Chapter 18

113 1 0
                                    

Marc: How was your day?

Leison: Okay lang. Nag-grocery ako tapos gumawa ako ng soup. What about you? Tell me about your day.

Matagal siyang nakatitig sa screen habang hinihintay magseen si Marc.  Balik sila sa dati. Marc got used to her being always busy kaya bihira nalang din siya nito minemessage.

Expectation versus reality, eh? Hindi umepekto dito ang pagpapamiss niya dahil imbes na maachieve ang inaasahang result ay nakapag-adjust lang ito at nasanay sa pagiging busy niya.

Now they are like playing dolphins-- lulubog at lilitaw sa isa't isa. Although, wala pa rin namang nagbabago. Consistent pa rin naman yung vibe kahit yung mga tao ay hindi na gaano.

"Hello, Ms. Lei! May mga dumating pong bagong adjustment letters." Nilapag ni Andy ang pile ng papers sa kanyang lamesa.

"Sige, thank you. Ipapasa ko nalang sa desk ni Nero."

"Okay, Ma'am!" Ngumiti ito at naglakad na palayo.

Saglit niyang ibinulsa ang kanyang phone upang pasanin ang mga papel patungo sa lamesa ni Nero. Inilapag niya ang kumpol na iyon sa harap ni Nero na tutok sa kaharap na laptop.

"Nero, kadarating lang ng mga adjustment letters. Ikaw ang kailangan pumirma kasi sayo daw nakapangalan yung last transaction."

Tumango lamang ito. "Ilapag mo nalang diyan."

"Okay."

And with that, muli siyang bumalik sa kanyang lamesa upang mag-scroll muli sa kanyang phone.

Pagtapos ng Valentine's Day ay wala siyang balita sa kung anong nangyari kay Keanna at Nero. Basta last week lang ay nabalitaan niya nalang na nagresign na si Keanna at lumipat sa kabilang kompanya. Hindi na rin naman na nag-open up sa kanya si Nero. Kung ano ang kinadaldal nito noong una ay siya namang kinatahimik nito ngayon.

Marc: My day was fine, nothing to worry about now.

Hindi na siya nagreply. Ibinaba niya nalang ang kanyang telepono at pinagpatuloy ang pag-eencode na katulad ng ginagawa niya kanina.

Alam niyang may naging problema sa family business nila Marc nitong nakaraan. Ngunit wala siyang magagawa kung ayaw nitong mag-open-up sa kanya. Privacy nga naman ang bagay na iyon. Si Marc nga ay hindi nagtatanong sa personal niyang buhay, dapat ay ganun din siya.

Lumipas ang apat na oras at hindi niya namalayang natapos ang kanyang trabaho. Bitbit ang kanyang bag ay nagpaalam siya kina Andy at Nero.

Bago dumiretso sa unit ay nagtungo muna siya sa grocery upang mamili ng rekado. Day off ngayon ni Marc, tiyak sa kanya ito uuwi at maghahapunan.

Leison cooked adobo. Tapos na siya kumain noong dumating si Marc, kaya naman sinamahan niya nalang ang binata sa dining table at pinagmasdan sa pagkain.

Habang pinapanood ito ay bigla niyang naalala lahat ng kanilang pinagsamahan. What  they have was just supposed to be a one night stand in college. Hindi niya inakalang tatagal sila bilang magkakilala.

Umabot pa sa puntong nagpamiss siya dito noon pero siya rin ang nagsuffer. Sa makatuwid ay mas nakapag-adjust pa ito sa new normal nila. Ngayon ay pareho na silang busy. Tiyak si Marc pa ang magugulat kapag may free time siya.

Hindi na siya pwedeng magpamiss ulit, dahil bukod sa para siyang tanga, baka tuluyan pa silang lumabo dahil sa pagkakataong ito ay mas imposible na ang communication sa kanila. Tulad niya ay nagiging abala na rin si Marc sa buhay.

Minsan naiisip niya, ano kayang nangyari kung totoong buntis siya noong college? Pinanagutan kaya siya ni Marc? Kasal na kaya sila ngayon?

Eh kung hindi nalang kaya siya nagpamiss noon? Kung hindi niya sinabayan ang pagiging dolphin ni Marc? Lulubog lilitaw pa rin kaya ang concept nila ngayon?

Either way, mas magiging open kaya sila sa isa't isa?

Honestly, hindi niya alam. Lahat  nalang  kasi ng planong iniisip niya ay nagbabackfire lang sa kanya. Sa huli ay bumabalik lang ulit sila sa dating set up. Walang improvement. Kung tutuusin ay parang napapalayo lang sila sa isa't isa.

Minsan ayaw niya mag-isip na katulad ng ginagawa niya ngayon, kasi baka tama lang naman talaga si Marc na drama queen siya. Baka wala naman talagang dapat problema.

Well, everyday she tries her best na ibalik ang dating Leison na cool lang sa lahat ng nangyayari. Pero mapipigilan niya bang maging kampante gayong may nararamdaman na siya?

Eh si Marc?

Diba gusto rin siya nito? Actually, noong college pa. Siya lang din ba ang hinihintay nito? Nagpapakiramdaman lang ba sila kung sinong unang magbibigay ng label?

Umayos siya ng upo at sinilip ang mukha ng lalake. Medyo kabado sa kanyang itatanong...

"... Marc,"

"Hmm?"

"W-What's your plan?"

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now