My Sweetest Revenged

15 0 0
                                    

Chapter 1

Kkkrrrrriiiiiiinnnnngggggg!!!!!!!!!!!

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ng bonggang bongga ang alarm clock ko na tig sisingkwenta pesos na niregalo pa ng dati kong kaklase noong christmas party namin sa school. Ngayon ang unang araw ko sa kolehiyong aking papasukan. At Parang nanaisin ko pang matulog nalang kesa sa pumasok dahil alam kong magmumukha akong pulubi sa eskwelahan na iyon. At bakit nga ba ako nakapasok sa isang ekslusibong paaralan na iyon? Gayong isag kahig at isang tuka lamang kami?. Yun ay dahil sa utak ang pinuhunan ko para makakuha ng scholarship upang makapag aral. Dahil sa valedictorian ako kung highschool malaking priviledge din iyon para sa kanilang requirements upang makakuha ng scholarship. Tanging tuition fee ko lamang ang libre sa paaralang iyon kung kaya't kinakailangan ni inay na kumayod ng todo para may pang itustos sa iba ko pang bayarin tulad ng mga libro, uniform at iba pang babayarin.

Ang aking inay lamang ang kasama ko dito sa aming munting bahay dahil ang aking itay ay maaga daw kinuha ni lord dahil sa sakit. Ang aking nanay ay nagtatrabaho bilang katulong sa bahay ng isang mayamang negosyante. Nakakauwi sya ng bahay kada alas diyes ng gabi at papasok ulit ng alas diyes ng umaga. Kung tutuusin kulang ang sinasahod ni nanay parang sa mga gastusin dito sa bahay. Lalo na't magkokolehiyo na ako lalong dodoble ang aming mga gastusin.

Ay, teka masyado na ata akong naging madaldal. Kinakailangan ko ng maligo at makapag ayos upang di ako ma late sa aming unang klase.

After 1 hour..

Time Check.. 6:30am


Bumaba nako sa aking kwarto pagkatapos kong mag ayos upang makakain narin ng agahan.


"Good Morning sa Maganda kong Nanay". Bati ko sa aking nanay habang nag aayos ng aking babauning pagkain sa eskwelahan.


"Oh anak. Nakapag ayos kana ba? Yung mga gamit mo chineck mo na ba? Wala ka bang nakalimutan? Eh yung id mo dala mo ba nak? Oo nga pala yung listahan ng schedule mo at mga room natandaan mo ba? Derederetsong tanong neto habang patuloy parin sa pag aayos ng aking baunan.


"Opo nay naayos ko na po sya lahat kagabi bago ako matulog kaya sigurado pong wala akong nakalimutan."


"Eh kung ganun. Halika na't dumulog sa lamesa upang makapag agahan narin. Bilisan mo at baka ika'y ma late sa una mong klase."


"Sige po. Sabayan mo na rin po akong kumain nay. Tama na po yang ginagawa ninyo ako na po ang mag aayos nyang baon ko. May trabaho din po kayo baka ma late din po kayo nyan."


Pagkatapos ng kalahating oras natapos narin akong kumain at ihanda ang mga dapat kong dalhin.


"Nay aalis na po ako." Paalam ko dito habang sinusuot sa aking likod ang backpack na binili namin ni nanay nung isang araw sa palengke.


"Eto anak baon mo. Singkwenta pesos. Pagpasensyahan mo na yan muna anak ha alam mo namang nagtitipid tayo ngayon dahil sa mga gastusin mo sa eskweleha. Di bale kapag nakaluwag luwag tayo dodoblehen ko na yan."

"Ano ka ba nay. Kasya na po ito. Naiintindihan ko naman po yung sitwasyon naten. Di bale po maghahanap po ako ng trabaho para makatulong naman po ako sa inyo kahit papano."

My Sweetest RevengedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon