Bayani?

40 0 0
                                    

NOTE: HINDI PO AKIN ANG STORYANG NASA CHAPTER NA ITO. GALING PO ITO SA LIBRO NI MARCELO SANTOS lll ENTITLED "MAHAL MO SIYA. MAHAL KA BA?" I'VE DECIDED TO SHARE THIS CHAPTER TO YOU GUYS KASI ALAM KONG MAKAKATULONG DIN ITO SA MGA TAONG KATULAD KO. HIHIHI. SA MGA ONE SIDED LOVE AT SAWI DIYAN, BUMILI DIN KAYO NG LIBRO NI MARCELO SANTOS lll (Multimedia) SINISIGURADO KO SA INYO NA WORTH IT ANG PAGBILI. Enjoy reading. :)

****

Dati tinatanong ako ng teacher ko noong grade one kung sino raw ang paborito kong bayani at ang lagi kong isinasagot ay si Jose Rizal.

Noong mga panahong 'yon, tinanong niya ako kung ano ba ang nagustuhan ko kay Pepe. Tumingin ako sa malayo at parang nag-flashback sa utak ko. Dahil bata pa ako at wala pang muwang sa mundo, hindi pa ako aware sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal, pero may isang bagay akong nagustuhan sa kanya, 'yun ay ang kanyang hairstyle.

Bata pa lang ako, lagi na akong tinatawag ng mga kaibigan at kaklase ko na Piso. (Dahil sa buhok kong mala-Jose Rizal ang datingan na makikita sa isang pisong barya.)

Pero ngayong matanda na ako at hindi na Jose Rizal ang inspirasyon ng aking buhok kundi ang hairstyle na ni Mario Maurer, na-realize ko na ang buhok pala ni Jose Rizal ay parang love ng isang taong bayani sa pag-ibig, one-sided.

'Yung hirap na hirap ka nang maghabol sa taong minahal mo pero mas piniling magmahal ng iba.

'Yung tipong ginawa mo naman ang lahat para sa relasyon niyo pero hindi pa rin niya makita.

'Yung lagi ka na lang laban nang laban pero matagal ka na pala niyang sinukuan.

That's unfair.

Pero most of us ay nagpapakatanga. Actually, hindi naman talaga sila tanga, eh. Hoping lang silang magbago 'yung taong minsan nilang minahal.

Hoping na someday bumalik 'yung dating taong nagpakilig, nagpangiti at nagmahal sa kanila.

Lahat naman tayo ay nagpakatanga sa love. Lahat naman tayo ay umasa at humiling na sana pwede pa. Na sana maisalba pa natin yung relasyong matagal nating ipinaglaban. Lahat tayo nagpakabayani na.

Pero kung wala na talaga, maybe it's time to wake up. Oras na siguro para lumapit tayo sa pader at bahagyang iuntog ang ating ulo para magising sa katotohanang...

MAY IBA NA SIYA. HINDI KA NA NIYA MAHAL. KALIMUTAN MO NA SIYA. ETO PISO, MAGHANAP KA NA LANG NG IBA!

Mahirap maging bayani sa pag-ibig. Tao tayo, hindi tayo isang konkretong pader na kahit anong mangyari, matatag pa rin. Nasasaktan tayo. Napapagod. Nagsasawa. Nababasag.

Huwag mo nang hayaang magkatotoo ang kasabihan ng matatanda, "Ang mga bayani ay binabaril sa luneta." Huwag mo nang hayaang barilin ka ng mga kasinungalingan niya, ng mga pananakit niya sa 'yo, ng pagbabalewala niya sa 'yo, ng pag-asang mamahalin ka rin niya kahit hindi naman totoo.

Pero alam mo, darating din naman ang araw na mismong ikaw rin ang mag-aayos ng buhok mo, ikaw rin ang magpupunas sa mga luha mo, tatayo mula sa pagkakadapa at taas noo mong masasabing, "Tama na. Kailangan na kitang kalimutan. Adios!"

***

Note: Again, this chapter is from the book of Marcelo Santos lll entitled "Mahal mo siya. Mahal ka ba?"

-KuzuriQueen

One-Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon