ORANGE

74 9 1
                                    

"Ey, nendyen ne yeng kresh me, rek." Bulong ni Princess sa akin sabay sundot pa sa tagiliran ko.

Hindi siya ngongo ah? Ganyan yung pagkakasabi niya kasi nakangisi niyang sinabi yun sakin para hindi masyadong halata. Shunga to e.

"Tumigil ka nga! Baka may makahalata sayo. Babalatan talaga kita!" Ngumisi lang siya sa akin at nag-peace sign. Loka-loka talaga.

Ako nga pala si Coleen Suarez. 15 years of age, 3rd year highschool. At yun nga, may crush ako. Si Juan Tamad. De joke.

Crush ko since, ewan. Hindi ko matandaan e. Hindi ko alam kung paano, saan, at kung kelan.

Namalayan ko nalang na tuwing may nilalambing siyang ibang babae, sumisikip yung dibdib ko. Yung parang pinipiga yung puso ko. Wala e. Malapit siya sa mga babae naming kaklase.

Tinatago tago ko lang kasi naman, alam kong wala akong pag-asa dun. Maliban sa hindi kami compatible sa isa't-isa, bali-balita rin na may gusto na raw siyang iba.

Hindi naman ako ganito dati e. Wala nga akong pakealam kung may gwapong lalaki ang dumaan sa harap ko. Hindi nga ako kinikilig kung may mga sweet na couples akong nakikita e. Tropapips lang turing ko sa mga lalaki. Pero nagbago yun ng makilala ko siya.

John Lopez. Classmate ko since 1st year. Matangkad. Basketball Player. Mayaman. Singkit. Gwapo. Joker at sweet. Yung tipong all in one na.

***

Hindi pa kami masyadong close nung 1st year highschool pa kami. Newbie kasi ako sa school na yun. Siya naman, since elementary pa dun. Hindi nga kami masyadong nag-uusap nun e. Maliban nalang kung hihingi siya ng papel o kaya manghihirap ng ballpen sakin.

Nung nag 2nd year HS na kami, nagkakamabutihan na, siguro? Hindi ko naman kasi matatawag na 'nagkakamabutihan' yun e. Eh pano ba naman kasi, nagtataray sakin ang loko. Minsan kasi nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Tapos ang ginagawa ko naman tititigan ko siya ng masama in return. Palaban e. Tapos tataasan niya ako ng kilay. Mukhang bakla lang noh? Pero iba yung dating sa kanya e. I find it cute. Perstaym. Perstaym akong nacute-an sa isang lalaki.

Sa tuwing nangyayari yun, umiiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Napapailing habang may ngiti sa mga labi. Tapos nagkukunwaring nagtatawanan sa mga nakakatabi ko. Minsan naman siya ang unang umiiwas ng tingin. Dahil sa mga scenes naming ganun, hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya.

Kapag walang teacher na pumapasok sa klase namin, syempre nagkakakanya-kanya kami ng mga gawain. May iba na kumakanta sa isang sulok ng room. Yung iba gumagawa ng mga assignment. Yung iba naman nakadukduk yung ulo sa desk at pasimpleng nagbabasa ng wattpad sa kanya-kanyang gadgets. Kabilang na ako dun. Hehe.

"ARAAAY JOHN! BISHIWAN MO PISHNGI KOO!"

Napa-angat ako ng ulo ng marinig kong sumigaw si Jess. Classmate namin. Napabuntong hininga ako atsaka ibinalik ang ulo ko sa pagkakatungo at nagbasa ulit. Ganyan naman siya e. Palaging pinanggigigilan ang pisngi ng mga babaeng classmate namin.

Gusto kong mainis. Pero hindi pwede. Sino ba naman ako?

"AYSHET!"

Sigaw ko at Agad akong napa-ayos ng upo ng may engot na sumundot sa tagiliran ko. May kiliti kasi ako dun dagdagan pa ng pagkagulat dahil seyosong-seryoso na yung nangyayari sa storyang binabasa ko. Nilingon ko yung lesheng engot na umistorbo sakin. At siya pala.

"Oy, kung wala kang magawa, bibilhan kita ng sinulid. Magbigti ka nalang!" Pagtataray na sabi ko sa kanya tapos balik ulit sa pagbabasa. Kasi naman tinaas-baba niya yung kilay niya sakin habang nakangiti. Kita tuloy yung dalawa niyang dimples. Ang cute.

One-Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon