Prologue

12 0 0
                                    

Prologue

"Diyos ko! Ngayon ko pa lang talaga nararamdaman ang hirap ng pagiging isang teacher. Naiiyak na ako sa mga students kong ayaw magcomply mare!" Pagrereklamo ko sa kaibigan kong kung titignan ay parang mga walang problema at relax na relax lang.

Aiah looks very serious with her mathematics class students, focus na focus! Beatrix and Richellaine na katulad kong Filipino major na relax lang din sa pagrerecord ng information about their students. Like seriously, how to be them?

"Hay naku Brends. We were experiencing the same problems for 3 years na, ngayon ka pa ba magrereklamo, hindi ka pa ba sanay?" It's Aiah.

She's right. We are already 3 years in this profession and enjoying naman talaga because it is what we really want, pero siyempre, hindi talaga maiiwasan na may reklamo sa buhay. Parang pag-aaral lang din ito. We complain, yet we still comply.

This is the usual setting inside the years that I've been teaching. Papasok sa klase para magturo, at pag nahihirapan at naistress sa mga kaganapan, nagrarant din sa mga kaibigan kong kapwa teachers ko rin.

For the years that I have been stressed out most of the times, I think it is about time na magkalovelife. Joke!

"Magandang hapon, Ginoong Torres!"

"Magandang hapon rin. Maaari na kayong magsi-upo." I watched my students. Parang kailan lang ay isa lang ako sa mga nakaupo sa mga upuang nasa harapan ko, nakikinig sa mga nagiging teachers ko, but now, oh gosh, I am the one who is teaching the students!

"Pamilyar ba kayo sa mga akdang pampanitikan?"

"Opo!"

"Kung gayon ay maaari ba kayong magbigay ng iba't ibang uri ng akdang pampanitikan?" The same questions that had been asked to us during discussion, feels nostalgic, kahit na nakakasakit din talaga ng ulo noong mga panahong nag-aaral.

After my 1st and 2nd period class, dumiretso ako sa faculty kung nasaan ang desk ko. Maya-maya din ay dumating na rin ang mga kaibigan kong sina Aiah, Bea, at Rich na eyes and smiles wide na parang wala talagang prinoproblema sa buhay.

They have snacks with them and they gave me one. Binigyan din nila ang iba pang faculty members sa room kung nasaan kami.

"Anyways guys, have you heard of the news na meron daw magtatransfer na student, Grade 7. And guess what! Sa advisory class mo yata ilalagay, Brends!" It was Aiah. Siguro ay nakasagap na naman ang mga tenga nya ng balita from the Principal's office.

"Oh? Ba't ako, hindi ko alam na may ganyan?" Tinatamad na sabi ko. 

"Basta, magwait ka na lang. Let's see if meron talaga." Three of them laughed, except for me kasi wala lang. "And guess what's exciting! Kaapelyido niya yung crush mo noong college!"

Muntik na akong mabulunan sa kinakain kong tinapay. Agad ko namang kinuha ang tubig at uminom. Gosh! Why are you still affected, Bren?!

Sabi ko naman na kasi na nakamove on na ako, matagal na! Pero why naman ganites? Anyways, it might be coincidence kasi marami rin namang may apelyido ng apelyido niya sa buong mundo.

Anyways, "I won't believe unless ako mismo nakakita, nakarinig, at sinabihan ni Ma'am Trinidad." Ma'am Trinidad is our school principal.

"Sus, affected ka lang talaga ng malala kasi aminin mo na, na hindi mo pa siya nakakalimutan!" Tinignan ko ng masama si Beatrix. Sa conversation na ito, ako na naman ang aping-api at kawawa.

"Ayos lang yan, Bren. Iyong bata naman ang student mo, hindi naman si ex-crush." They laughed again about it. Mabilis ko na lang inubos ang kanina ko pa kinakaing tinapay at uminom. I opened my laptop to keep myself busy at para hindi na rin ako istorbohin ng mga babaeng ito.

Loving You is LimitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon