Nagtatatalon sa tuwa si Fern ng manalo ang numero kung saan sya pumusta. Muntikan pa ngang hindi manalo ngunit buti na lang ay nanalo ito. Malaki- laki ang perang makukuha nya.
" Yes! Thank you lord! Kahit masama ito, thank you pa din!" Akala nya'y mawawala ang perang ipon nya sa kanyang sarili. Buti na lang at ipinanalo ng lalaking sakay ng numero 56 ang laro. Nang matapos ang laro ay binigay ng babaeng kausap nya kanina ang pera.
" Ang suwerte mo ngayong araw ahh. Pasalamat ka kay Alas at nag bago ang isip nya. Dapat hindi muna sa mag lalaro ehh". Sabi ng babae at ibinigay ang pera.
" Alas?"
" Oo, dapat si Gio talaga ang gagamit ng numero 56 pero nakipag palit si Alas". Paliwanag nya kaya naman tumango na lang siya bilang sagot sa babae. " Yan oh. Ipapakilala ang nananlo". Turo pa ng babae kaya naman tumingala sya upang makita sa screen ang mga nanalo.
" Our 2nd runner up is Griffin! And our 1st runner up of course Kaji Suijin!" Tahimik lamang sya at hinihintay ang susunod na tatawagin. Kung sino man yang si Alas ay nag papasalamat talaga sya.
" And our Champion is Alas! Alastair!" Nanlaki ang mga mata ni Fern ng makita kung sino ang lalaking tumayo upang kuhanin ang thropy nya sa entablado. Pigil hininga ang nagawa nya dahil sa pag kagulat kung sino ang Alas na tinutukoy ng lahat.
" Sya..."
" Anything to say Alas?" Tanong ng host habang pinupunasan nya pa rin ang mga pawis sa kanyang mukha. Nakita ni Fern kung paano nilibot ni Alas ang paningin nya upang mahanap ang camera at ng makita nya ito ay parang na ring naka tingin ito sa kanya.
Bigla tuloy syang napa lunok. Parang na rin silang nag katitigan ngunit sa malaking screen naka tingin si Fern.
" To the girl I talked earlier, it's your lucky day... You've changed my mind for not playing today". Sabi nya sabay ngisi. Malakas na nag hiyawan ang mga tao kaya naman nawala na ang tingin nya sa screen. Dali-dali syang umalis sa kanyang puwesto at halos takbo-lakad na ang kanyang ginawa maka alis lamang doon.
' tangina Fern! Sya pala yun!'
Bulong ng kanyang isip. Biglang syang may naka banggaan kaya naman napa upo sya sa sahig.
" Sorry". Sabi nya at tumayo. Nanlaki naman ang mga mata nya kung sino yun.
Kaji...
" You okay?" Tanong nito sa kanya. Hindi na lang sya sumagot at umalis. Ano ba itong pinasok nya. Nasan na ba ang kaibigan nya? " Wait! Miss! Wait!" Sigaw ni Kaji kaya naman tumakbo na sya papalabas.
Hindi nya alan kung bakit sya tumatakas sa mga lalaking ito. Wala namang ginawang kasalanan ang mga ito sa kanya ngunit pakiramdam nya lang ay kailangan nya ng maka alis. Nakahinga sya ng maluwag ng makalabas na si Fern race. Kinuha nya ang phone at tinawagan ang kaibigan.
Ngunit sa kabilang banda, hawak ni Kaji ang ID ni Fern habang tinititigan ito.
" Madilyn Fern... Madilyn Fern Tuazon... Hmm, nice name". Giit nya at inilapag ang ID ni Fern sa lamesa at uminom.
" Who's ID is that?" Tanong ng kaibigan na si Zaiden
" Her name is Madilyn". Sagot nya sa kaibigan.
" Who's Madilyn?" Napatingin silang dalawa kay Alas na bagong dating.
" Ask Kaji". Sagot ni Zaiden.
" May naka bungguan akong babae kanina sa race. Nag mamadali ata. I asked her if she's okay but she just ignored me". Paliwanag nito. " Here's the ID".
Nanguha ng maiinom si Alas at kinuha ang ID na ibinigay ni Kaji sabay inom. Tinignan nya ang ID at naibuga nya ang kanyang iniinom ng makita kung sino ang nasa ID.
" What the fuck dude!"
" Disgusting!"
" Ayos ka lang ba?"
Tanong ng mga kaibigan ngunit hindi nya pinansin ang mga ito. Napa ayos sya ng upo at sumilay ang ngiti mula sa mga labi nya.
" That's her name..." Bulong nya sa kanyang sarili ngunit sapat na para marining ng dalawa.
" You know her?" Zaiden ask.
" She is the woman I was referring to earlier". Giit ni Alas. Nag katinginan naman si Kaji at Zaiden.
" She's the girl... You know her?"
" Not really". Sagot ni Alas. " Akin na to ahh". Sabi ni Alas, sabay taaa ng ID ni Fern.
" Wait, wala akong sinabing pwede maging sayo yan. Ako ang naka dampot nyan". Panunukso ni Kaji sa kaibigan.
" Drop price". Maikli ngunit seryosong giit ni Alas.
" I was just joking. I really don't care who is she. You can have that". Sagot ni Kaji.
Huminga ng malalim si Zaiden at muling uminom. " Buti pa kayo may love life na, ako wala pa din". Napa lingon naman si Alas sa sinabi ni Zaiden
" May nililigawan ka Kaji?" Tanong ni Alas sa kaibigan. Alam kasi ninAlas na hindi ganoong tao si Kaji.
" Anong nililigawan? Baka nga sya ang nililigawan ehh. May babae kasing sumusunod na naman sa kanya. What's her name again? Kaj?"
" Varsha. Varsha Imara". Sagot ni Kaji sa kaibigan na si Zaiden. Nag bago tuloy ang timpla ng kanyang itsura ng maalala na naman nya ang babaeng iyun. " But anyways, this is not about me. It's about Alastair".
" What's the plan?" Hindi sumagot si Alas dahil sya ay nag iisip lang. Muli nyang kinuha ang ID ni Fern at pinaka titigan itong mabuti.
" Nothing... I'm gonna do nothing..."
YOU ARE READING
Alas
General FictionAlas Pagibig Serye# 1 Alastair Blu Barrinuevo, who is kind, gentleman, respectable, polite, rich, love racing and a well mannered man. Almost have a perfect life until she met the girl that she never expected who will be a big part of his life, Madi...