CHAPTER 6

60K 1.5K 23
                                    

CHAPTER 6

STORM'S POV

Nararamdaman ko ang mahinang pagyugyog ng kung sino man sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero tanging pigura lang ang nakikita ko dahil sa panlalabo ng aking paningin. I tried to open my mouth to speak but there's no voice coming out.

"We need to carry her, Ma."

"Hindi ka pwedeng sumama sa amin. Alam mo kung ano ang konsekwensiya sa gagawin naming pagtakas."

"Papatayin din nila ako kung mananatili ako rito."

Sandaling katahimikan ang namayani. Muli kong ikinurap ang mga mata ko pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Bukod pa doon ay nanlalamig din ang katawan ko.

"Once we step foot outside, Waine, there's no going back."

"I understand, Ma."

"Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa atin."

"I know."

Namayani muli ang katahimikan at pagkatapos ay naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko. Kasabay niyon ay sumigid ang kirot sa iba't-ibang parte ng katawan ko na hindi pa rin gumagaling dahil sa pananakit ng Claw. The pain was too much...and I gladly accept the darkness when it come over to take me.

TAHIMIK na pinagmamasdan ko si Sky na nakaupo sa isang bench habang nakatanaw sa malawak na tanawin sa harapan niya mula sa mataas na kinaroroonan namin. Animo may inaalala siya. Her eyes looks sad but her face was set in a hard determination. Para bang kinukumbinsi niya ang sarili niya na hindi siya nasasaktan.

Bakit ko alam? Dahil ganito din ang nakita ko sa kaniya noong umalis siya ng bansa noong mga bata pa lang kami. I can see her pain and I can feel it. Alam ko na ayaw niyang umalis pero ginawa niya iyon dahil gusto niya na magkaroon kami ng magkaibang identidad. At alam ko na dahil din sa gusto niya na makalimot.

Dahil nasaktan ang batang puso niya. Dahil sa akin...dahil sa pagiging selfish ko. Dahil nagmahal ako sa maling paraan.

Sa mga taon na lumipas kapag nakikita ko sila kuya Blaze at kuya Stone na naaalala ang mga gusto ni Sky kapag magkakasama kami, kapag nakikita ko ang lungkot sa mga magulang namin kapag dinadalaw namin si Sky dahil alam nila na hindi din namin siya matagal na makakasama, kapag nag-iisa ako...naiisip ko ang ginawa ko. Na isa ako sa mga dahilan na siyang nagtulak paalis sa kapatid ko.

That's when I realized that what daddy was talking about when he talked to me at the prom. Hindi lamang ang katotohanan na hindi ko magagawang baguhin ang puso ng isang tao...ng puso ni Adonis ang konsekwensiya ng nagawa ko kundi ang habang-buhay na pagdala sa sakit ng katotohanan na nasaktan ko ang taong mahalaga sa akin.

Huminga ako ng malalim at naglakad ako palapit sa kaniya. Mukhang hindi niya naramdaman ang presensiya ko kaya nagsalita ako. "Sky?"

Lumingon siya sa akin at may pilit na ngiti sa labi na umupo ako sa tabi niya. Ilan sandaling nakatingin lang kami sa harapan namin. Parehas na hindi nagsasaita.

"Kasalanan ko ba?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman ang kasagutan. Ang totoong sagot.

"Ang alin?"

"Kung bakit ka umalis."

Lumingon siya sa akin. "Of course not. Wala kang kasalanan."

"I tried to be different from you, you kno? But I always end up copying you. A poor copy. Mas cool ka pa rin kesa sa akin. Mas malaya ka kesa sakin." I said with a tiny smile.

"A poor copy? Are you kidding me Storm? Everyone likes you. I'm the black sheep."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kung marami man na nagbago kay Sky isa ito sa hindi nawala sa kaniya. Mataas ang tingin niya sa akin na para bang ako ang hindi nagkakamali sa aming dalawa. Dahil hindi niya pa alam."You always think the worst of yourself. Hindi ka nila nakikita ng ganoon."

BHO CAMP #3.5: The Lost Affiliate (Storm Reynolds' Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon