DAY 7: MVP

37 3 0
                                    

Tiktok!Tiktok!tiktok!

Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay kunti na lang ang oras ko kasama si Quinn at Gem.

Parang ayaw ko nang bumangon dahil baka sa pagbangon ko ay maging ito na ang huli.

Tulog na tulog lang silang dalawa habang ako naman ay hindi pa rin makatulog kahit masyadong maliwanag na.

Natatakot ako na sa paggising ko ay hindi ko na silang muli masilayan.

Tama ba ang naiisip ko na may pipiliin ako o ipapaubaya ko ang puso nila para sa dalawang babae na umiibig na sakanila.

Nakakatakot kasi parang masyado akong nagiging selfish sa naiisip ko.

Tama ba itong naiisip ko ? Pipiliin ko ba ang sariling kasiyahan ko at hahayaan kong makasakit ako ng damdamin ng iba o pipiliin ko ang isa sakanila para puso ko naman ngayon ang maging maligaya?

Naiiyak ako parang gusto ko silang gisingin para makausap at magmakaawang manghingi ng extra pang araw para makasama ko sila pareho dito sa bahay.

Naiiyak ako parang ansama ko ngayong araw. Naiiyak ako kasi masasaktan ko si Jona.

Si Jona na sobrang bait at pure ng pagkatao. Nakakainis! Bakit ba kasi ngayon pa na mayroon na silang iba.

Sasayangin ko pa ba ang pagkakataong gaya nito kung saan pipili na lang ako sa kanilang dalawa.

Parang masyado akong masama ngayon? Bakit kailangan kong pumili? Anong basehan ko sa pagpili kung pareho lang naman silang mabuting tao at kaibigan ko?

Gusto ko nang matulog pero hindi ako nakakatulog dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Sobra ng matamlay ang katawan ko sa mga oras na ito.

Naisipan kong lumabas ng bahay hindi para umiyak kundi ay ang mag-isip.

Nakikita ko ngayon ang liwanag ng langit na binabalot ng dilim. Mga bituing kumikinang sa kalawakan at mga ulap na sumasabay sa ikot ng hangin.

"Lord, bakit? Gusto ko lang naman magmahal eh. Bakit parang ngayon kasalanan ko pa? Bakit parang ngayon ako yung mali? Ansakit Lord." Sabi ko sa sarili ko.

"Lord hindi ko po alam kung ano ang dapat kong gawin at isipin eh. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nasasaktan, hahayaan ko bang masaktan ko si Jona o pagbibigyan ko ang puso ko na maging masaya naman dahil mayroon ng pagkakataon para maging masaya." Sabi ko sa sarili ko dahil mag-isa lang naman ako sa labas ng bahay at lahat naman na tulog.

"Oo si Gem ang gusto ko sakanilang dalawa kasi tumatak sa isipan ko na special friend ko si Quinn. Pero ayaw kong masaktan si Jona at ayaw ko rin saktan ang sarili ko. Ano ba kasi ang dapat kong gawin. Naguguluhan ako sa gagawin ko parang gusto ko nang itigil ang oras." Muling sabi ko sa sarili ko bago mahiga sa kahoy na katabi ng punong pwenestohan ko.

(A few hours later)

Tukkkkktoraaaaoooooook!

"Jay"

"Bro"

Sabi ni Quinn at Gem habang nakatayo sila katabi ng kama na hinihigaan ko.

Nagulat ako dahil ng tingnan ko sila ay nakita ko na nakasuot sila pareho ng Coat.

Pareho silang naka formal attire at nakatayo sa harap ko na para bang may inaantay na prinsesang kakagising lang.

"Jay"
"Bro"

Muling sabi nilang dalawa.

"Bro, ngayon ang huling araw namin dito sa bahay nyo at ito na rin ang last day para pumili ka sa aming dalawa." Sabi ni Quinn.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon