(𝘗𝘳𝘪𝘴𝘤𝘪𝘭𝘭𝘢)
"Anak, masakit ba? Naku, namumula ang pisngi mo! Ikaw naman Priscilla, bakit mo sinaktan ang anak ko?" Nahihiya kong tinitigan si Ma'am Yvette habang umiiwas naman ng tingin ang anak niya sa akin. Para itong nagpipigil ng galit na 'di ko maintindihan. "Priscilla, she's my daughter. Pang-lima sa anim na mga anak ko. Why would you slap her? Mabuting bata si Debbie at hindi siya kung sino lang."
"Let her, mommy," utos nito. Finally, hinarap na niya ako at lumapit siya sa akin. "Never akong sinaktan ng mommy ko. Ikaw ang unang babae na nanakit sa akin sa walang kuwentang dahilan. Seriously, tingin mo talaga susundan kita? You're not somebody na worth it sundan. Yayaman ba ako kapag sinundan kita at kinunan ng photos? No. Sobrang unpleasant ng ugali mo."
"I don't really know, okay? Besides, you're at fault dahil suspicious ang actions mo. You have no right to insult me. 'Di mo ako kilala."
"At hindi mo rin ako kilala kaya wala kang karapatan na akusahan ako na parang napakasama kong tao. You know, 'di ko alam kung sino ang lalaking magtitiis sa ganiyang ugali." Nagtagpo ang balintataw ng mga mata namin dahil pantay lang ang height namin nito. Parang napupukaw ng mga mata nito ang akin, dahil umawang bigla ang labi ko. "Just say sorry, hindi ako masamang tao. Hindi ko na gusto na magkagalitan tayo so just say sorry to me."
"F-Fine, sorry," walang tono ng sincerity sa boses na iwinika ko. "Satisfied? Iyan na, ha? Nanghingi na ng tawad sa'yo ang isang Priscilla Herrera."
"Hindi sincere ang paghingi mo ng tawad. And also, si Priscilla Herrera ka lang. Hindi ka Diyos o kaya'y someone na deserve ng respeto. You're the first person to tell me na give respect to be respected, 'di ba?"
"You need to respect me dahil respetado akong tao. Ang dami kong achievements at ambag sa bansa natin. You better shut your mouth if you'll just degrade me."
"I'm not degrading you. Balewala lahat ng achievements mo kung ganiyan ang ugali mo. And besides, nanay ko ang boss mo 'di ba? Anak niya ako so dapat tinitingala mo ako---"
"Tama na." Humarang na sa pagitan namin si Ma'am Yvette at tumabi ito sa anak niya. "Debbie, Priscilla is apologetic. Ayaw niya lang talagang sabihin. Just forgive her, okay? Ayaw ko nang mag-away kayo, kaya nga kita inimbitahan para makilala mo ang isa ko pang anak-anakan."
"Okay po, mommy." Yumukod ito para halikan ang noo ng nanay niya at bumaling ito ng tingin sa akin. "Napatawad na kita, kahit na walang sincerity sa sinabi mo kanina."
"Okay. I'll go upstairs para balikan ang bag ko. Priscilla, talk to my daughter. Entertain her, ha? Tiyak kong magkakasundo kayo."
Naiwan na kami ni Deborah sa baba habang may kinukuha sa taas ang nanay niya. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang hilahin nito ang libro na hawak ko, "Hey! Akin na 'yan!"
"Aesthetic Dreams?" tanong niya sa akin. Binuksan nito ang libro ko at tinitigan niya ang last page. Blangko pa ang dulo ng libro dahil personal kong ipapapirma 'yon kay SiyanseNiMelchora at gusto ko na siyang makita sa personal. Bigla itong nagtaka habang nakatingin doon, "Huh? Bakit wala pang pirma 'to?"
"Pagtatawanan mo ba ako?!" patutsada ko rito. "Alam ko na sikat ang libro na 'yan, at papipirmahan ko 'yan mamaya. Inggit ka lang dahil hindi mo siya kakilala. Kakilala 'yan ng best friend ko at may 'private session' kami mamaya."
"Si SiyanseNiMelchora? Ang boring magsulat no'n, lalo na ang Aesthetic Dreams na binabasa mo is walang kuwenta para sa akin. Bakit ka ba nagsasayang ng oras sa ganiyan? Saka hindi mo ba alam na walang essence ang pagbabasa niyan? Parang bata lang ang nagsulat nito." Namula agad ako sa galit nang insultuhin nito ang favorite author ko. Tumawa lang siya at tinitigan niya nang maayos ang libro. "Alam mo Priscilla, marami nang naiyak sa libro na 'to. Ako, hindi. Kabisado ko na nga 'yan pero 'di ako naiyak na gaya nila. At saka sinong magkakagusto kay Fernando na introvert, 'di ba? He's not the type of man na titilian talaga."
BINABASA MO ANG
Talasalitaan [GxG]
RomanceDeborah Arellano, siya'y isang tanyag na manunulat-kilala bilang si SiyanseNiMelchora, ang babaeng mahilig magsulat ng kuwento at prosa na purong tagalog. Sa unang beses na siya'y kukunin ng isang publishing company dahil sa libro niyang tumalakay s...