(𝘗𝘳𝘪𝘴𝘤𝘪𝘭𝘭𝘢)
Tahimik lang ang paligid habang naghihintay ako sa isang sulok. Nakaupo ako sa monoblock doon, habang inaayos naman ang lugar na pu-puwestuhan ko.
"Ang baho, pwe!" Napangiwi ako nang pumasok sa ilong ko ang nakasusulasok na amoy ng squatter's area. Napamura agad ako at pinisil ko ang ilong ko. "Sinong mga tao ba ang titira sa ganitong lugar? Parang binagsakan ng isang truck ng dumi ng tao."
"Ma'am Priscilla! Uy, tingnan ninyo!"
May grupo ng mga dalagita na lumapit sa akin at naglabas sila ng mga cellphone. Napangiwi ako lalo sa amoy ng mga ito at tinaasan ko sila ng kilay.
"Ma'am, puwede po ba magpa-picture sa'yo?" excited na tanong ng isa sa kanila. "Lagi ka pong nakikita ng tiyang ko sa television kaya sinasabi niya na ang ganda mo raw po at matalino! Tapos, napapanood ko po 'yong videos mo sa youtube na nagre-review ka ng mga libro. Ang galing-galing mo po, ma'am!"
"Do I look like I'm interested in whatever you're saying? I'm not in the mood to take pictures, respect my privacy," diretsong utos ko sa kanila. Napanganga ang mga ito sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Ah, hindi nga pala kayo makaintindi ng ingles. Kung maaari, puwede ba na umalis kayo at bigyan ninyo ako ng katahimikan? Hindi ako nakikipaglitrato kung kani-kanino, at kung mawalan ka ng pagka-idolo sa akin wala akong pakialam. Alis."
"Ay, ang sungit pala. Umalis na nga tayo."
Nagpulasan na sila sa iba't ibang direksyon kaya nakakuha na ako ng privacy na hinihingi ko. Dumating na ang camera man, at may kasama itong lalaki. Halata naman na nakakaangat sa buhay ang lalaki dahil maayos ang pananamit nito at disente ang hitsura niya. Inalok nito ang kamay niya sa akin at dali-dali kong tinanggap 'yon.
"Janus Alegre," pakilala niya. Inangat nito ang kamay ko at nakita ko na papalapit ang labi niya roon kaya kinuha ko agad 'yon at kumuha ako ng wet wipes mula sa bag ko. May gumuhit na kung ano sa mga mata nito at agad siyang nagsalita, "I'm sorry pala. Hindi ka pala sanay na hinahawakan, pardon my actions."
"What do you need? Be straightforward, may kailangan ka ba sa akin?"
"It's about the news na ire-report mo. Three children died dahil nasagasaan sila ng kotse ng amo ko. He didn't see those children kaya nabangga niya, which lead to their death. I'd like to propose a deal. Kasiraan sa kompanya ng amo ko if ever na lalabas sa television na siya ang nakabangga. Make the victims look like it's their fault, and we'll pay you. Miss Priscilla, we know na kayang takpan ng pera ang lahat."
"Deal," pagpayag ko sa kaniya. "Kung pera ang usapan, then go. Hindi ako kikita nang malaki sa pagiging honest, right?"
"It's a deal then. Good luck, Miss Herrera."
Pinapuwesto agad ako sa bungad ng isang bahay roon at inayos ko ang buhok ko. Bahagya ko 'yong hinawi paalis sa balikat ko at ngumiti ako sa camera. Isinuot ko agad ang wireless earphones at mabilis kong itinaas ang microphone sa labi ko.
"Rolling in three.. two.. one."
"Good morning, everyone. This is Priscilla Herrera of RT news. Narito tayo ngayon sa lugar kung saan karumal-dumal na krimen ang nangyari na ikinasawi ng tatlong paslit. Makikita sa gawing kaliwa ko ang police mobile, at ang mga nag-iimbestiga sa pangyayaring ito at kumakalap ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng nakabangga." Naglakad agad ako papunta roon at tumayo ako malapit sa police car. "Isa itong malungkot na pangyayari para sa pamilya ng biktima, at kasalukuyang tinitingnan kung may human error na kasali rito o kaya'y mechanical error. Nabanggit sa amin kanina ng isa sa mga nakausap ko na may posibilidad na kapabayaan ito ng magulang ng mga paslit kaya nagpagala-gala ang mga bata, na humantong sa malagim na araw na ito." Naghintay ako ng saglit dahil nadinig ko na pinapalabas pa ang interviews na nakalap ko kanina. Muling tumutok ang camera sa akin kaya nagpaalam ako agad, "Muli, ito si Priscilla Herrera na bumabati sa inyo ng magandang umaga."
BINABASA MO ANG
Talasalitaan [GxG]
RomanceDeborah Arellano, siya'y isang tanyag na manunulat-kilala bilang si SiyanseNiMelchora, ang babaeng mahilig magsulat ng kuwento at prosa na purong tagalog. Sa unang beses na siya'y kukunin ng isang publishing company dahil sa libro niyang tumalakay s...