Chapter 2
Nasa tapat ako ng gate ng aming unibersidad at hinihintay ang pag dating ni Sapphire. Habang nagmamasid sa mga estudyanteng pumapasok hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga kilos at expresyon ng nga estudyanteng dumadaan sa aking harapan. Merong mga nakakakunot ang noo habang tumitingin sa kanilang mamahaling relo. Meron din namang bumababa galing sa kanilang mamahaling sasakyan. Ibat ibang klaseng mukha ang aking nakita habang nagmamasid at masasabi kong mga rick kid ang eto. Sa di kalayuan ay may nakita akong kumpol ng mga kalalakihan na naninigarilyo sa gilid ng aming school habang sila'y seryoso na nag uusap. Ngunit sa isang lalaki lamang ang nakakuha ng aking atensyon dahil sa sobrang seryoso at walang emosyon netong mukha. Lahat sila ay mga nagagwapuhan ngunit sya lamang ang nakaka angat. Sa tangos ng ilong nito at sa matang parang nanlilisik na sa galit sa di ko malamang kadahilanan. Sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay di ko namalayan na biglang itong napalingon sa aking gawi at napansin ata nito ang paninitig ko sa kanya kung kaya't kumunot ang noo nito. At dahil narin sa pagkapahiya ko ay agad kong iniwas ang aking mata dahil di ko matagalan ang mata netong parang nang aakit at nanlikisik na ewan.
Dahil narin sa takot ko na baka sundan ako nung lalaking iyon ay dali dali akong pumasok sa university. Hindi ko na nahintay si sapphire. Kahit na nakalayo na ako sa grupo ng mga lalaki na iyon di ko parin maiwasang mangamba na baka mag krus ang landas naming dalawa. Dahil Oo. Dito din sya nag aaral sa unibersidad na ito.
Nakarating na ako sa room na naka assigned sa amin. Pinili ko ang pang huling upuan parin. Lumipas ang limang minuto bago nakarating si sapphire at agad netong nilibot ang kanyang paningin. At nung nakita nya ako ay dali dali itong lumapit sa aking upuan.
"Sapphire pasensya kana pala kung di na kita nahintay sa gate kanina may nangyare kasi sa gate habang hinihintay kita." Pagpapaliwanag ko dito nang makalapit na ito sa aking upuan.
"Ok lang yun bea. Ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo kasi pinaghintay pa kita sa gate. Si kuya kasi nauna na palang umalis ng bahay di man lang nagpasabi ayan tuloy na late ako sa usapan naten." Deretsong sabi nito.
"Ayos lang. Tara dito kana umupo sa tabi ko maya maya nandyan na yung professor natin."
"Oh sige salamat. Ano pala ang subject natin ngayon?" Pagtatanong neto habang nilalagay sa upuan ang kanyang Gucci na bag.
"Drafting. History. At Statistic." Sagot ko naman dito.
Sa maikling pagkakakilala namin ni sapphire. Kitang kita ang agwat ng buhay naming dalawa. Ngunit sa mga oras na iyon. Hindi pinadama sa akin ni Sapphire na iba ako sa kanila. Na mahirap ako. Kung kaya't laking pasasalamat ko dahil nakilala ko sya at naging kaibigan.
Sapphire's POV
Alam kong nahihiya parin sa akin si bea base sa mga kinikilos nya sa akin. Hindi ko sya masisi dahil alam kong ilang parin sya dahil sa estado ng aming buhay. Ngunit para sa aking wala akong pakealam kung mahirap pa sya o ano man. Dahil para sa akin si bea ay isang totoong tao. Di ang aming yaman ang kanyang kaylangan kung kaya't nakipag kaibigan sya sakin. Tinadhana kami ng diyos para maging mag kaibigan dahil alam nyang matutulungan ko si bea hindi lang sa financial kundi sa lahat ng problema na kanyang haharapin. At nakikita ko na si Bea ay pwede kong ipakilala kay kuya para magtino naman ito kahit papano. Hahahahaha
"Oh ayan na pala ang prof naten." Pukaw ko kay bea habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Good morning class. Im Mr. Rodrigo Torres and im your professor in drafting. Which means puro drawing and analyzing ang kaylangan natin gawin. Bukod dun etong subject na ito ay magastos dahil sa mga materials na kaylangan natin for drawing. So next meeting kaylangan may mga materials na kayo. At kung medyo namamahalan kayo sa ibang materials maari naman kayong makipag share sa mga kaibigan nyo para hindi gaanong mabigit sa bulsa. But expected in this class na mag kakanya kanya kayo kasi di kayo mag aaral dito kung wala kayong pera. So sa ngayon ililista ko na ang mga bibilhin ninyo and im expecting that of all of you will have all of these next meeting. Understood? Derederetsong sabi nito sa aming klase .
BINABASA MO ANG
My Sweetest Revenged
RomanceA Humor. Action. Romance Story that gives you an inspiration in life. And the true meaning of Love.