CHAPTER 2

83.1K 1.7K 95
                                    

CHAPTER 2

STORM'S POV

"Hey! Let's celebrate!"

Nag-angat ng tingin si Hermes na nasa kusina niya at kasalukuyang nagluluto nang bigla na lang ako pumasok sa kwarto niya. Amoy na amoy ko ang pagkain na siguradong kahit na ano pa man 'yon ay talagang masarap. He's a great cook.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at namewang. "Nanalo ka ba sa loto?"

"Hindi."

"Mag che-chef ka na?"

"Of course not."

"Nakalimutan mo na si Adonis?"

Natigilan ako sa sinabi niya na hindi naman nakalagpas sa atensyon niya. Bumuntong-hininga siya at muli niyang binalikan ang ginagawa niya habang ako naman ay lumapit sa wine rack niya na ngayon ay may stock na ng paborito kong inumin. "Hindi."

Sandaling katahimikan ang namayani. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Katulad ng dati...sinasaktan ko pa rin siya.

Kumuha ako ng isang wine at pilit ang ngiti na hinarap ko siya. "Mag celebrate tayo dahil malaki ang posibilidad na may hawakan ako na malaking mission."

Nagkibit-balikat siya bilang pagsang-ayon na lang sa sinabi ko. Sa totoo lang kasi hindi naman samin big deal kung anong mission ang dumating sa amin. Sanay na kami na iba't-ibang klaseng sitwasyon ang naibibigay sa amin na nalalagpasan naman namin.

Umupo ako sa isang high stool at binuksan ko ang wine na hawak ko. Katulad ng dati ay hindi na ako nag-abala na kumuha ng baso at tinungga ko na lang iyon mula sa bote.

"Anong niluluto mo?" tanong ko.

"Nothing."

"Doesn't look like nothing to me."

Dahil nakadesenyo ang kusina niya sa paraan na ang kalan ay nakaharap sa kitchen island ay nakikita ko ang niluluto niya. Inabot ko ang kamay niya at iginaya ko ang hawak niya na sandok para matikman ko iyon. "Yum."

"Seriously, Storm. Just get a plate."

Ngumisi ako at kumuha ako ng plato pati na ng kubyertos. Inabot ko iyon sa kaniya at napabuntong-hininga na lang siya at pinatay ang kalan. Pagkatapos niyon ay sinalinan niya ako sa plato ng pagkain.

Nakangiti pa rin na nagsimula akong kumain. Tumango-tango ako ng malasahan ko iyon. As usual masarap.

"Do you even know what that is?"

Umiling ako. "Masarap naman kaya wala akong pakielam kahit ano pa 'to."

"Mabulunan ka sana."

Tinawanan ko lang siya at inabot ko sa kaniya ang bote ng wine na binuksan ko. Muli siyang bumuntong hininga at pagkatapos ay uminom din siya roon.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na katabi si Hermes sa sahig ng kusina habang patuloy pa rin kami sa pag-iinuman. Kung ano ano lang din ang napagkuwentuhan namin.

"Hermes..."

"Hmm?"

"Bakit ako?"

He chuckled. "Do you realize how many times you asked me that question?"

"Hindi ko pa rin maintindihan."

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ang minamahal niya. Kung bakit hindi niya ako makalimutan...kung bakit hindi ko siya magawang mahalin. I've tried so hard but I just can't. I can't still forget.

BHO CAMP #3.5: The Lost Affiliate (Storm Reynolds' Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon