To heal and Protect

21 1 0
                                    


"1 week na langgggggg, magpapasko na!" sabi ni Gem.

"Ano bang araw ngayon?" sabi ni Kuya Ben.

"Monday na, December 17 bakit ?" sabi ko.

"Wala..." Sabi ni Gem.

Tskkkk. Kanina pa ako pinipikon ni cutieeeeeeeee ko.

Grrrrrrrr.

"Nasaan pala si Quinn?" tanong ko, dahilan upang biglang matahimik si Gem.

"Ohhhh, bakit bigla kang natahimik? haha" gulat kong sabi kay Gem.

Bigla syang umupo sa pc 24 at nagopen ng kanyang garena account.

"Gem bakit bigla kang natahimik hahaha." lumapit ako kay Gem at sinabe ang katagang ito.

Kinurot ko ang pisngi ni Gem at bigla nya akong hinila at niyakap gamit lang ang isa nyang kamay habang nakaupo.

"Uyyyyy!" sabi ko. Bigla akong kinilig at tumingin sa paligid.

Patay malisya lang ang mga tao sa paligid namin habang sila kuya ben naman ay pinipigilan ang tumawa. 

"Uyyyyy Gem nakikita tayo nila kuya Ben oh." nahihiya ako pero kinikilig ako haha ewan ko ba.

"Quinn ka ng Quinn nandito naman ako eh" sagot sa akin ni Gem.

"Nagseselos ka?" Bulong ko sakanya. 

Natatawa ako kasi hindi na sya sumasagot hahaha.

Mga ilang minuto lang ay naupo na ako at nagopen na rin ng garena.

Today is Monday may practice Game kami. Hinahanap ko si Quinn dahil maghapon kaming nakatulog sa bahay nila billy. Iniwan na namin sya doon ni Gem dahil hapon na at tinatawag na rin kasi ako ni papa at mama.

Nevermind na nga basta ang importante ngayon ay kasama ko si Gem. Makasama ko lang sya lagi kompleto na ako hehe.

Habang nag-uusap kami ni Gem ay biglang tumunog ang pinto.

Nakita naming lahat si Quinn na sobra ang ngiti kaya napangiti din ako ngunit biglang dumilim ang paningin ko ng makita kong kasama nya si Jona.

Nakangiti rin si Jona na abot sa tenga gaya ng kay Quinn.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil doon pero bakit?

"Magkasama silang dalawa?" Nakangiting tanong ni Gem sa akin.

Sa tanong na yun ni Gem sa akin ay kita ko rin ang saya sa kanyang labi.

Bigla akong nalinawan, Si Gem ang taong nandito para sa akin at tinanggap nya ako ng buo.

Bakit pa ako malulungkot para sa iba? Makasama ko lang sya ay kompleto na ako. 

"I love you Gem!" Mahinang tono ko na banggit kay Gem.

"Hmmmm? Yan ba ang sagot sa tanong ko? hhaha" Naguluhang tanong sa akin ni Gem.

"ahhhhh wala hahaha" palusot ko.

"I love you too" Sabi sa'kin ni Gem.

Napangiti ako sa sinagot sa akin ni Gem. Ang saya ko parang lumilipad ang mga ibon sa paligid habang niyayakap ako ng maligamgam na hangin. 

Mabait rin si Gem gaya ni Quinn, parang naging ang sama ko tuloy dahil sa nangyari sa amin ni Quinn kaninang madaling araw.

Parang binabasak ang aking puso ngayon dahil sa nagawa ko.

BRO Lag Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon