CHAPTER 1: OUTING

30 4 1
                                    

   Nagising ako ng maaga dahil sa ingay ng alarm clock ko. Kahit inaantok pa ang dalawa kong mata ipinilit ko paring buksan ito. Dapat akong gumising ng maaga para makapaghanda ako, may outing kami ngayon kasama ang aking mga kaibigan. Dahil sa bakasyon pa naman susulitin namin ang pagkakataong ito.

  By the way , I'm Winter Yeona Fallion , 17 years old. And I'm on the broken family, naghiwalay ang mama at papa nung second year high school ako dahil sa merong ibang babae si papa. Mama thought na siya lang ang kaisa-isahang babae ni papa pero hindi, at mas pinili pa ni papa ang babaeng yun kaysa sa amin ni mama. Pero at the end happy na rin ako ngayon dahil may nagmamahal na kay mama at hindi na siya nag-iisa.

   *tok*tok*tok

   Nanumbalik ang diwa ko ng may kumatok sa pinto. "Pasok" dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkahiga kahit ang katawan ko ay gusto pang bumalik sa kama.

   "Anak ko" umupo si mama sa kama ko at tumabi sakin. "Kumusta tulog mo nak" tanong niya.

   "Ma, kulang pa po ang tulog ko" sabi ko. sinuklay ni mama ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

   "Gusto mo bang malate?" Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinikit ang dalawa kong mata.

   "Of course not, mama naman kahit kailan hindi to nalelate noh" kumalas ako sa pagkayakap ni mama at sabay kaming tumawa.

   "HAHAHAHA/HAHAHAHA mama" ang sarap sa pakiramdam na marinig mo ulit ang tawa ni mama, parang ayaw ko tong matapos. Gusto ko siyang makita na palaging na ka ngiti.

   "Sige na maligo kana winter para makapag-almusal kana sa baba" tumayo ako at sumaludo kay mama.

   "Yes, Queen!" kinuha ko muna yung towel ko bago pumasok sa banyo.

  After kung maligo nag-impake muna ako ng aking mga gamit at pagkatapos bumaba na ako papuntang kusina. At nakahanda na ang almusal namin tuwing umaga tocino, sandwich, eggs, and milk. At nagluluto pa si mama ng piniritong isda. Uupo na sana ako ng may biglang pumasok sa bahay at tinawag ako.

   "Winterrr, let's goooo I'm so excited na like O to the M to the G" lumapit siya sa akin at halatang excited nga pano ba naman parang hindi siya mag-aouting. May dala kasi siyang dalawang maleta at isang bag pack akala mo naman lilipat ng bahay mag-aouting lang naman.

   "Hoy! Ano trip mo teh? Dalawang maleta tsaka isang bag pack? Outing paba tawag dyan? Hoy 5 days lang tayo dun uy" May sira ata to sa utak e noh?

   "Duhhh! All my gamit is here kaya. Hindi ako pwedeng aalis kung hindi ko sila dala-dala" pag-iinarte nito.

   By the way, She's my conyo friend her name is Kallistê Venice Granger , same age as me.

   "Kasama naba dyan ang kaldero, kawali tsaka mineral water? Nice ha hin—" she cut me off kahit may gusto pa akong sabihin.

   "No,no,no, you think kasya yan? Like eww if I will bring that things na sinasabi mo madumihan yung maleta ko" pandidiri niya. Akala mo naman kung sino.

   "Mga anak kumain na kayo tsaka ikaw Win kumain kana tignan mo oh nandyan na si Venice" biglang sambit ni mama pero mabilis na lumapit sa hapag kainan yung isa.

   "Wow! Tita I want to eat, can I?" Aba pumunta siya dito para dito kumain? Bago pa samagot ng oo si mama inunahan ko na siya.

   "NO, shoo umupo ka dun" turo ko sa sala "You stay there habang naghihintay sakin" mabilis akong umupo at kinuha yung mga ulam at nilamon.

   "You know what, your so madamot hmp. Look tita hindi ako papakainin ni Winter, I'm hungry kaya kasi hindi pa ako kumain bago ako pumunta dito" nakaramdam naman ako ng awa sa kanya, pasalamat ka kaibigan kita. Ang excited niya talaga ni hindi nga siya nakapag-almusal pffttt.

   "Eh? Why are you laughing?" She look like a kid.

   "Nothing"

   "Halika dito hija at dito ka umupo, sige kumain ka lang" ngumiti lang ako kay mama I feel like may kapatid ako at pinagsisilbihan kami ni mama at magkapatid na nagkukulitan. May kapatid sana ako kaso namatay siya sa sinapupunan ni mama.

   "Yehey! Thank you tita " umupo na siya sa tabi ko. Hindi ko nalang siya inaasar at kumain lang ako ng kain para mabusog at nagbaon rin ako ng anim na sandwich.

Maya-maya pa ay dumating na ang tatlo para sunduin kami kaya kinuha ko ang mga gamit ko sa aking kwarto, bag pack lang ang dala ko kasi kasya naman lahat ng mga kailangan kong gamit dito.

"Hey! Guys, tulungan ko na kayo dyan" sabi ni Sixto bago siya bumaba sa Van. Yeah! Van ni Sixto ang sasakyan namin ngayon dahil siya ang pinaka mayaman sa aming lima na may van. By the way , His name is Sixto. Hindi ko na alam kung ano talaga full name niya lahat ng tawag sa kanya sa school ay Sixto, kahit matagal na kaming magkakaibigan ni isa hindi siya nagkwento about his life or his name. He always make us laugh not like Archer.

"Oh! Thanks Sixto, you're so mabait" Sabi ni Venice habang sinusuklay ang kanyang buhok.

Nauna nang sumakay si Venice, Sixto kaya nasa Van na silang apat Archer and Aviana. Ako nalang ang kulang dahil gusto ko pang magpaalam kay mama at papa.

"Ma" huminga muna ako ng malalim " Mamimiss po kita" niyakap ko siya at yun din ang ginawa niya "mamimiss ko kayo ni papa"

"Mamimiss din kita anak kahit 5 days lang yun basta mag-ingat kayo dun ha?" tumango lang ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi. " Pa, wag mong iwan si mama ha? Aalagaan mo siya" inakbayan niya ako.

" Syempre naman basta mag-ingat kayo dun ha?"

"HOY! ANG DRAMA MO WIN AKALA MO NAMAN MANGINGIBANG BANSA HAHAHA" sigaw ni Sixto. Napaka epal nito.

"Tsee ang epal mo"

"Teka san ba kayo mag-aouting?" Biglang tanong ni nanay. Oo nga saan nga ba kami mag-aouting? Hindi ko na tanong.

"Oo nga, Sixto saan ba?" tanong ni Azra or should we say Aviana, Azra for short.

"Sa ano Vaxtahuniaz, basta May dala akong mapa papunta dun" sagot nito. Pero Vaxtahuniaz? Ano yun? Ngayon lang ako nakarinig ng words na yan.

"Seriously? I thought sa beach tayo? Ghad! Dala ko pa naman ang swimsuit ko" so kaya pala ang daming dalang maleta akala niya mag swiswimsuit kami everyday.

"Pwede ka namang mag-swimsuit dun HAHAHA" pangangasar ni Sixto.

"Shut up" Venice.

"San ba yang Vaxtahuniaz?" seryosong tanong ni Archer na ikinatahimik namin.

"Relax dude, malalaman mo rin mamaya. Come on Winter" sumakay na ako sa van at nagpaalam kay mama at papa.

"Siguraduhin mo lang na mag-eenjoy kami jan sa Vaxtahuniaz nayan" sabi ko.

"You will" sabi nito pero iba ang kutob ko sa 'you will' niya at ano ba ang meron dun?.

"Mag-ingat kayo mga anak ha. Winter tawagan mo ako pag nandun na kayo" sigaw ni mama at nag-wawave na siya samin dahil paandar na ang van.

" Yes po ma" nag-wave rin ako sa kanilang dalawa ni mama.

" BYEE! TITA, TITO/ BYE PO" sigaw ni Azra at Venice bago ko isinara ang pintuan ng van.

HOPE Y'ALL ENJOY MY STORY

thenightswords
@allrightsreserved

Trespia AcademyWhere stories live. Discover now