.
.
.
MikaI'm here at the Baclaran Church. I'm attending the Sunday Mass right now. Every sunday naman talaga nandito ako, with my family or my friends. Pero ngayon.. ako lang magisa. May mga lakad kasi sila eh. Ang family ko naman nasa Bulacan. Panata na namin na magsimba dito sa Baclaran. Bata pa lang ako, kahit nasa Bulacan kami, lumuluwas kami dito twice a month para magsimba. Kahit anong araw yun. Kaso dahil hectic na sched ko, sunday na lang ako nakakapunta dito. Kapag walang training, do'n lang kami nakakasimba ng teammates ko.
.
.
.
Dahil sa pagiisip ko ng kung ano-ano, hindi ko napansin na mag-a-Ama Namin na pala. So, I stood up and raised my both hands. Pero hindi naman mataas. Alam niyo naman yun.. kapag nag-a-Ama Namin na di ba? Expected ko na walang hahawak sa kamay ko dahil kanina pa ako walang katabi sa magkabilang side. But I was shocked when someone held my right hand. Napalingon ako sa kanya. Isang lalaki. Naka-cap at shades pa ito. Duh. Nasa simbahan siya tapos naka-cap at shades? Respeto naman. Sinong sikat ba siya para maggano'n pa? Tss.
I ignored him na lang tutal wala naman akong mapapala sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa pagawit habang nakapikit. Sa ganitong paraan kasi nararamdaman ko ang presence ni Lord. After we sang, bumitaw na yung guy na sobrang lamig ang kamay. Yay. Patay ba siya? Napansin ko naman na binaba na niya yung cap and shades sa harap namin. Hindi ko siya tiningnan, napansin ko lang naman. Tss. Nang magsabihan na ng 'peace be with you', binati at nginitian ko ang nasa harap, likod at left side ko. Ayokong tumingin sa aking right side. Ewan ko ba, naiilang ako.
But I froze when I heard his voice. Why is he here?
I looked at him, "Kiefer?"
"Uy Mika Reyes. Idol!" Oh God. Ang bilis niyo naman po maghulog ng biyaya. Hehe.
"Bakit nandito ka?" I asked him. Paano naman kasi makakaabot yan dito? Eh taga-Katipunan siya. Marami naman simbahan o chapel doon.
"Uhm, Pwede after na lang ng mass ako magexplain?" He grinned.
I bit my lower lip and nodded. Medyo napahiya ako do'n ah.
After ng mass, dumiretso ako kay Mama Mary. Sinabit ko sa kanya yung sampaguita na hawak-hawak ko kanina pa. I hugged her and silently prayed. Hindi na ko pumunta sa iba kasi nakasunod si Kiefer sa akin. Nakakahiya naman kung pagantayin ko, siksikan pa naman. Baka pagkaguluhan pa siya ng iba. You know.. #FamousProblems.
"Hindi ka magdadasal?" I asked him while we're walking.
He shook his head and smiled, "Tapos na ko kanina bago ako tumabi sa'yo este.. naupo pala."
Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin sa sinabi niya. Sinadya pala niya na makatabi ako eh. Yay kilig.
Pumunta kami sa labas ng simbahan sa lugar kung saan nagsisindi ng kandila at nagdadasal. Naghulog ako ng 50 at 20 pesos tsaka kumuha ng tatlong kandila.
"Wow rich kid." pangaasar niya sa akin. Tumawa na lang ako ng mahina at pumunta sa gilid kung saan kaunti ang tao at kandila.
Bago ako nagsindi, nilingon ko siya. Ang loko sandamakmak na coins ang hinuhulog. Nagbawas lang ata ang bigat sa bulsa niya. Baliw lang. Haha. Napailing na lang ako at sinimulan ng sindihan ang tatlong kandila. Pinatong ko ang mga ito kung saan hindi agad mawawala ang apoy. I closed my eyes and prayed. Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Baka si Kiefer. Ang bango eh. Oops. Mika, nasa simbahan ka! Wag lumandi okay?
After namin magdasal, lumabas na kaming dalawa.
"So, bakit ka nandito? Taga-Katips ka ah. Napadpad ka dito?" I chuckled.
BINABASA MO ANG
Serendipity (Oneshots of Miefer)
FanfictionDating masaya, ngayon wala na sila. - leirahlovesyou