CHAPTER XXXII: Kulang pa ba?

22 0 0
                                    

Sky's P.O.V

Flashback....

Excited na ko ipakita kay Anne yung regalo na binili ko sa kanya. Grabe pinagipunan ko talaga ito. Yung tipong ikakain ko na lang itinatabi ko pa para lang sa kanya. Kasi pangarap niya talaga ito. Gusto ko makita yung taong mahal ko na magiging masaya para sa akin. Gusto ko makita yung mga ngiti niya sa mukha niya ng dahil sa akin.

End of the Flashback...

Bigla na lamang umalis si Anne. Akala ko kapag binigay ko na ang gusto niya magiging masaya na siya ng dahil sa akin. Bakit ganon? Ano pa ba ang kulang? Mukhang di ko pa rin mapapantayan kung ano meron ang parekoy niya. Ang sakit. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito ng dahil sa isang babae.

"Sir ipapadeliver niyo na po ba?" Tanong nang nag aassist sa Yamaha.

"Ok sige." sagot ko at umalis na ako.

Nandito ako sa park ngayon. Makulimlim na ang panahon. Nakikisabay ba sa akin ngayon ang kalangitan?

Pinagmasdan ko ang kalangitan. Unti-unting may pumapatak na tubig mula sa langit kasabay ng pagluha ng aking mga mata.

Masakit. Masakit mainlove sa taong hindi ka mahal, na iba ang laman ng puso niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang masaya sa iba. Parang kumikirot yung puso ko kapag nakikita ko sila na magkasama. Masakit pala talaga ang magmahal.

Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan. Lalo pa itong lumakas kasabay ng mga kulog at kidlat.

Eksdii Band <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon