Chapter 32

3.1K 70 0
                                    

HINABAAN KO NA ITONG CHAPTER NA ITO PARA HINDI BITIN AT PANGBAWI KO NA DIN SA LATE NA PAG UUPDATE KO...

________________

"Dali na dude"

Pangungulit ko kay Jonax.Gusto ko na ako ang susundo kay Jenny.Para makita ko na din Sina Lindy At Dark.Gusto ko silang makita araw araw.

"Fine"

"Thanks dude"

Binuhay ko na ang kotse ko at nag drive pa school.Napatingin ako sa oarasan ko at nakitang 2 pa lang ng hapon pero ayos lang dalwang oras lang naman ang iintayin ko.

"Tito Light "napaangat ang tingin ko ng sumigaw si Jenny at napangiti ako ng makita ko si Lindy na higit higit nito at sa likod nila si Dark

"Hey"bati ko sa kanila sabay gulo ng buhok nila.Ng si Dark na ang ginanun ko.Malungkot itong tumingin sa akin at para akong nasakal ng makita kong malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

"San niyo gustong kumain?"habang inaayos ko ang pag kakaupo ni Lindy at Jenny sa likod.Ng maisaayos ko na ang pwesto binuhat ko naman ay si Dark Bago ko inuupo sa harapan.

"Bubuyog"natawa ako sa sinabi ni Lindy

"Ok let's go to Bubuyog"

Ingay lang ni Lindy at Jenny ang madidinig dito sa loob ng kotse.Sinulyapan ko si Dark na tahimik habang nakatingin sa may bintana.

"Dark right"pasulyap sulyap kong tanong "Light"

"I know"

"So,hows school?"pag tatanong ko

"Ok lang"

Napatango ako at namayani na naman ang katahimikan sa aming dalwa.

"Nag lalaro ka ng basketball?"

"Hindi"

"Bakit"

"Walang mag tuturo sa akin at wala akong makakalaro"

"Pwedi kitang turuan"

"Really"may ngiti sa mga labi nitong tanong sa akin

"Yes"

"Cool"

Sobrang saya ko ng makasama ko sila kahit konting oras lang.At nakikita kong masaya din si Lindy lalong lalo na si Dark na kahit hindi gasyanong umiimik,makikita mo ito sa mga mata niya.

Gusto ko sila,gusto ko sila sa ibang paraan.Kung pwedi ko nga lang silang ampunin e nagawa ko na.Kaso paniguradong may mga magulang ito at siguradong mahal na mahal nila ang kambal dahil sa magandang asal na pag uugali nila.

"Nice house"kumento ko ng tumigil kami sa simpleng bahay.

"Thank you Papa"

"Huh"

Naguhuluhang humarap ako kay Dark na ngayong pa babana sa kotse.

"Thank you po"sabay kuway ni Lindy at mag kahawak kamay silang pumasok sa gate.

Huminga ako ng malalim bago ko muling pinaandar ang kotse.Siguro dala lang to ng pag kakaisip ko kanina.Yeah i think.

NAG pupumiglas ako sa hawak sa akin ni Light habang nag lalakad kami papasok sa office niya.Nagulat ako ng biglang pag hila sa akin.Dalwang linggo ang nakalipas na hindi nito ako pinapansin.Nasaktan ako sa tuwing makikita o makakasalubong ko ito para lang akong hangin.

Hiding The Billionaire TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon