko.

"Tsk! Malala na ata ang tama ng isang to. Kailangan ng magpatingin. May maganda sigurong nangyari dito kanina di man lang kinukwento." bulong na sabi nito. "Hoy! Nakakapagtaka talaga. May hindi ka sinasabi, magkwento ka sa akin mamaya." sabay kain nito.

"Oo na. Mamaya." sabi ko dito para tumigil na. Tss... Bigla na lang may pumasok sa canteen at napadako ito sa pwesto namin. Nakita niya ako at ngumiti ito. Ginantihan ko rin ito ng ngiti at napansin iyon ni Marie with matching pagkagulat at patanong na itsura.

End of Anne's POV

Eksdii Band <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon