Chapter 4

52 1 0
                                    

[THIRD PERSON POV]


"Bebe, Gising na. Malalate ka na sa Third Subject mo"

"Hmm ano ba!" Sagot ng dalaga nang nakapikit pa rin at parang sarap na sarap sa pagtulog. Ahem ahem, pinalaki ni Onew ang boses nya at napapangiti sa gagawin nya. Naiisip nya pa lang ang magiging itsura ni Yul sa gagawin nya ay napapangiti na sya.



"Miss Montereal!"



"Bakit po Sir?!" Agad-agad na sagot ni Yul kasabay ng mabilisan na pagtayo at pagpunas ng bibig. Nang mapansin nyang nasa paboritong garden nya pala sya. Iniisip nya kung ano bang nangyari at kung bakit sya nandito nang mapatigil sya sa pag iisip ng may tumatawa sa likuran nya. Naningkit ang kanyang mga mata nang makilala nya agad kung sino ito. Lumingon sya rito at nagpameywang with matching taas kilay pa.

"Hahahaha! Hi Bebe Yul! Hahahahaha! Sayang, napictur-hahahhahaha napicturan sana kita haha, mukha mo bebe kanina-hahaha Priceless! Araayyy! Hindi na hahahhaha!" Sagot ni Onew habang iniiwasan ang pagkurot ng dalaga sa kanyang pisngi.


"Trip mo na naman ako ah? May pa Bebe-bebe ka pang nalalaman"


"Namiss lang kita! At tsaka sinong matinong babae ang matutulog mag-isa sa ganitong lugar ? Pano kung may nangyari sayo? " sabi ng binata at inakbayan ito habang ginugulo ang buhok ni Yul.


"Subukan lang nila! Haha, namiss ko din kayo!"


"Teka, nasaan yung dalawang baliw? Ba't di mo kasama?"


"Hindi ko pa nga din nakikita eh, baka nandyan lang yun. You know, baka nag Bo-boys hunting."


"Ah, ganun ba hehe. Tara hatid na kita, malapit na magbell"


Sakto namang nag-bell pagkasabing pagkasabi nya nito sa dalaga.



Habang naglalakad sila sa hallway, ang mga mata ng estudyante ay nakamasid sa kanila, lalo na kay Yul. Na para bang may ginawang masama ang dalaga kaya ganun na lang sila makatingin at kung magsibulungan ay parang isinisigaw na ito. Hindi masyado itong pinansin ni Yul, bagkus ay para itong walang naririnig at nakikita. Sanay na ito sa mga ganitong pangyayari. Halos isumpa na sya ng mga fans, ika nga, ni Onew.


Medyo naiinis si Onew sa mga ito, na para bang sya ay pag-aari nila. Napansin nya ring hindi na masyadong bubbly si Yul sa ibang tao hindi katulad noon. Halos walumpung porsyento ng kababaihan sa kanilang campus ay may gusto na ata dito. Dahil napakagwapo na, may bubbly personality pa ito at napakatalino pa. Parang gusto ulit bumalik ni Onew sa dating sarili na payatot at hindi napapansin dahil sa kanyang nerdy glasses at makakapal na braces. Namimiss na nya ang pagbobonding nila ng dalaga. Na kahit anong gawin nilang tawanan sa kahit saang sulok ng campus ay walang mga matang nakamasid sa kanila dahil hindi sila ganun ka importante sa ibang estudyante para pagtuunan ng pansin.


Lumapit si Onew kay Yul at inakbayan nito sabay ngiti. Napatingin na lang ang dalaga dito at makikita mo sa mata nya ang mga salitang nagsasabing 'What the hell are you doing? Are you nuts? Do you want me to die?' . Pero nginitian na lamang ito ni Onew at ginulo ang buhok na mas lalo pang ikinainis ng dalaga at siniko ang tagiliran ni Onew dahil ayaw na ayaw nya ay ang ginugulo ang buhok nya. Nag peace sign na lamang ito sa kanya at balak pa sanang akbayan si Yul nang tinignan nya ito ng matalim na tingin. Ilang hakbang ay narating na nila ang room ni Yul. Parang bang may dumaang anghel sa isang napakagulong room ng inihatid ni Onew ito sa upuan nya. At bigla namang napawi agad ang katahimikan nang mag Hello si Onew sa mga kaklase neto. Ang mga lalaki naman ay poker face lang at tinatakpan ang mga tenga sa ingay ng kanilang mga kaklase na babae.




Pero sa isang banda sa labas ng room na iyon ay may babaeng nakamasid at mahihinuhang inis na inis ito sa mga nakikita, hindi sa mga babaeng nagtitilian kundi kay Yul na hinatid ni Onew dito na kanina lamang ay parang magsyotang naghihiraman pa ng earphones at pati sa paghatid nito sa dalaga ay nakikipagharutan pa na parang walang bukas.



Sa inis na hitsurang yun ay bigla na lamang itong ngumiti. Hindi ngiti na masaya kundi ngiti ng kalokohan. May naisip na naman itong kalokohan para lamang masira ang babae at para maturuan nya ng leksyon sa pag agaw nito sa kanyang minamahal.















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Stole My Heart ~ [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon