Chapter 1

5 2 0
                                    

Then

"Dali dali..dito tayo.." Nagmamadali kong bulong sabay hila ng upuan.

" Ano ba kasing meron Sam? Wala naman tayong test o assignment, bat tayo nandito sa library?" Frustrated na tanong ni Aya.

" ssshh Basta maupo ka na lang. Ayan basahin mo. Masama bang mag-aral?" Sagot ko habang lumilingon lingon sa paligid.

"Ikaw? Mag-aaral? ASA! Hindi ka naman pumupunta ng library. Maliban na lang kung nandito si-" hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil nakarinig kami ng mga impit na tili at bungisngis.

"Si Darren!" Kilig na kilig na saad ng grupo ng babae malapit sa table namin.

" Shemay ang gwapo niya talaga." Sabi nung isa.

"Sobra. Kaya nga ang swerte ng magiging GF niya. Sana ako na yunn." Wishful thinking naman nung isang ate.

" Magsitigil nga kayo. Alam ko na masuwerte talaga ako. Huwag kayong magalala iimbitahan ko na lang kayo sa kasal namin." Pagmamakapal nung isa.

Nagkatinginan yung dalawa at binatukan nila yung pangatlong babae sabay sigaw ng "asa ka pa!"

Namumula sa galit naman silang sinita ng librarian.

"Lagi na lang tuwing dadaan yang binatang iyan dito hindi nagkakaroon ng katahimikan ang library na ito." Pagrereklamo ng niya.

"Pupunta lang itong mga babaeng ito kapag nandito yang binatang iyan. Ke babata and lalandi. Hayjusko." Nailing niyang dagdag.

Tinignan ako ni Aya.

"Malandi daw oh." Bulong niya.

"Ewan ko sayo. Kung makapagsalita ka para naman akong nagpapabuntis na. Iniistalk ko lang siya no." Pagdedepensa ko.

"Diba diyan nagsisimula yan." Pagbibiro niya.

"How could you?!" Pagsakay ko sabay hampas sa braso niya.

"Pero kidding aside hindi ka pa ba napapagod kakahabol diyan sa Darren na yan. Jusko naman Samantha." Pagmamaktol niya.

Pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Sa halip nakatuon ang buong atensyon ko sa lalaking dahilan kung bakit ako nandito pati na rin ang sangkatutak na babaeng katulad ko.

Halos lahat ng table dito sa library punong puno.lahat nang yan dahil kay Darren Lagdameo.

Shit naman kasi eh. Ang pogi niya kaya. Maputi, matangkad, High cheekbones, strong jaw, intense na mata at luscious lips. Oha san ka pa? Hindi lang yun sporty, mabait at matalino pa. Almost perfect na diba. Kaya naman patay na patay sa kanya ang halos lahat ng mga babae dito.

99% percent ng mga babae dito sa school ay paniguradong may crush at nagkacrush sa kanya yung mga natitirang 1% ay yung mga in denial at abnormal tulad ni Aya.

Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kanya eh parang siya na halos yung Mr. Dreamboy o every girl's dream guy personified.

Unang pagtapak ko pa lang sa eskwelahang ito naku tinamaan agad ako. Mabuti na lang at kaklase ko siya. Medyo may tyansya. XD

Asa pa more Samantha. Asa lang ng asa walang ending.


Tinitigan ko lang siya sa buong panahon na nasa library kami. Tapos kapag mapapatingin siya sa gawi namin eh agad akong nagkukunwaring nagbabasa.

Puro buntong hininga at pagrereklamo naman ang inabot ko dito kay Aya.

"Hindi ko alam kung bakit nagkakandarapa kayong lahat diyan sa Darren na yan. What's so special about him? Hindi naman siya gwapo-"

Napagasp ako.

"You know that's not true." I said then gave her the "eye".

"okay may itsura siya. Pero I don't understand why you're crazy about him"

"He's just so perfect. You know kahit hindi kami nag uusap or hindi kami ganun ka nagiinteract maliban na lang kung may group activities or manghihingi ako ng papel (which is often though nakakahiya mang aminin. Kasalanan ko ba na ang bilis maubos ng papel ko hababg siya parang laging dala dala ang national bookstore) basta hindi ko rin mapinpoint eh. Pero gustong gusto ko talaga siya."

Napapailing naman si Aya sa akin habang naglalakad kami pababa sa stairs.

" I can't explain din kasi. Basta sobrang natutuwa ako kapag nakikita ko siya. Mas ginaganahan akong pumasok kasi alam kong nandyan siya. Tapos hindi pwedeng hindi ko siya makikita sa isang araw. There's just something about him that attracts me."

"Tinamaan ka na."

"Oo tinamaan na yata ako." I said dreamily. Pakiramdam ko nasa cloud nine ako just thinking about him. Nalimutan ko ang lahat ng tao sa paligid ko. Pati na rin kung nasaan ako. I let myself fly like those butterflies in my stomach.

"I think I'm inlove with-" i say then twirled.

"Samantha!" Narinig kong sinigaw ang pangalan ko and I felt myself falling. I flailed my hands to hold on to something at natapon ang dala dala kong mga libro.

Crap. I mentally prepared myself for the fall. Napapikit na lamang ako awaiting the pain. But it never came.

Instead I felt a body beneath mine.

"Shit." Narinig kong saad ng isang boses.

Napadilat naman ako at tumambad sakin ang mukha ni Darren Lagdameo. Shit nga.

"You.." Bulong ko..

"Samantha okay ka lang." Tanong sakin ni Aya habang papalapit sakin.

"Are you hurt?" Tanong naman ng baritonong boses sa harap ko.

Agad na namula ang pisngi ko ng magsink in ang posisyon namin at agad agad akong tumayo.

"O..oo..o..okay lang naman ako. I..ikaw nasaktan ka ba?" I stuttered then yumuko ako para pulutin yung mga nagkalat na libro.

Tumayo siya at binigyan ako ng ngiti.

"Hindi..okay lang ako." Then tinulungan niya ako sa pagpupulot ng mga gamit ko na nagkalat sa sahig.

"Here. I'm really glad that you're okay." He said then iniabot niya sakin ang mga books ko. Our fingertips accidentally touched at naramdaman kong nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

"Pinakaba mo ko. Bakit ka kasi umiikot sa hagdanan. Masuwerte ka at medyo mababa na lang yun. At sobrang swerte mo at nandun si Darren para icushion yung fall mo dahil kung hindi naku hindi ko alam kung ano na lang ang mangyayari sayo." Pagsesermon sakin ni Aya.

"Sobrang swerte ko talaga.. I mean dahil sinalo mo ko.. Sa..salamat." I said to Darren.

"Wala yun.. Next time mag iingat ka na ah. Delikado magtwirl sa hagdan. Wag ka dun.." Biro niya.

"Hehe..sorry nadala lang ng emosyon." Sagot ko at nahihiyang napakamot sa ulo.

"Uy sige una na ako. May gagawin pa kasi ako. Bye Samantha." Paalam niya at umalis na siya.

Napakapit naman ako kay Aya. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa kilig, sa tuwa sobrang mixed emotions. Parang naiiyak ako na ewan. Nanginig and tuhod ko. Actually and buong pagkatao ko. Pakiramdam ko directioner ako na nakakiss ang buong one direction!

"Kalma kalma. Huminga ka. Inhale exhale."

Sinundan ko naman ang sabi ni Aya hanggang sa masteady na yung heart rate ko.

"Mah gawd nakita mo yun Aya. Shems. Mamamatay na yata ako sa kilig. Oh my goodness. Kung siya lang din Ang sasalo sakin naku magpapatihulog na ako sa skyscrapers.."

"Yeah yeah.. Tara na uwi na tayo. Baka mamaya malaglag ka nanaman wala siya dito para saluhin ka." Aya said. Tapos hinawakan niya yung braso ko sabay hinila ako paalis at ginuide pababa ng hagdan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What I Thought Was TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon