How It Ended

29 1 2
                                    

How It Ended.

Alas-dos na ng hapon. Nandito ako nakaupo sa classroom habang hinihintay ang pagpasok ng mga tao.

Alasdos y medya ang klase. Meron pa akong tatlumpong minuto para isipin kung anong gagawin. Eto ang unang araw ng klase at tinatantya ko kung gano kadami ang sisipot.

Values.

Hindi ko alam kung bakit meron pang ganitong subject. Kung tutuusin, hindi na 'to dapat kasama pero hindi ko alam kung bakit meron pa nito sa eskwelahang 'to. Natututunan naman kasi 'to ng kusa. Tsaka, elective subject naman 'to. Hindi na ako umaasa na lalagpas ng bente ang sisipot para sa "Values" class.

Padami ng padami ang pumapasok sa silid-aralan. Hindi ako kampante sa ganitong karaming tao. Lumabas muna ako. Napagdesisyunan kong maglalakad lakad sa corridor, magmamasid kung ilan ba kaming kasya dito sa silid-aralan na 'to. Lumapit sakin si Ms. Romina Alana, teacher sa PE.

"Frego, sa auditorium 2 na. Hindi kasya sa classroom na yan ang dami ng kumuha ng elective. Ako na magsasabi sa ibang estudyante"

"A, ganun po ba? Sige, diretso na ko dun. Salmat, Ms. Alana"

Ngumiti lang siya. At dumiretso na ako sa audi 2.

Nakakapagtaka na madaming kumuha ng Values. Napakasama ko naman kung iisipin ko lang na walang values ang mga batang yun kaya gusto nilang kunin 'tong elective na 'to. O kaya naman, mahirap nga naman pumasa sa ibang elective. Math, English and Science subjects. Psh. Technicalities of life. Hindi ba nila na isip na mas kumplikado ang Values? Relevant to pero ginagawang objective.

Posible din kayang dahil sa tema ng Values last year kaya maraming kumuha nito ngayon? Mabenta siguro yung "How It Ended".

Pagpasok ko ng Audi2, madami nang mga estudyante ang nandoon. Nakakapagtakang halo halo ang mga andito, babae at lalaki at yung mga in between. Sabay sabay silang napatingin sa pinto kung saan ako pumasok. Napatingin tuloy ako sa orasan ko. 2:25PM. Meron pang limang minuto.

Tumahimik ang ibang estudyante samantalang ang iba naman ay daldalan pa din ng daldalan. Umupo ako sa gilid at hinintay ang pagsapit ng alas dos y medya. Patuloy pa din ang pagpasok ng ibang estudyante. Napatingin ulit ako sa relo ko at napabuntong hininga. 2:30 na at simula na ng isang oras na klase para sa values. Muli, napahinga ako ng malalim at napatayo para lumipat sa pwesto kung saan dapat ako, at hindi yun sa gilid.

Habang naglalakad, natahimik ang ibang estudyante samantalang ang iba naman ay napatingin sakin. Nacoconscious lang ako. Napayuko ako at sa muling pagtingala ko,

"Good Afternoon, class. I'm Mr. Frederick Gomez, your Values teacher for this school year."

"Good Afternoon, Mr. Gomez!" sagot ng mga estudyante.

"Call me Frego. I'm not comfortable being called Mr. Gomez, that's my dad, you know."

Nagtawanan naman ang iba. Yung iba, mukhang hindi interesado.Samantalang ako, mukha pa din ng isang seryosong guro.

"So class, what are your expectations for this subject?" Yun naman talaga ang unang tanong pag simula ng klase diba?

Madaming nagtaas ng kamay pero may isang mapangahas na bata ang sumigaw na nakakuha sa atensyon ko.

"SIR! SIR! YUNG HOW IT ENDED PO!"

"Oo nga, Sir! How it ended!!" Hanggang sa puro "oo nga" na lang ang narinig ko.

"Seriously guys? We haven't yet started anything and you're now asking me How it ended?" Sa sarkastikong tono na ikinatahimik ng mga bata. Eto na ang hudyat ko.

"Ok, I'll tell you guys how it ended, but, just to warn you, this subject is not about me, teaching you students what are or is the "right" values, if there's any. I'm here to share with you whom I value, what I value and why I value so I also expect you guys to share to me who, what and why you value."

Nakatingin lang yung mga estudyante sakin na parang nagbigay ako ng isang bugtong.

"This is only our first meeting and you students have the option to change your elective subject. I only consumed 10 minutes of your time and you have the right to step out of this room now if you don't want this."

Walang lumabas sa mga bata. Nakatingin lang sila ng diretso sakin na parang hinihintay pa akong magsalita. So, mukhang gusto naman pala nila. Sa tantya ko, mahigit kumulang 50 students ang nandito. Para sa elective? We can accomodate as low as 10 students/class up to 70 students. Sa audi usually pag maramihang klase.

"Okay, so i assume na gusto niyo 'tong subject na 'to. I guess I have to introduce myself to you, my dear students. Again, my name is Frederick Gomez, Frego for short. Ex-seminarian, single, broken hearted and hopeless romantic."

Nagtawanan sila. Siyempre, ang boring ko namang teacher kung terror agad. Take it light on the first meeting lang.

"Nagbibiro lang ako." Bawi ko. At isang malakas na "weh" ang narinig ko mula sa kanila.

"Oo nga" then I smiled. "True, I'm an ex seminarian. Fact, I'm single. It's not true that I'm broken hearted and no, I'm not a hopeless romantic."

Patuloy ang iba sa pagtawa at mukhang nakuha ko na ang atensyon nila.

Mukhang masaya nanaman ang SY na 'to at hindi ko sila bibiguin sa mga expectations nila (kung meron man na hindi pa namin napag-uusapan) And definitely, I'll tell them the story about How (and Why) It Ended.

How It EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon