CHAPTER 1

9 1 0
                                    

I was laying in my bed,staring at the ceiling. Parang feel ko pagod ako sa ibang dahilan na kahit sino man ay hindi ako maiintindihan.

"Ano?!, Wala ka nanaman trabaho bakit kasi hindi ka gumawa ng paraan" I heard my mom's voice down there, ito nanaman hays nakakasawa na bakit ba ako napunta sa pamilyang 'to.

Narinig ko'ng may paakyat sa kwarto ko,Alam kong si mama yon at hindi nga ako nagkamali.

Pinunasan ko agad ang pisngi ko I didn't notice that I was crying.

Binuksan ni mama ang pinto ng walang paalam Saka nag papapadyak na lumapit sa'kin.

"Alam mo yang papa mo, sumosobra na panay inom Kasi ng Alak puro barkada inaatupag" Pinakikinggan ko ang mga salita ni mama na hindi ko naman dapat marinig sa kanya.

Wala akong magawa kundi kimkimin ang sama ng loob ni mama na isinalin sa'kin.

"Wala nanaman ngang trabaho,hindi man lang maghanap ako pa talaga ang gagawa"Sumbong nanaman ni mama sa'kin, hindi nako magtataka do'n ako ang panganay kaya sa'kin nakapasan ang lahat.

Pagod nako dito gusto ko naman ng tahimik nang walang problemang dala.

"Oh ikaw jan, nakahilata ka lang palibhasa Wala ka din' ginagawa eh galing mo din, kung kunin ko kaya cp mo" Sabat Naman ni mama tungkol sa'kin, I'm tired of those words, mas gusto ko nalang mabingi kaysa sa marinig pa ang mga salitang yon.

"Nasa'n na nga pala grades mo patingin"Ibinigay ko nalang Kay mama yon ng walang binibitawang salita.

"Buti pa si mia,may honor at matataas ang grades eh ikaw ano'ng nangyari sayo bakit 89 lng ang average mo??" Yan..jan sya magaling ang I-compare kaming dalawa ng pinsan ko, gusto ko nang magwala sa galit at sama ng loob sa totoo lang. Pero iyak lang ata ang magagawa ko.

Eh di sana sya nalang naging anak nyo..

Gusto kong sabihin yon sa harap ni mama.

Pilit na napangiti na lamang ako, ang gusto ko na Lang sa araw na 'to ang mamatay.

Bumaba nalang ako at pumasok sa loob ng C.R at dito ko nilabas lahat ng sama ng loob ko alam kong hindi nila ako mapapansin dahil tahimik lang ako umiyak, Ewan ko ba kung pano ko nagagawa yon.

Nag mumuka akong Tanga sa pag iyak dito.

"Ate, bilisan mo daw po Jan may sasabihin sayo si mama" biglang katok ng kapatid ko kaya napahilamos agad ako ng mukha.

Pagkalabas ko Nakita ko agad si mama na naghihintay sa'kin.

Ibinigay nya sa'kin ang cp na ipinagtaka ko.

"Tawagan mo lola mo, humingi ka ng pera, Wala na tayong pambayad sa bahay hindi naman makakatanggi sayo Yan".

I just laughed sarcastically, talaga Naman oh.

"Eh bat hindi Ikaw ang gumawa?, Ikaw Naman ang may kailangan Diba" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sumagot na ikina gulat nya.

Tumitig ako sa kanya nang may galit sa nararamdaman halo halo na ang nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat ako sumagot dahil disrespectful yon at hindi nila ako tinuruan nang gano'n.

Pero anong magagawa ko, Lahat ng tao nagbabago, lumalaki,Natututo
Kaya wag na silang magtaka kung nag iiba ang ugali ko dahil sila Naman ang dahilan ng lahat.

"Aba!, Sumasagot ka na sa'kin ngayon ria!" Sigaw sa'kin ni mama kaya umakyat nalang ako, ayoko nang marinig pa ang Boses nya.

"Wag kang bababa dito ah!, Sa oras na bumaba ka malilintikan ka talaga sakin" Sigaw sa'kin ni mama kaya sinarado ko nalang ang pinto.

Di na 'ko takot, sanay na akong mapalo at mapagsabihan ng masasakit na salita.

"Hindi ka namin tinuruan ng ganyan!,Buti pa ang kapatid mo!"
Sigaw ni mama malapit sa pintuan.

Tingnan mo nga naman..

Gusto ko nalang bumalik sa pagkabata,Pero marami din akong masasakit na naranasan noon pero atleast Wala pa akong masyadong iniisip no'n.

Hays.. 

Siguro nga ganito ang buhay, nakakapagod minsan.
 
                      ____________
Some Kind of Rest written by endumore

Some Kind Of RestWhere stories live. Discover now