(𝘗𝘳𝘪𝘴𝘤𝘪𝘭𝘭𝘢)
Malabo na ang aking paningin nang pumasok ako sa kuwarto ni Deborah. Pagewang-gewang ako at nakita ko siya na nakaupo sa tabi ng bintana habang umiinom ng kape. Tumingin ito sa akin at bumakas ang matinding pag-aalala sa mga mata niya.
"Priscilla. Anong oras na? Madaling-araw na." Tumayo ito para lapitan ako at tumigil ito nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. "You reek of alcohol. What are you doing? Dapat tinatanggal mo na sa sistema mo 'yan. Baka ma-tempt ka na uminom ng alak o manigarilyo kapag ganiyan na tumitikim-tikim ka pa. Masama sa buntis iyan kung sakaling magdadalang-tao ka."
"Will you please shut the fuck up? Kasi ang daldal mo, e. Huwag mo akong sinesermunan dahil katawan ko ito. My body, my rules." Natahimik ito sa isinagot ko at halata sa ipinapakita niyang ekspresyon na naninibago siya sa akin. Nagkunwari na lang ako na natawa bago magsalita, "Okay. I'm sorry, I'm just tired and nagging at me won't help. Walang effect iyon sa situation natin ngayon. Forgive me, Debbie."
"Get changed now. Sige na, kanina mo pa suot ang damit na 'yan. Maligo ka na para malamigan ang ulo mo." Pinayuko ako nito at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "I'll be outside. Let's talk dahil hindi ka pa naman talagang lunod sa alak. I'll tell you something."
Tinulungan ako ni Deborah sa paghuhubad ng blouse at inabutan ako nito ng tuwalya. Lumuhod din ito para tanggalin ang sandals na suot ko at naglakad na ito pabalik sa puwesto niya kanina.
"Debbie," pagtawag ko sa pansin niya, "I'm really sorry for being sarcastic kanina. It's my fault. I'm really stressed and I don't know kung paano ko ilalabas. I accidentally shouted at you."
"Don't mind it, naiintindihan kita. Maligo ka na para refreshed ka. I'll wait for you."
Naglakad na ako papunta ng banyo para maligo at magpalit ng suot. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsa-shower, bigla akong napatingala. Nagulat ako nang may makita akong pares ng mga paa at nanlaki ang mga mata ko nang may pumatak na dugo sa akin.
"Du-Dug-Dugo! Deborah! Help me! Deborah! Dear! Somebody is in here!" Namukhaan ko agad si Abrielle na nakasabit sa dingding ng banyo at nagmumula sa mga pulsuhan nito na may hiwa at nagdurugo ang tumutulo sa akin. Tumulo sa mga mata ko ang dugo at biglang naging kulay itim ang paligid.
"Deborah! Debora—"
"Priscilla! Are you okay?!" Nawala bigla sa kisame ang katawan at naging maayos ang hitsura ng banyo. Nakita ko si Deborah na niyuyugyog ako habang tumutulo rin sa kaniya ang tubig sa shower. Niyakap agad ako nito nang mahigpit at nakahinga ito nang maluwag. "You're shouting, dear. Kanina pa. I can't get inside sa banyo so sinira ko na ang pintuan. What's happening? Kaya mo bang tumayo? May masakit ba sa'yo?"
"I'm sorry.... I'm sorry..." Nanginig ako sa kaiiyak habang nakatingin sa kaniya at namumutawi ang guilt sa akin. "Your girlfriend is a criminal. Kriminal ang babaeng mahal mo. I'm really sorry, Debbie."
"You're not a criminal. One mistake can't reflect you as a person. Don't cry. Stop crying dahil kanina ka pa stressed. Don't over think sa work dahil walang mangyayari sa'yo no'n. Ang mahalaga is natapos mo na ang trabaho mo." Inayos niya ang buhok ko bago isara ang shower. Kumuha ito ng tuwalya bago ako alalayan sa pagtayo. Idinampi niya 'yon sa katawan ko habang tahimik lang ako na nakatingin sa kaniya at nananakit ang dibdib. "Stop thinking about things na natapos na. It doesn't matter, you've changed now. The money na nakuha mo sa pamemeke ng news, ibinigay mo sa pamilya ng mga na-agrabyado mo. You even apologized sa harapan nila. Ano pa ba ang kailangan mong hingan ng tawad? You've done everything, right? Naitama mo na—"
"Bridgette wants me to be imprisoned. Gusto niya na makulong ako because she believes na may ginawa akong napakasama. She's right, and nalaman ko na ginagawa niya 'yon para siraan ako. Please, believe me dahil talagang nagsisisi na ako sa nangyari. Ayaw kong makulong. Deborah, hindi ko kaya na mahiwalay sa'yo at sa pamilya ko. Please." Binuhat ako nito nang matapos na siya sa pagtutuyo sa katawan ko. Parang hindi nito pinapakinggan ang sinasabi ko dahil dinala lang niya ako sa closet bago abutan ng underwear at pantulog. Kumuha rin siya ng pamalit niya. "Listen to me. Dear—"
BINABASA MO ANG
Talasalitaan [GxG]
RomanceDeborah Arellano, siya'y isang tanyag na manunulat-kilala bilang si SiyanseNiMelchora, ang babaeng mahilig magsulat ng kuwento at prosa na purong tagalog. Sa unang beses na siya'y kukunin ng isang publishing company dahil sa libro niyang tumalakay s...