KYLIE's Pov
Pumasok na ako kinabukasan. Andami nanamang chismosa na bubulong bulong rinig ko naman.
"Grabe girl, sabi ko sa inyo tama ako eh. Hindi papatol si Prince Kevin sa isang nerd"
"Yah right! Sila nga ang buong topic sa campus eh. Hindi man lang mahiya yang nerd na yan. Nakuha pang pumasok. tsk."
"Ang landi naman kasi. Feeling niya kasi magkakagusto sa kanya si Prince Kevin. Duh! walang wala nga siya kay Princess Celine eh"
"Buti nga sa kanya. Feelingera kasi."
"FLIRT pa!"
"TAMA!!~"
Grabe naman sila. Ako na nga niloko, ako pa lumalabas na malandi. Dumiretso na lang ako sa classroom ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko. Dapat maging matapang ako.
As usual ako pa rin ang pinag uusapan nila. Wala ba silang sawa? Masyado nila ako pinapasikat eh.
Dumating na yung teacher namin. Nag lecture lang siya. Ako? Walang maintindihan. Naiisip ko kasi yung sinabi ni kuya sa akin nung isang araw. Kami ang may-ari ng school na to kaya dapat hindi ako nag papatalo sa kanila.
-------
LUNCH TIME
Nandito ako ngayon sa garden ng school. Masyado kasing maraming tao sa canteen. Alam niyo naman na masyado na akong sikat dito sa school na ito.
"Can I join you here?"
"Ay palaka!!"
"Huh?"
"Ay sorry. Bigla bigla ka kasi nag sasalita."
"Sorry kung nagulat kita"
"Ah. ok lang. Sino ka nga pala?"
"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Steven" Sabay kamot niya sa kanyang batok. Infairness gwafu siya. Hahaha kala mo hindi BH eh.
"Ako ng pala si Ky-..."
"Kylie right? Imposibleng hindi kita makilala. Ikaw lagi bukambibig nung mga tao dito. Bakit ba hindi ka lumalaban sa kanila? Masyado kang nagpapaapi!"
Wow ha! Close kami makatanong naman!.
"Para saan pa. Para mas lalo pa nila ako pahirapan? Isa lang naman kasi akong nerd na feelingera sa paningin nila eh"
"Ayun na nga yung point dun. Para sa kanila ay weak ka. Mahina ka. Alam nila na hindi ka lalaban kahit anong gawin nila. Why don't you change your self? Bakit hindi mo ipakita sa kanila yung matapang na Kylie! And I know your beautiful. Why don't you show your beauty? Para naman marealize ng Kevin na yan kung sino ang niloko niya. Kung gaano kahalaga ang pinakawalan niya."
May Point siya. Bakit hindi ko baguhin ang sarili ko. Dapat nga ako ang angat dito dahil ako may-ari nitong school na ito ay mali ako lang naman ang anak ng may ari ng school na to.
"Sabagay! You have a point there. Pero paano ko naman babaguhin ang sarili ko? Nasanay na ako sa gantong itsura."
"Alam mo may aaminin ako saiyo. Dati, isa rin akong nerd"
"Weh?! Talaga lang ha. Wag mo nga akong pinagloloko. Sa itsura mong niyan? Isang nerd dati? Pwede ka na nga maging model eh."
"Thanks for the compliment. Hahahaha!!. Pero seryoso isa akong nerd dati. Lagi nga rin akong binubully eh. May nagustuhan ako na isang babae. Sobrang sikat siya sa school. Ginawa ko ang lahat para makalapit sa kanya kasi marami laging naka palibot na lalaki sa kanya. Pero nabigo ako. Pero isang araw nabigyan ako ng chance na makalapit sa kanya at masabi yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero pinahiya lang niya ako sa maraming tao dahil isa daw akong nerd at hindi siya pumapatol sa isang katulad ko. Kaya simula noon binago ko na ang sarili ko"
" Ahhh..."
Grabe speachless ako dun ah. Ang drama naman ng buhay niya.
"Kaya kung ako sa iyo mag bago kana para katulad ko. Maging habulin ka rin hahahaha."
"Hahaha. Thank you dahil kahit papaano napagaan mo yung nararamdaman ko. So Friends?"
Sabay abot ko ng kamay sa kanya at tinanggap naman niya iyon.
"Yeh! friends :))" Nakangiti niyang sabi.
"Pwede ba kitang tawaging Steve?"
"hmmm! oo naman." sagot ni Steven
"Salamat" ^_^ may bago na akong kaibigan.
Sana maging maganda ang kalabasan nito.
_____________________________________________________________________________
a/n: Picture po ni Steve ------>
Nice may new friend na si Kylie. Ano kaya yung desisyon ni Kylie! hmmm...
sorry po kung matagal po akong hindi na kapag ud. Naging Busy po kasi eh.
Thanks po sa mga readers. Ang Thanks po sa mga nag votes. Wiieehh ILY :*
May i-edit lang po ako ng onti sa chap. na to =))
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd (slow update)
Novela JuvenilIsang nerd na nagmahal ng todo pero ni loko. Isang nerd na nagtiwala sa mga kaibigan pero pinaglaruan at ginamit. At ngayon ay isang nerd na handang bumangon para pabagsakin silang lahat.