Chapter 2. Allison Yul Montereal

128 11 1
                                    

YUL'S POV

*ringggggggggggggggg* [BELL]

"Okay, nice meeting you class ! Hope we'll get to know more each other and by the way don't forget to bring your nametag tomorrow ! Laminated, okay ? You can take your recess now, Bye !"

Boring Dayyyyyy ! 3rd year na nga kami at mag na-name tag ek-ek pa ? Sayang peraaa ! Aba? Ipapalaminate pa daw -_____- . Wala pang isang linggo eh, gastos agad ! Aba uki ! Papunta ako sa garden muna, doon ako magrerecess at nang makapagpahinga muna, 1 hr. naman ang break namin . 

 Kwentuhan ko muna kayo, Isa nga pala akong scholar dito sa **** Academy .

Mahirap ? Hindi, Matalino lang hehehehe ! Yabang eh noh? Pero srsly, Hindi naman sa mahirap kami, dahil di porket mayaman kayo kailangan mong gumastos nang pagkalaki-laki para mapag-aral ka sa magandang eskwelahan dahil pwede mo namang ipuhunan ang utak mo. Instead na sa school napupunta ang pinaghirapan ng aking magulang na dapat tuition fee ko na, edi syempre sa bulsa ko napupunta, Iniipon ko to sa bank account ko para kapag kailangan ng pera pagdating ng araw, meron akong nakatago, o diba? Say-nyo ? -- Dapat gayahin nyo ako para kumonti ang naghihirap sa Pilipinas.

Nakaupo na pala ako dito sa may upuan syempre. Utak Yuul ! Utakk ! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala noh? Ako nga pala si Allison Yul Montereal. Medyo 50-50 daw ang ugali ko, medyo totoo naman kasi hindi ko pinapakita ang bright side ko sa school. Wala lang. Bakit ba. Friendly lang ako sa friendly. Sorry ha, wala lang talaga ako sa mood lalo na at First Day na naman ng Pasukan. Binubully lang naman ako ng Fangirls ng Fanclub ni Jinki. Sa ngayon hindi pa sila nagpaparamdam. Buti naman.

Nandito na pala ako sa garden kung saan malayo sa magugulo at mga baliw na tao . Parang di tao eh noh? Hahhaha ! Ay Naloka na ! Kumukuha ako ngayon ng binili kong isang balot ng Mamon kila Aleng Nena kaninang umaga-- sa bag ko, Mahal lang naman kasi ang mga tinitinda sa Canteen eh =_____= . Nagtitipid ako noh ! Taghirap na ang mundo aba ! Eh ang isang tinapay lang ata sa canteen eh 60 na, eh kung bibili ka ng isang balot ng Mamon sa tindahan na 60 pesos lang din pero naka-anim ka na ? See the difference yo ? Hindi sa kuripot. Mas nakakadami kasi ako ng bili pag sa labas ng school, busog pa.

SOG-BU ! ~ *burp* -- Excuse Me.

Makapagpahinga na nga muna, pagkatapos nung pagkahatid ko nung umaga kay ... Kanino nga ba ? Hayyy ! Nagsisimula ata sa A? An? Eh? Nako ! Basta, kay Aso sa Korean building at  pagkatapos ng isang oras na pagdaldal ng guro namin sa unahan na walang ginawa kundi magkwento tungkol din sa kabataan nya *poker-face*. At sa isa pa naming teacher na kinikilala ang lahat ng Classmates ko na nagpaggawa pa ng name tag ek ek.

Makapag-soundtrip na nga muna ~

 Inilagay ko ang earphones, syempre malamang sa tenga ko ! Hahahaha ! Hayy, ang hirap din pala nang nag-iisa minsan or should i say ... lagi ? Hayy nakakabaliw -________- . 

 Geh, Iidlip na muna ako ah? Bantayan nyo ko ! Meron pa naman akong 30 minutes para matulog ..

[Now Playing; Creep by Radiohead]

Zzzzzzzzzzzzzzzzz .

END OF YUL'S POV 

You Stole My Heart ~ [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon