2

4 4 0
                                        

Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakamaskara siya na pang masquerade, yung kalahati lang ng mukha ang natatakpan. Kulay itim na maskara at ginto naman ang detalyadong desenyo nito.

Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa kanya dahil nakamaskara siya o dahil sa presensiya niya mismo. Pero isa lang ang sigurado ako nanlalambot ang buo kong katawan ng dahil sa kanya.

"What are you doing here?" lalo akong natakot ng marinig ko ang malamig niyang boses.

Hindi ako naka sagot at napatitig sa mala yelo niyang mga mata sa lamig. Nakakapanlamig yung kulay dagat na asul niyang mga mata.

"Tititigan mo nalang ba ako, binibini?" bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses niya.

Sa sobrang titig ko sa mga mata niya ay hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"Tulungan mo ako."sabi ko na naging bulong nalang sa sobrang panghihina at nagdilim na ang paningin ko.

Bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sakin at paglutang ng katawan ko sa ere.

Napakurap kurap ako at humikab pagka gising. Ang bigat ng pakiramdam ko at katawan. Lalo na ang paa at binti ko na parang lumaban sa takbuhan.

Gumulong ako sa kama at pumikit gusto ko pa matulog. Wait. Masyadong malambot ang kama at hindi ganto ang kwarto ko.

Nasaan ako?!

Nilibot ko ang mata ko sa silid at napatayo agad ako ng makita ang figura ng isang lalaki sa may bintana. Bigla kong na alala ang nangyari kahapon at gusto kong isipin na isa lang itong panaginip.

Nang napatunayan ko na hindi ito panaginip ng masampal ko na ang pisnge ko ng dalawang ulit ay nagmadali akong lumapit dun sa lalaki.

Pagkalapit ko sa kanya ay bigla akong nabahing at kung minamalas nga naman ako- - ay hindi siya pala kasi sumakto sa mukha niya ang bahing ko nung biglaan siyang humarap.

"So-" napatigil ako sa pagsalita ng nabahing ulit ako at sa mukha niya pa talaga!

"Sorry!" hingi ko agad ng tawad at tinakpan ang ilong at bibig gamit ang kamay.

Humarap ako sa kabilang side ko dahil nababahing na naman ako. Pagtingin ko sa kanya ang sama ng binigay niyang tingin sa akin.

If looks can kill I'll be lying on the floor.

"Sorry. Sorry talaga." yumuko pa ako at kinusot ang ilong dahil sa pangangati.

"Fix yourself, lady." sabi niya at lumbas na ng kwarto.

Nilibot ko ulit ang tingin sa kwarto. Pagtingin ko sa salamin ay nanlaki ang mata ko at napatitig ako ng sobra. Wait. Wait.

Sino ang nagbihis sa akin?! My gosh, sino?!

Nakasuot ako ngayon ng dress na manipis, yung pantulog. Malinis rin ang katawan ko. Walang putik at ang mga sugat ay nalinis na.
Yung buhok ko rin ay maayos hindi buhol buhol kahit kakagising lang at walang suklay.

Para bang yung nasa palabas na mga prinsesa na habang tulog ay inaayusan kaya pagising nila ay maganda pa rin sila. Umikot ako sa salamin at natuwa ng lumobo ang dress ko at nag i sway ang buhok ko na mahaba at straight. Inulit ulit ko yun at tumigil lang ng mahilo na.

Tumakbo ako sa kama at tumalon talon sa ibabaw nun. Ang lambot. My gosh! Kung isa itong panaginip wag niyo na akong gisingin pa. Pumasok ako sa Cr at sobrang namangha sa ganda nito. Ang kinis na makintab ang pader at sahig. Malawak at malinis meron ding shower at bathtub at kung ano ano pang abubot. Kumpleto. Pwede ng matulog dito.

The Guy Behind The Mask Where stories live. Discover now