"She's awake!"
I slowly open my eyes and bit my lower lip to stop me from shouting. I can still feel the man's touch and kisses. Nandidiri ako...gusto kong isigaw iyon pero alam kong wala ring saysay.
"D-don't t-touch..." Napapaos kong sabi nang may humawak sa kamay ko. Agad itong bumitaw.
Nag-init ang mga mata ko habang naaalala na naman ang mukha ng lalaki at ang pangbababoy nito sa akin. Nandidiri ako sa sarili ko!
"D-don't...p-please n-no..."
Nakarinig ako ng mahihinang mura at ang pagtunog ng kung ano. Dahan-dahan akong dumilat, bumungad sa akin ang mukha ni Catana at Sierra. Parehong nag-aalala. Agad akong umiling-iling.
"U-uuwi na a-ako..." Nanghihina kong sabi at pilit itinatago ang kahihiyan sa sarili.
Ang dumi-dumi ko na...
Inalalayan ako ni Catana at Sierra. Akmang tutulong si Heizer at Klaus nang umiling agad ako.
"N-no..." Mahina kong sabi at umiwas ng tingin sa kanila. Feeling ko kapag titingnan ko sila ay makikita nila kung paano ako binaboy ng lalaki.
Hanggang sa kinagabihan niyon ay walang nakakalapit sa akin na lalaki. Maski ang doctor dahil agad akong nanginginig. Ang nurse na babae at doctor na babae lang pati sina Sierra at Catana ang nakakalapit sa akin. Kapag nakakasulubong ko ang tingin ng mga lalaki ay agad akong kinakabahan. I hate it...iniisip ko nalang na hindi sila ganoon, na sobrang layo nila na maging ganoon kababoy lalo na si Heizer...
"Bantayan mo muna Heiz, babalik din kami. Huwag mong lalapitan ha."
"C-cat." Agad kong sambit, tutol sa sinasabi niya. P-paano kung hindi ko macontrol ang sarili ko? Baka masaktan ko si Heizer!
"Hindi ka lalapitan niyan." Alo niya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Para naman akong tuta na tiningnan siya at umiling-iling.
"10 minutes lang, babalik din kami ni Sierra."
"Iwan ka na lang." Mahina kong sabi. Nakarinig ako ng tikhim pero hindi ko na iyon tiningnan dahil si Heizer iyon.
"Matatagalan kung si Sierra lang mag-isa ang kukuha ng gamit mo. Kukuha rin kami ng sa amin."
Umiling ako. "S-sina Klaus at Hades na lang ang k-kukuha."
"Hindi pwede, kakaalis lang nila at pinuntahan sina Tita Danica."
"P-pupuntahan nila si Akhero?"
Marahan siyang tumango. "Oo, he's fine now at ikaw magpagaling ka muna. Marami ka pang sugat at pasa. Sige na para makabalik agad kami."
Tumango-tango ako. "Okay, i-ingat kayo ha. Balik kayo agad..." Mahina kong sabi na ikinatango nila.
Nagpaalam na rin sila. Kaya naman ang tahimik na room. Ako at si Heizer lang ang nasa loob. Pasimple ko siyang sinulyapan habang dahan-dahan akong dumaus-os para makahiga ulit. Sumulyap ito sa akin ngunit agad ding nag-iwas ng tingin.
Nakatitig lang ako sa kanya. Bakit ayaw na niya akong tingnan? Nandidiri ba siya sa akin?
Napalunok ako at nangilid ang luha. Marahan kong tinago ang sarili sa comforter. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya agad akong napatingin sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niya at tumitig sa mata ko.
"Do you want me to leave?" Marahan ang pagkakasabi niya, nag-iingat. Mabilis akong umiling at nagpunas ng luha.
"Tatawag ako ng nurse para may kasama ka rit--"
"C-can I take a bath?" Putol ko sa sasabihin niya pa.

BINABASA MO ANG
Chasing The Badass (Badass Series #3) Complete
RomanceStarted date: October 3, 2021 Ended date: December 28, 2021