Kanina pa kami bumabyahe pero hindi pa kami umaabot sa pupuntahan naming Vaxtahuniaz. Buong byahe namin ay tahimik lamang kahit niisa ay walang nagsalita, tanging tunog lang nang Van ang iyong maririnig. Si Azra ay nakatulog sa tabi ni Venice habang si Venice naman ay naglalaro ng Candy Crash sa kanyang cell phone para maaliw ang kanyang sarili. Si Archer naman ay nasa front seat nakikinig ng music gamit ang kanyang black headphone habang nakasandal sa may pintuan ng van at nakatingin sa labas. Sixto naman ay naka focus lang sa kanyang pagdrive , at ako naman heto nilalaro ang mga daliri para hindi aantukin.
Hay! Mag-gagabi na at gusto ko nang tumayo. Sino ba naman ang hindi mangangalay kakaupo buong mag hapon at gutom pa. Akala ko nga mag-lalunch kami kanina pero mga walang imik tong mga kasama ko, hindi ba sila nagugutom kasi ako gutom na gutom na kulang nanga kakainin ko na talaga silang lahat. Diet ba sila o ano?. Yung anim na sandwich ko naman ay nakain ko na kaninang 10 am, snack ko kasi yun at buong akala ko may lunch. Diet pala silang lahat.
"Mmm guys..anong oras na?" tanong ni Azra na halatang kakagising lang.
"It's 5:58 pm" sagot ni Venice sa tanong ni Azra "Sixto are you sure na nasa tamang daan tayo?" tanong ni Venice habang naka taas ang isa nyang kilay.
"Very sure may mapa kaya akong dala" binigay ni Sixto ang mapa ni Venice "Don't worry guys malapit na tayo"
Kruuuu~~Kruuuu~~
Aray gutom na talaga ako
"Bat ganyan kayo makatingin sakin?" nung biglang tumunog yung tiyan ko lahat siya napalingon "Remember hindi tayo nag-lunch hehe" nakakahiya eh? Bat naman ako mahiya? Tumunog lang naman yung tiyan ko oo . Ahh
"Here, eat this" biglang sambit ni Archer at kinuha ko iyon. It's cookies? Wow, bakit hindi niya to kinain kanina E may cookies naman pala siya "My mom made that cookies" dagdag niya. Halata naman dahil feel ko hindi ka marunong magluto.
"Para sayo to eh kaya nga gumawa ng cookies ang mommy mo para kung magugutom ka may makain ka diba" sabi ko at akmang ibalik sana yung cookies na ibinigay niya.
"I'm not hungry so eat that" nakakahiya namang tanggihan ito kung ibabalik ko to sa kanya E ako naman yung magdusang magugutom.
"Sus! Wag kanang pakipot Win si Archer na nga ang nagbigay sayo niyan tatangihan mo pa?" pangangasar ni Azra at binigyan ko siya ng matalas na tingin.
"Yieeeee. Win masyado kanang halata hahaha yieeee" panunukso ulit ni Azra. Pero this time hindi ko na siya pinapansin. Hindi ko alam pero bakit para akong kinikilig or what? Ahhh mukhang masarap kasi tong cookies, oo masarap.
"Shut up Aviana" biglang sabi ni Sixto na may halong galit na tuno. Problema nito? Baka hindi siya nakapag-focus sa pagdrive. Azra talaga alam naman niyang focus yung tao e.
"Ito naman hindi mabiro hehe. Venice pahiram ng phone" masyado kasing maingay hahaha ayan.
"No. You have your own phone naman diba?" As always, hindi talaga yan si Venice magpahiram ng phone baka daw madumihan or mahulog. Ang arte talaga.
"Manghihiram lang naman eh, bat ba ayaw mo magpahiram ng phone mo ha? Baka may tinatago ka dyan noh? Uy, ano yan" sabi ni Azra habang sinusundot-sundot ang tagiliran ni Venice. Feel ko talaga bored lang tong babaeng to kasi kung ano-ano ang gagawing kalokohan.
"Stop it Azra hindi ka nakakatuwa" inirapan ni Venice si Azra habang si Azra ay may nakakalukong ngiti parin sa kanyang labi.
"Hindi ka kasi nagpahiram ng phone mo so feel ko talaga may tinatago ka dyan" I agree. Minsan talaga maisip ko lang na ano kaya ang tinatago niya sa phone kahit ako meron din naman akong tinatago e. Basta mga picture yun ng mga asawa ko.
Ine-enjoy ko lang tong cookies na ibinigay sa'kin ni Archer kahit papano nabawasan din ang gutom ko. Maya-maya pa ng kukuha sana ako ng last cookies na natira ay biglang napamura si Sixto na ikinagulat namin.
SCREEEEEEEEEEEEECCCCHHHHH!!!
"FUCK, FUCK,FUCK" sigaw niya habang sinapak-sapak ang manibela.
"Ouch" Venice
"Aray" Azra
"O_o" yung cookies ko.
"What the hell Six" Archer
"Anong nangyari Six, bakit ka huminto?" Takang tanong ni Azra pero ang pinag-alala ko ay yung cookies ko last na yun hindi ko pa nakain.
"Why do you stop?" Venice said with curiosity.
"May nasagasaan tayo" nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. No,no,no hindi pwede ayaw ko pang makulong.
"WHAT?/ANO?" Vezra
"Sabay-sabay talaga tayo Ven noh? Feel ko mean to be tayo" nagawa pa talaga niyang magbiro sa sitwasyon namin ngayon.
"T-tao ba?" Tanong ko, sana hindi tao dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko, ok lang sana kung aso o pusa? pero nakakaawa.
Biglang bumaba si Archer sa Van pero bago pa pigilan ni Six si Archer ay nakababa na ito kaya sumunod na din si Sixto sa pagbaba ng Van kasunod si Azra. Hindi nalang ako bumaba dahil sa takot na makita kung tao ang nasagasaan namin.
"Bababa ka din Ven?" tanong ko.
"I don't know. I don't want to see it. Win? What if we kill—"
"No, Ven we know that it's an accident"
"But—" bago pa matapos ni Ven ay may biglang sumigaw sa labas. Kaya dali-dali kaming lumabas ni Venice.
_______
Paglabas namin nakita ko namay nagkahandusay na tao sa kalsada pero hindi ito basta bastang tao pula rin ang dalawang mata nito.
"Naka drugs bayan?" Luka-luka baka naka drugs ito at nawala sa isip at nag suicide. Dinamay pa kami
"Hoy! Bitawan mo ko" inis na sigaw ni Azra at ngayon ko lang napansin na hinawakan ang kamay ni Azra nung taong nagkahandusay.
"He is still alive?" Obvious naman na buhay yan.
"Ano guys hindi niyo ba ako tutulungan?" takot na sabi ni Azra. sino bang hindi matatakot na hinahawakan ka nang drug addict.
"Y-you" turo ni Mr. Red eyes sakin, yes red eyes drug addict. Tsaka niya binitawan ang kamay ni Azra at mabilis siyang lumapit sa amin
"Me?" turo ko sa aking sarili.
"Killed...h-him" ako? Bakit ako? Hindi ko nga siya kilala
"A-ano? E never panga akong nakapatay ng lamok tao pa kaya? Tsaka wala kang ibidensiya at hindi ko magagawang pumatay ng tao" mangiyak-ngiyak na sagot ko. Never ko pang naranasan na may magsasabi sa akin na nakapatay ako.
"Who are you to accuse her of that?" Malakas na suntok ang binigay ni Sixto sa kanya.
"Archer, stop him"
"I s-saw it"
YOU ARE READING
Trespia Academy
Fantasy"IF YOU TREAT ME LIKE A QUEEN, I'LL TREAT YOU LIKE A KING. IF YOU TREAT ME LIKE A GAME, I'LL SHOW YOU EXACTLY HOW IT'S PLAYED" - Winter Yeona Fallion