"A-Aray! Ano ba?!" daing ko ng pabalang ako nitong binitawan sa ilalim ng puno dito sa abandonadong garden sa school, hindi kalayuan sa room namin.
Napatingin ako sa braso ko na may benda dahil sa paso ko kahapon na hinawakan nang mahigpit nitong gunggong na 'to. Masama ko siyang tiningnan.
"Ano bang kailangan mo?" inis na bulyaw ko rito dahil masakit pa rin ang braso ko dahil sa pagkakahawak niya.
T*ngina, hindi ba niya nakita? Nakabenda na, ibig sabihin may sugat o kung ano. Haaayyy! Ang aga aga!
"Who are you?" nagpakawala ako ng isang buntong hininga dahil sa galit. Pake niya ba kung sino ako?
"Mayaman ka diba? Prinsipe ka diba? Edi alamin mo, lahat ng bagay nagagawa dahil sa pera diba?" galit na sagot ko rito at aalis na dapat ng hawakan niya ako sa balikat ko at pabalang na itinulak ulit sa katawan ng puno na 'to.
Aish, ang sakit kaya! Siya kaya ihampas ko sa katawan ng punong 'to? K*ingina!
Sinamaan ko siya ng tingin ulit at pinapatay na siya sa isip kong lintek siya! Kung nakakamatay lang ang tingin sisiguraduhin kong nakagiling na siya ngayon.
"Kung tititigan mo lang ako, walang mangyayaring himala at malalaman mo kung sino ako! T*ngina." padabog akong umalis doon at mabilis na pumasok sa room namin.
Ano bang problema 'non?
Nagulat ako ng mabilis na lumapit sina Cali, Lethia, at Xian sa pwesto ko.
"B-Bakit?"
"Do you know? One month suspended si Shaniang chanak." ani ni Lethia, at nagulat naman ako.
"Huh? Bakit daw?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"We don't know, basta pumunta dito yung ilan sa mga guard ng palasyo para sa cctv footage tapos boom! Suspended na siya kanina." kwento naman ni Cali at tatango tango si Xian.
O_o
Napatampal ako sa noo ko ng may maalala ako. Baka hindi ako naka lusot kay lolo Teo kahapon. Bakit ba kasi ang obsess ng dalawang matandang yun sa akin.
*Ting
Kinuha ko yung cellphone ko ng tumunog ito. Oras na pala para mag-asikaso ng makakain nila. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at naglakad na papuntang kusina.
"Ano nga palang nangyari d'yan sa braso mo, Byolet?" takang tanong ni Xian habang nakatingin sa braso ko at nagsusuot naman ako ng apron.
"Ahh, wala lang'to."
"Bakit ka nagmamadaling umalis kahapon? Buti pinalabas ka ng guard." tanong rin naman ni Lethia at inabot na sakin ang listahan ng mga almusal nila.
"Kailan ko makukuha yung sahod ko? Aba, luto ako ng luto sa inyo tapos walang pasahod?"
"Thank you muna ngayon, delay allowance naming lahat 'e." ani ni Xian na kakamot kamot pa sa ulo.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Dahil kahapon!" galit na sigaw ni Lethia at nakakunot na ang noo kay Xian.
"Nakipag banatan sa kabilang school tapos mga lasing yung iba." sumbong ni Cali.
"H-Hoy! S-Sumama lang ako pero hindi ako nakipag-away tsaka uminom. Good boy kaya ako, totoo Byolet! Promise!" depensa naman ni Xian.
"Hindi ko naman tinanong." sagot ko rito at hinatag na yung makakain nila at tumulong naman yung tatlo.
Matapos kaming maghatag ay kumain na yung tatlo.
"Kakain na." silip ko sa room at mabilis naman na tumayo sila.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Reine
RandomLila Andromeda, isang dalagang humiwalay sa kanilang mga magulang kasama ang mga kapatid nito na sina Kiko Andromeda at Via Andromeda. Isang dalagang labing pitong taon na humiwalay sa mga magulang. Bakit kaya? Kaya kaya nitong buhayin ang dalawang...