Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin.
Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin ang babae pero hindi naman siya nito pinapansin.
Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga.
Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito.
Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito.
"Ito na ba ang bagong young master?"
"Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay.
"Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman na niya ang pagyakap sa kanya ni Dark Indigo.
"Bitiwan mo ako!" Marahas niyang tinanggal ang kamay ng lalaki ngunit mas lalo namang humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.
"Ano ba!"
Napalingon na rin sa kanila si Dindi ngunit nang makitang tila mayroon silang problema ay muli itong nagbawi ng tingin. Nagpatuloy ito sa paglalakad na para bang walang nakita.
"Mag-usap tayo, Amber." Nanatili namang mahinahon ang tinig ni Dark Indigo kahit pinaghahampas siya ng babae sa kamay.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Indigo!" Niluwagan ng lalaki ang pagkakayapos sa kanya at saka iniharap ang babae sa kanya.
"Bakit mo ba ako trinatrato ng ganito? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Puno ng lungkot ang mga mata nito. Ngunit tila naman tumaas ang presyon ni Amber dahil sa narinig.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo four years ago? Hindi pa ba sapat 'yon para magalit ako sa'yo?" Namumula ang mata nito dahil sa pagpipigil sa sariling umiyak.
Sandali naman natigilan ang lalaki. Tila ba inalala nito ang nagawa.
"Hindi kita naiintindihan. Ano bang problema, Amber?"
Lalong kumulo ang dugo ng dalaga dahil sa tanong nito. Nakuyom niya ang kanyang palad. Hindi siya makapaniwalang nagagawa pa nitong umaktong inosente.
"Ano bang ayaw mo sa'kin? I can provide all your needs. I can give you a luxurious life."
Lalo lang nadagdagan ang galit ng babae dahil sa narinig. Naiinis siya sa ideyang tila binibili ni Indigo ang pagkatao niya.
"Pakasalan mong mag-isa ang sarili mo, Indigo!" Hindi nito itinago ang galit. Wala na siyang pakialam kahit may makarinig pa sa sigaw niya.
"Kahit pa gawin mo akong reyna, hindi pa rin kita pakakasalan!"
Nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ng lalaki.
"Bakit? Anong ayaw mo sa'kin?" Kita-kita sa mata nito ang namumuong luha. "Sabihin mo sa'kin kung saan ako ng nagkamali?"
"Wow! Indigo! Hindi mo alam kung anong nagawa mo? Wow! Bilib naman ako sa'yo! Ano ka may amnesia?"
"Ang alam ko naman, ayos tayo noong huli tayong magkita. Sabihin mo kasi sa'kin. Dahil ba hindi ko napagbigyan ang gusto mong pumasok ng school? Iyon ba? Dahil ba pakiramdam mo ay kinukulong kita? Kung 'yon ang dahilan, I'm sorry."
BINABASA MO ANG
My Little Trophy
RomanceBaby maker for hire! Iyan ang trabahong inaplayan ni Amber dahil sa larong truth or dare. At mukhang sigurista si Dark Indigo dahil bukod sa isang gabing namagitan sa kanila ay gusto pa nitong subukan ang artificial insemination. Naloko na! Wala t...