Hindi maiwasang kilabutan ni Amber nang makita ang pinagdalhan sa kanya ni Tadeo Miguero. Matapos silang bumaba sa taxi ay sumakay sila sa tricycle. Tumigil sila nang marating nila ang makipot na eskinita. Naglakad na lang sila papasok dahil hindi makadaan ang tricycle sa kipot ng daan. Dagdag pang ang daming tambay sa gilid ng mga dikit-dikit na bahay.
"Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan.
Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar.
"Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado.
"Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki.
Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae.
"Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss."
Hindi na lang umimik si Amber.
Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagkamaling pagkatiwalaan ang lalaki.
Ilang tambay pang nag-iinuman at nagsusugal ang nadaanan nila ngunit para bang himalang tila hindi nila nakikita ang dalaga.
Walang kahit sinuman sa kanila ang pumansin sa kanya.
Inaasahan pa naman niyang sisipulan siya ng mga ito o kaya ay babastusin.
"Pasok ka, Miss."
Napatingala si Amber sa up and down na bahay. Gawa ito sa semento. Kulay light blue ang pintura ng bahay. Gawa sa jalousie ang bintana nito na may rehas na gawa sa pinong bakal.
Muling iginala ni Amber ang paningin. Bukod tangi ang bahay na ito. Parang ito lang ang may maayos na istruktura sa paligid. Ang karamihan ay gawa rin naman sa semento pero hindi nakapalitada. Ang iba naman ay tagpi-tagping plywood at yero. Ang iba naman ay tagpi-tagping tarpaulin mula sa nakaraang halalan.
"Ito ang bahay na pinakamaganda rito, Miss. Pero mahal po ang upa, hah?"
"Doon na lang sa mura."
Sandali siyang nilingon ni Tado. Ilang sandali din siya nitong tinitigan na parang sinusuri.
"Naku! Punuan na doon.Dito ka na lang, Miss. Papautangin naman kita eh."
Nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob ng bahay kaya naman wala na siyang choice kundi ang sumunod na lang.
"Gusto mo lang yata akong ibaon sa utang eh."
Nagkamot naman ng ulo si Tadeo Miguero.
"Lugi nga ako sa'yo, Miss. Ang baba ng interest na gusto mo."
"Huwag lang reklamador diyan. Kung ayaw mo sa interes na sinabi ko, huwag mo na lang akong pautangin."
Tila naman nagulat si Tado sa sinabi niya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito.
"Huwag mo akong pautangin. Bigyan mo na lang ako. Parang ayuda ba?"
"Ano ba 'yan, Miss! Ang tindi mo!"
Mahina siyang natawa sa reaksiyon ng lalaki. Maya-maya lang ay iginala ni Amber ang tingin sa paligid.
Walang masyadong laman sa loob ng bahay. Maliban sa rattan sala set. May dalawang pintuan. Ang isa ay pinto ng kwarto at ang isa naman ay patungo sa kusina.
"Diyan ako sa kwartong 'yan," turo pa ni Tado sa pinto. "Sa taas naman ang kwarto mo, Miss."
Nang umakyat sa hagdanan si Tadeo ay sinundan rin niya ito. May limang kwarto sa taas. Iyon lang at tila walang umuokupa roon dahil nakakandado pa ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
My Little Trophy
RomansBaby maker for hire! Iyan ang trabahong inaplayan ni Amber dahil sa larong truth or dare. At mukhang sigurista si Dark Indigo dahil bukod sa isang gabing namagitan sa kanila ay gusto pa nitong subukan ang artificial insemination. Naloko na! Wala t...