Prologue.I dived close to the end and kicked my feet to it, so I can turn to the other side and swam faster. I can hear my cousins cheering me at the side of the pool. When I finally arrived at the end I tapped the floor to indicate that I'm the winner.
When I got out of the pool my cousins praised me and mocked my brothers.
I muttered thanks when Ate Athraya gave me a towel and a robe.
"Kuya Fiere, Chase I won again! Does that mean you'll let me drive my ducati na?" I said to my brothers and smirked at them. Humalakhak naman ang mga pinsan ko nang bumusangot ang mga kapatid ko.
"Fine! Pero magiingat ka ha?" napipilitan namang sabi ni Kuya Fiere. Ayaw nya kasi akong payagang i drive yung Midnight blue ducati ko na gift saakin ni Mom and Dad nung debut ko eh marunong naman ako mag drive nang motor at pinagtulungan pa talaga ako nila ni Chase na kumbinisihin sina Mom na wag muna akong mag dadrive buti nalang at pinayagan na ako nina Mom.
"Of course! hindi naman na ako bata kuya for God's sake eighteen na nga ako eh" pagmamaktol ko pa pero benelatan lang ako ni Kuya Fiere.
Sa inis ko ay binato ko sa mukha nya yung towel na ginamit ko at kumaripas nang takbo bago nya pa ako mahabol.
Umupo muna kami nina Ate Athraya sa lounger katabi nang bar island kung nasan sina Kuya Silver at Kuya Alex ngayon.
"San daw tayo mag vevacation ngayong summer?" tanong ko sakanila.
"Baka sa Ancestral Mansion daw tayo sa Saranggani Ate Airalya, miss na daw kasi tayo ni Grandmama" sagot naman saakin ni Blair. Kaya napatango naman ako.
Ang Saranggani ay nasa dulo nang Gensan kaya tabing dagat lang rin yung Ancestral Mansion. Wala palang ay naeexcite na ako mag surfing, white sand kasi yung buhangin doon at napaka linaw rin nang tubig roon.
"Tingnan mo Ate Agatha wala pa man ay nanginingning na yung mga mata ni Ate Airalya, hula ko ay surfing nanaman nasa isip nyan." pangaasar pa saakin ni Aquila.
"Naku ano pang aasahan mo dyan eh parang sirena nga yan sa hilig lumangoy." dagdag pa ni Agatha na nagpairita saakin dahilan kung bakit humalkahak silang apat. Inirapan ko nalang sila.
"Shopping tayo bukas! Bibili rin kasi ako nang gift ko kay lola." aya ko sakanila na sinang ayunan naman nilang apat.
Habang abala kamibsa pag chichikahan ay napalingon kaming apat nang marinig namin yung mga sasakyan nina Dad at Tito na may kasama at nag park sa parking lot nang compound.
Magkakaharap lang kasi ang mga mansion naming magpapa pamilya. Sa look kami sa right sina Tito Ace at sa left naman sina Tito Kio. May swimming pool, garden, gym, parking lot and also a mini zoo for our pets narin dito kaya napaka laki rin nitong compund namin.
"Sino yung kasama nina Dad at Tito?" tanong ni Blair pero nagkibit balikat lang kami dahil hindi rin saamin familiar.
May lumapit saamin na maid at sinabing pumunta daw kami kina Dad. Sininyasan narin namin ang mga lalaki na lumapit kina Dad at sabay sabay na kaming lumapit kina Dad na nasa garden area.
Nang makalapit ako ay humalik ako kina Mom at Dad at ganun rin ang ginawa nang iba kina Tito at Tita.
"So this is the famous Dela Rio cousins? I can see the Dela Rio's genes flowing in their veins!" sabi nung hindi pamilyar saakin na lalaki na tingin ko ay kaedad lang nina Dad.
"Yes! This is my Eldest Fiere, my only daughter Airalya and my bunso Chase, and this is Kio and Siren's children's, Silver, Alex, Tyron and Blaire while this is Ace and Ara's children's Athraya, Bello, Agatha and Aquila." pagpapakilala saamin ni Dad.
"Nasa dugo talaga nang mga Dela Rio ang pagiging maganda at gwapo tingnan nyo naman tong mga anak nyo manang mana sainyo." sabi pa nung babae na sa tingin ko ay asawa nung lalaki.
Nagtawanan naman silang lahat maliban saamin nang mga kapatid at pinsan ko na hindi parin kilala ang mga ito.
"I agree! By the way I'm Andres Revemonte and this is my wife Venus Revemonte. We're close friends with your parents. So you can call us tito and tita. " pagpapakilala ni Tito Andres.
Napalingon naman kaming lahat nang may marinig kami na humaharurot na black ducati papunta sa dereksyon namin kaya napa atras naman kami.
"Oh! Sorry that's Aiden our only son he's kinda fond of racing stuffs." paumanhin ni Tita Venus dahil sa kanyang anak na ngayon ay papalapit saamin.
"Hijo! Don't do that again!" sermon sakanya ni Tita Venus. Pero ngumisi lamang sya. Tsk. Arrogant.
"Omayghad! He's so hot!" bulong saakin ni Agatha na umandar nanaman ang radar nya sa mga lalaki. Well gwapo naman talaga sya with does perfect nose, perfect jawline and deep blue eyes, idagdag mo pa na ang ganda nang katawan nya.
"We don't mind, Why don't you change mga hijo at hija so we can eat dinner narin sa garden area." sabi saamin ni Tita Ara dahil naka robe lang din kami dahil nag swimming kami buong hapon.
Dahil sa sinabi ni Tita Ara ay napatingin saamin si Aiden dahilan kung bakit magtama ang tingin namin. Kaya siniko naman ako ni Agatha at Ate Athraya nang makita nila ang pagtitigan namin.
"Sige po Tita, let's go." yaya ko kina Kuya Fiere at Chase dahil umuwi narin sina Ate Athraya at ang iba pa sa kani kanilang bahay.
Habang paakyat kaming tatlo sa hagdan ay nagsalita si Kuya Fiere "Airalya Dione. I don't like how that guy stare at you."
I flinched when he mentioned my whole name it means he's serious and believe me you shouldn't mess with Fiere Triuce when his serious.
Tumango lang ako sakanya at mas binilisan pa ang paglalakad. Napansin ko naman na natatawa si Chase marahil ay dahil napansin nya na nasindak ako kay Kuya kaya sinamaan ko lang sya nang tingin bago inirapan at pumasok na sa kuwarto ko.
Pagkatapos kung maligo ay pumasok narin ako sa walk in closet ko at nagbihis nang short shorts at black muscle tee kung bakit kita ang white sports bra ko.
Palabas na sana ako nang mapansin ko na nakaawang nang kunti ang pinto papunta sa kwarto kung saan ko nilalagay ang mga kinakailangan ko pag may missions ako. Hindi ito pansin dahil secret room ito.
Napabuntong hininga nalang ako dahil paniguradong nakalimutan nanaman ni Agatha na i close ito nang maayos. Sinara ko muna ito nang maayos bago lumabas nang walk in closet ko. Sinuot ko ang purple sleepers ko at bumaba narin.
Paglabas ko nang mansion ay tinahak ko narin ang daan patungo sa garden kung saan kami mag didinner. Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Agatha dahil nasa right side ang garden kung saan malapit sa mansion nila.
"Oh.. Akala ko ako nalang kulang, nauna na kasi sina Ate Athraya at Kuya Bello." sabi saakin ni Agatha at umangkala sa braso ko. Naka pambahay lang din sya nang short at white spaghetti strap.
"Agatha naiwan mo nanamang naka open yung pinto sa secret room ko. Ano nanaman ba ang hiniram mo sa mga gamit ko? " istriktang sabi ko sakanya na nagpa ngiwi sakanya.
"Sorry na hiniram ko lang naman yung white hand gun mo dahil may binigay si Ate saakin na mission kagabi." paliwanag nya kaya tumango nalang ako bilang pagunawa.
Nang makarating kami sa garden ay kumpleto na sila. Nagtatawanan sina Dad at Sina Tito habang nag seserve naman ang mga maid.
Lumapit ako kay Mom at Dad at humalik sa pisngi nila at binati ko naman nang good evening sina Tita at Tito.
"Airalya! Dito ka sa tabi ko." yaya saakin ni Mom sa tabi nya kaya umupo nadin ako doon. Sa kabilang tabi ko ay si Agatha habang nasa harapan ko naman si Aiden katabi ni Tita Venus at Kuya Silver.
Napatingin ako kay Agatha nang pasimple nya akong sikuhin. Nang tingnan nya ako ay ngumuso sya sa harapan ko at nakita ko si Aiden na naka titig nanaman saakin. Kaya agad akong napatingin kay Kuya Fiere na matalim narin ang tingin kay Aiden kailangan pang sikuhin ni Kuya Silver para lang tumigil.
Napatingin kami kay Dad nang tumikhim ito. "So I think alam nyo narin na sa Saranggani tayo mag susummer right?" tumango naman kami dahil nasabi na saamin ni Blair kanina.