Welcome to my life || Simple plan

19 2 0
                                    

John Alonel Vasquez

'Mag kano ho?' tanong ko sa cashier.

'156 Sir'

Nag lalakad na ako pauwi habang nakikinig sa isang tugtugin ng simple plan.

After ng lahat ng pinag daanan ko, lahat ng nangyare sakin, lahat ng sakit na nadama ko, lahat ng hirap na dinanas ko, luhang nasayang ko, masasabi ko na... Okay na ako.

Okay na ako sa kung ano meron ako ngayun, Na sa totoo lang naman eh natanggap ko na sa sarili ko ang mga nangyare sakin at kung ano ako.

Nasanay na ako sa buhay mag-isa. Mag isa nalang ako simula nung itinakwil ako ni papa at palayasin. Di na ako naka pag laban at nakapag salita kasi... tama naman naman si papa.

Flashbacks

Nakahiga ako't kinakalma ang aking sistema, tinatahan ang aking puso sa pag kirot nito at sa isip sa pag iisip ng mga bagay na kinakasakit ko.

'Shh kaya mo yan lonel, tahan na magiging okay din ang lahat' parang baliw na pag comfort ko sa sarili ko.

Habang pinupunasan ko na ang luha ko at uupo na sana ng biglang pwersahang bumukas ang pinto ng aking kwarto, na syang nag bigay liwanag sa dilim dito.

' Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko kasalanan mo ang nangyare, demonyo ka!! Ket' kailan di ko ginusto na maging anak ka! At hinding hindi ko tatangapin na anak kita umalis ka na! ' lasing at galit na sigaw ni papa.

'Pa! Tama na yan mapapatay mo sya!' Biglang awat ni kuya kay papa.

Dumudugo na ang aking ilong, bibig at di' na din makakita ang kaliwang mata ko dala ng mga suntok ni papa sakin.

'Umalis ka na pre! Antayin mo nalang sa labas ang damit mo. Sensya na pre' ani ng aking panganay na kapatid habang hawak-hawak nya si papa na di pa din natitigil kakasigaw.

Di ako nag salita, Di ako lumalaban, Kasi... tama si papa kasalanan ko ang l-lahat kung bakit n-namatay ang aking pinakamamahal na ina.

End of flashbacks

'Walong buwan na pala nakakalipas simula nung nawala ka ma' pag kausap ko sa picture ni mama sa gilid ko

Pinilit ko ng matulog bago pa mag simula nanaman ang isip ko.

Kinabukasan nag ayus na ako ng aking sarili sapagkat ngayun ay sunday, No work at kailangan ko bumisita sa tumulong sakin. Si Mrs. Sanchez isang doctor at psychiatrist wala na itong pamilya, namatay na ang kanyang asawa at ang mga anak naman nito ay may asawa na't mga anak.

Tinulungan ako ni Mrs. Sanchez. 8 months ago...

Nakasakay na ako sa isang jeep papunta sa kanyang clinic at di naman nag tagal ay nakarating na ako, bumaba na ako at pumasok sa loob,

Nakita ko ang di karamihang mga pasyente sa loob. Medjo malaki din kasi ang clinic ni Mrs. Sanchez, may kasama din kasi itong doctor at nurses sa pag asikaso't pag patakbo nito.

Pumasok ako kung nasaan si Mrs. Sanchez para bumati.

'Mrs. Sanchez! Good morning po, kamusta po kayo?' pangangamusta ko dito.

'Wait lang po, saglit' pag papaalam nya sa kausap nya. 'nako iho, ayus lang ako. Ikaw ba kamusta ka? May nangyare ba? Bat parang di maganda mood mo ngayun? Mag smile ka nga panget mo' natatawa na nag aalalang ani nito sakin.

'Ready na po akong ikwento sainyo ang lahat ng nangyare. At alam ko po sa sarili ko na kaya ko na po at okay na po ako sa nangyare't tanggap ko na din po' Seryusong pag kakasabi ko kay Mrs. Sanchez.

Okay Na AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon