Chapter 1

3 2 0
                                    


Rank.

"Sasama saatin sina Andres at Venus sa ancestral house dahil may mga business rin kami kasama sila sa Gensan. So I hope na maging close narin kayo kay Aiden para may kasama rin sya mamasyal sa Gensan." dagdag pa ni Dad.

"Mauuna na rin kami bukas papunta sa Saranggani, kayo naman ay Wednesday na kayo pumunta dun para makapag handa narin kayo nang mga dadalhin nyo." sabi pa ni Tito Ace kaya tumango naman kaming lahat bilang pag sang ayon.

Nang maihanda na ang pagkain ay kumain narin kami. Sina Dad at Tito ay naguusap narin nang about sa mga business habang ang iba ko namang mga pinsan ay may sarili naring usapan.

"Agatha hindi ba ikaw yung magiging vision ko sa monday para sa mission ko?" pabulong kung tanong kay Agatha. Tumango naman sya.

"Sabi saakin ni Tita Hayra may sasama daw sayo." kumunot naman ang nuo ko dahil walang nabanggit saakin si Mom.

Nilingon ko si Mom, nang maramdaman naman nya ang paglingon ko ay liningon narin nya ako.

"Mom sino yung kasama ko sa mission ko sa tuesday?" kunot nuo kung tanong. Pero hindi nya ako sinagot at kinilabit lang din si Dad at may binulong. Dahilan upang lingunin din ako ni Dad.

"Oh hija! Hindi ko pala nabanggit sayo, Si Aiden ang papalit kay Agent 09 at sasama aayo sa tuesday bilang first mission nya narin. " hindi lang ako at kaming lahat na magpipinsan ang nagulat sa sinabi ni Dad.

Ang akala ko ay wala silang alam about sa D'Rio Secret Agency and the fact na one digit code sya ay ibig sabihin ay magaling sya. Kaming magpipinsan ay lahat one digit code lang din. Si Kuya Fiere ay 01, si Kuya Silver ay 02, si Kuya Alex ay 03, si Ate Athraya ay 04, si Kuya Bello ay 05, si Tyron ay 07, si Agatha ay 08 habang ako ay 06 sina Chase, Blair at Aquila ay hindi pa pinapayagan dahil wala pa sila sa tamang edad siguro ay pag nag seventeen na sila.

"What's so surprising about it?" tanong ni Aiden habang nakatingin nang deretso saakin at saka lamang kami natauhan.

"N-nothing it's just that you're a one digit agent now." I replied.

"Dad ako nalang kaya ang sumama kay Airalya." singit naman ni Kuya Fiere kung kaya't tiningnan sya nang masama ni Mom kaya agad nya rin itong binawi. Basta talaga pagdating kay Mom ay tiklop si Kuya.

"Ang swerte mo." bulong pa saakin ni Agatha kaya palihim ko syang kinurot kung kaya't napalakas ang daing nya at napatingin sakanya lahat maliban kay Aiden na nagpatuloy sa pagkain.

"Ha?" maang nyang tanong at nag iwas nang tingin. Pasimple nya naman akong sinamaan nang tingin kaya tinawanan ko lang sya.

Nang matapos kaming kumain ay pumasok sina Mom at Tita para mag usap usap habang kaming mga babae ay dumeretso sa kwarto ko.

"Ate Airalya feeling ko talaga may gusto sayo si Kuya Aiden  kanina pa sya nakatitig sayo ehh." pangaasar sakin ni Blair na.

"Oh! Tingnan mo Airalya hindi lang ako ang nakapansin." panggatong pa ni Agatha. Kanina nya pa kasi sinasabi yan.

"Ewan ko sainyo." sabi ko sabay irap at dumeretso sa walk in closet para makapag impake narin papunta sa Saranggani.

Pagkatapos ko mag impake ay sinundan ko narin sila sa secret room ko para magbaon nang mga weapons just in case na may mangyari sa Saranggani.

"Nga pala Airalya, anong oras tayo mag shashopping bukas?" tanong ni Ate Athraya.

"Mga one siguro dahil baka matagalan tayo atsaka showing yung favorite movie ko panuorin natin?!" excited kung tanong sakanila. Tumango rin naman sila.

Pagkatapos kong magligpit nang mga gamit ay umalis narin yung apat. Kaya naglinis narin ako nang katawan bago natulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag gym. Training ko narin para sa mission ko bukas. Pagkarating ko sa gym namin dito sa compund ay halod kompleto kaming magpipinsan. Maliban narin kay Kuya Silver at Kuya Fiere dahil may mission silang pinag hahandaan ngayon.

Naka black sports bra at leggings lang ako para mas makagalaw ako nang maayos. Lumapit ako kay Agatha na nag sestretching at nag stretching narin. Pagkatapos namin ay nag trendmill muna kaming dalawa.

Pinagpapawisan narin kami nang maagaw nang atensyon naming magpipinsan si Kuya Bello at Kuya Alex na sa tingin ko ay mag duduel.

"Airalya kanino ka? Kay Kuya Alex ako. " tanong saakin ni Agatha habang patuloy parin sa pagtakbo.

"Same." sagot ko kaya natawa nalang kaming pareho. Di hamak na mas magaling talaga si Kuya Alex. Dahil hindi sya magiging si Agent 03 kung hindi sya magaling.

"Mamaya tayo naman ha?" tanong ni Agatha. "Baka kinakalawang ka na dyan." biro pa nya. Bago humalakhak.

"Baka ikaw kaya! Ni hindi mo pa nga ako natatalo." nangaasar kong sabi sakanya na ikinasimangot nya. Syempre give and take lang sa pang aasar noh.

Napalingon kami uli kina Kuya nang umalingawngaw sa buong gym ang pagkatilapon ni Kuya Bello. Talo nanaman. Tsk. Nilapitan namin sya at inasar.

"Kuya Bello humihina ka na ata. Signs of aging na ba yan?"pang aasar sakanya ni Tyron.

"Kuya Bello baka next time matalo na kita nyan." pang gatong ko pa sabay halakhak. Lalong sumama naman ang mukha ni Kuya Bello.

"Sige lang pagtawanan nyo ako, bawat tawa nyo ay katumbas nang dalawang mission." natahimik naman kami ni Tyron dahil iba mag banta si Kuya Bello tinototoo nya. Napangisi naman sya at humalhak nang para kaming tuta na biglang tumigil.

"Eh kung ikaw kaya ang tambakan ko nang mga missions, Bello? Ha?" sya naman ang natahimik dahil sa banta ni Ate Athraya. Pagdating talaga kay Ate ay tiklop kaming lahat kahit si Kuya Fiere na mas matanda sakanya. Paano ba naman ay nung huli nyang inasar si Ate Athraya ay sinunog ni Ate yung favorite sports car nya.

Nasa lahi talaga namin ang ganyang ugali. Kaya wala ring bumabangga saamin sa school. One time nga nung elementary si Ate Athraya pa sya ay may umagaw sakanya nung sharpener nya na pink kaya sinaksak nya sa kamay yung kaklase nya gamit yung lapis. Nakakatakot talaga si Ate.

Pagkatapos naming mag gym ay nagsiuwi narin kami. Para makapag bihis narin kami. Dahil lalabas kami ngayong mga babae. Pagkatapos kung magbihis nang denim shorts at black off shoulder tsaka white sneakers ay bumaba narin ako.

Pagdating ko sa Parking Area namin ay nandun narin silang lahat. Mukhang ako na naman ang late.

"Ate Athraya Convoy ba tayo?" tanong ko kay Ate.

"Sige saakin na kayo sumabay Blair at Aquila." sabi ni Ate Athraya bago pumasok sa kanyang sasakyan. Sumunod naman sakanya yung dalawa. Pumasok narin kami ni Agatha sa kanya lanyang sasakyan. Bago sunod sunod na lumabas sa compound.

Pagkarating namin sa mall ay nanuod muna kami nang sine. Pagkatapos ay namili narin kami. Nagiisip pa ako nang pwede kong ibigay kay grandmama.

"Ano ba ang pwedeng i regalo kay grandmama?" tanong ko sakanila habang busy kami sa pamimili nang mga damit.

"Necklace Ate Airalya, dadaan rin naman tayo mamaya sa jewelry shop." tumango nalang ako sa suhestyon ni Blair.

Pagkatapos naming mamili ay pupunta narin kami sa bibilhan namin nang alahas. Pagkapasok namin ay may nag assist agad saamin.

"Ate Airalya, bagay to kay grandmama." sabay pakita saakin ni Aquila nang isang pearl necklace. Teardrop yung shape nung pearl and it's color black while yung lace is made of gold. Tama nga sya mahilig si grandmama nang mga pearl.

"Sige, ito nalang." pagkatapos namin mamili ay umuwi narin kami para makapagpahinga.

Dinner na nung dumating kami sa compound. Sa kanya kanya narin kami nag dinner dahil wala naman ang mga matatanda dahil nauna na sila sa Saranggani.

Embracing The Storm Where stories live. Discover now