It's not nice to assume things. It may lead you to misunderstandings.
~~~~~~~
Nandito kami sa mall ngayon gumagala kasama ang mga kaibigan ko. Babawi daw kami ng oras sa isa't-isa dahil masyado kaming nabusy last week which is hell week.
Iba-iba kasi kami ng course pero same school parin. Kaya eto kami, maingay na naglalakad sa mall dahil kung ano-anong trip ang naiisip ng mga kasama ko.
"Gutom na ako. Hindi pa ba tayo kakain?" Reklamo ko dito sa dalawang kasama ko na wala yatang balak kumain ng tanghalian.
"Ay! Lunch na pala? Hindi ko namalayan e. Sorry naman kat. Tara na Clar, treat ko." Biglang napalingon sa direksyon namin si Clarrisse na parang nagtu-twingkle pa yung mga mata. Anyare dito?
"Talaga Chris? Libre mo? *0*//" Masayang sabi ni Clar habang pumapalakpak pa. Na agad naman din nawala nung dinugtungan ni Mary Chris yung sinabi niya kanina.
"Oo nga. Treat ko. Basta sa food court tayo ah?"
Napatawa nalang ako ng mahina ng marinig ko ang ibinulong ni Clar na 'kuripot. Hmp!'. Buti nalang at hindi narinig ni Chris. Luka talaga to.
"Katrina, diba si Shin yun?Sino yung kasama niyang babae?"
Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain ng marinig ko ang sinabi ni Clar. Si Shin? Andito?
Liningon ko naman ang direksyon kung saan nakatingin si Clarrisse. Nandun nga si Shin na may kasamang babae habang masaya silang nagtatawanan.
"Ah.. Ahm.. Ano, Katrina, ano, tapos ka na bang kumain? Alis na tayo. Gusto ko na matulog e. Diba clar? Aalis na tayo?" Sabi ni Mary Chris kay clar. Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mata ni clar pero nung lumingon siya sa akin napa-'oo' nalang din siya.
"Ano, wag na. Ano ba kayo? Okay lang. Ahmmm, una na pala ako ha? Nakalimutan ko kasing may inutos pa sa akin si mama e. Baka pagalitan ako nun. Hahaha! Una na ako sa inyo. Ingat kayo ah? Tatawagan ko nalang kayo pag nakauwi na ako." Sunod-sunod na sabi ko sa kanila at mabilis na umalis sa lugar na yun.
Pag-upo ko palang sa loob ng taxi, dun na kumawala yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Shit naman kasi e. Dapat hindi ganito.
"Maam, okay lang po ba kayo?"
"Ah, oo. Okay lang kuya. Haha! Aahmm. Sa Amelia's Village po." Sabi ko kay manong driver sabay pahid sa mga luha kong tulo ng tulo.
Ang sakit.
Ganito pala yun no? Yung feeling na nasa isang sulok ka lang habang tinitingnan yung taong mahal mo na masayang nakikipagtawanan sa ibang babae. Leche kasi e. Dapat sinagot ko nalang siya. Dapat inamin ko nalang din sa kanya na mahal ko na siya. Pero anong ginawa ko? Nagpakipot pa. Nagpakatanga.
Shin Garcia. Barkada ng kuya ko.Halos mag-iisang taon na niya akong nililigawan mula nong inamin niya sa akin na mahal niya raw ako. Akala ko nga din e. Hindi ko muna siya sinagot kasi nga may lahing playboy. Heartthrob pa sa campus namin. Ayaw ko naman dumating yung araw na maiwan ako sa ere sa huli no
Kaya ayun, sinabihan ko siyang ligawan niya muna ako. Aaminin ko, hindi ko pa siya mahal nun. Kasi kuya lang din ang tingin ko dun e. Tapos yun pala, iba yung pagtingin niya sa akin. Hinayaan ko siyang manligaw sa akin nun kahit hindi ko alam kung sasagutin ko din ba siya.Ayun, pinatunyan niya naman talaga na mahal niya talaga ako. Walang araw na lumilipas na hindi niya ako sinusorpresa. Kahit may practice sila ng basketball, gagawa parin siya ng paraan para lang sorpresahin ako at sabihan ng mga katagang 'Mahal kita, katrina. Ikaw lang. Tandaan mo sana yan.' Hanggang sa namalayan ko nalang na nahuhulog narin pala ang puso ko sa kanya. Isang araw nagising nalang ako at sinabi sa sarili ko na 'Mahal ko na yata ang bestfriend ng kuya ko.' Balak ko na sana siyang sagutin bukas e. Sa mismong birthday ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/36312172-288-k522744.jpg)