TWBS PART 2

32 1 0
                                    


Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw,tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana,panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba,malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga sungay na bahagyang tumubo at sa mas maiigsing mga buntot. Kumikislap ang pangil ng mga ito sa tuwing umaatungal o dili kaya ay nag-uusap. Ilang oras din ang lumipas nang kalagan isa-isa ang mga wala nang buhay niyang mga kasama,inihilera ang mga iyon sa tabi ng pugon.

Ilang minuto pa ay pinagtabi-tabi silang mga nabubuhay pang mga tao,inilipat sa pagkakagapos sa kaniyang kinaroroonan ang mga ito. Matapos nito ay kusang naglayuan ang mga kawal nang makita ang senyas ni Haring Murago. Lumapit ito sa kanilang kinaroroonan kasama si Kojin at sa kanilang lengguwahe ay umusal ng mga tanong sa dalawang nakaunipormeng piloto. Hindi naman maintindihan ng mga ito ang kanyang sinasabi kung kaya't agad silang sinikmuraan dahilan para mapasuka sila ng dugo dahil sa sobrang lakas ng halimaw. Lumapit ang mga ito kay Annabel at saka muling nagtanong,hindi rin umimik ang dalaga sapagkat wala siyang maintindihan kahit na isa man lamang na salita. Uundayan na sana siya ni Haring Murago nang malakas na suntok sa sikmura nang salagin iyon ni Kojin. Mamaya pa ay nag-usap ang mga ito sa kanilang lengguwahe. Muling lumapit si Haring Murago kay Annabel at madiin na dinakot ang kaniyang ulo saka tumingala na parang may inuusal na dasal. Para namang may humihigop na kung ano sa sentido ni Annabel habang ginagawa ito. Makalipas ang limang minuto ay binitawan siya ni Haring murago,hinang-hina siyang napayuko sa harapan ng dalawang halimaw. Nagulat siya nang muling magsalita si Haring Murago sapagkat naiintindihan na niya ito.


"Hoy nilalang! Anong klaseng halimaw kayo at napadpad kayo rito sa aming isla?" tanong ng hari.

"Mga tao po kami hindi halimaw, maawa po kayo sa amin." sumamong sagot ni Annabel.

"Bwuahaha, anong tao ang sinasabi mo? mga halimaw kayo, tingnan mo kung paano ninyo sinira ang aming kagubatan! nakagigimbal nitong atungal.

"Hindi po namin sinasadya na mangyari ito,isang malaking aksidente po ang nangyari kaya kami napadpad sa lugar ninyo, kung maaari po sana ay pauwiin na ninyo kami." pagmamakaawa niya.

"Hindi mo ba alam kung gaano karaming mga hayop na pagkain namin at puno ang winasak ninyo? Magmasid ka halimaw!!! sigaw nito.


Iginala ni Annabel ang kanyang mga mata at nakita niya kung gaano kalaking pinsala ang idinulot ng pagbagsak ng eroplano sa kapaligiran. Nagtumbahan ang mga puno na hitik sa mga hilaw na mga bunga at nagkalat ang mga hayop kabilang ang maliliit pang uri nito. Hindi niya maisip kung ano pang mga sunod na gagawin ng hari kaya napaiyak na lamang siya. Nakita niyang nag-uusap muli ang dalawa at parang nagtatalo habang nakatingin sa kanya si Kojin. Parehong labas ang mga pangil ng mga ito habang nagdedebate.Ilang sandali pa ay naglakad na ang mga ito papalapit sa kanilang pangkat.

" Puwede naman natin sila gawing alipin aking Hari." suhestiyon ni Kojin.

"Sinabi ko na sa iyo Kojin, kamatayan ang hatol ko sa mga mapaminsala sa ating kapaligiran. Gusto kung paslangin mo silang lahat at ialay sa akin ang mga ulo!" madiin nito utos.

THE WICKED BILLIONAIRE'S SONWhere stories live. Discover now