Dear old self,
Sorry kung pinilit kitang sumugal sa isang bagay na alam mong dehado at matatalo ka lang sa huli. Sorry kung hindi kita binigyan ng pagkakataon para magdalawang isip.
Dinamay kita sa katangahan ko eh. Tapos anong napala mo? Pinaglaruan at sinaktan ka lang nung taong ginawa mong mundo. Sorry sa lahat ng masasakit na karanasan mo.
Pero alam mo, proud na proud ako sa'yo. Kasi mas tumibay ka at tumapang. Kapit ka lang ah. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan.
BINABASA MO ANG
Maikling Tula
PoetryMaikling tula para sa sarili ko. Kung paano nasaktan at nawasak ang puso dahil sa mapaglarong tadhana, malupit na mundo, mapanghusgang mga tao at mapanlinlang na ikaw. Rank #2 Mga Tula (02-28-23)