Chapter 2

19 2 0
                                    

Layla POV

"Anak malapit na ulit tayong magkasama at sa pagkakataon na yun ay hinding hindi ka na nila makukuha pa sa akin." Tinig ng isang lalaki hindi ko alam kung saan nang galing ang boses na iyon dahil halos kadiliman lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito dahil ang naaalala ko lang ay nagpapahinga ako sa ilalim ng puno.

"Sino ka at bakit tinawag mo akong anak?" Tanong ko dito pero tanging halakhak lang ang narinig ko mula sa hindi kilalang tao.

"Malalaman mo rin ang katotohanan anak." Matapos kong marinig yun ay halos maiyak ako dahil sa takot. Bakit paulit ulit ang nangyayari? Hindi ko na alam.

Kahit natatakot ay naghanap parin ako ng liwanag nagbabakasakaling may makikita pero bigo lang ako. Ipagpapatuloy ko na sana ang paghahanap ng biglang may mga pangyayaring bigla nalang pumasok sa  aking isip.

"Daddy i want a dog." Sabi ng isang bata sa kanyang ama habang nakatingin sya sa matandang lalaki. Napangiti naman ang kanyang ama at sinabing ibibigay nito ang gusto nya.

"Baby look your new dog and his name is lolo." Napasigaw naman sa kasiyahan ang bata at pinaglaruan ang bago nitong alaga.

"Salamat daddy." Habang nagkakasiyahan ang mag ama ay nakasilip naman sa pintuan ang isang matandang babae na naluluha sa nakikita. Nakita ito ng aso at parang sinasabi sa matanda na masaya ito sa bagong amo.

"Paglaki mo anak ipagpapatuloy mo ang lahat ng ginagawa ni papa ah."biglang sabi ng ama sa anak na sinisiguro ma mangyayari talaga iyon.
"Ikaw ang aking prinsesa at ang magrereyna dito sa probkakjshjs."

"Bessy gising ang sabi mo magpapahinga kalang saglit pero ilang oras ka nang wala." Napamulat ako dahil sa ingay ng aking kaibigan. Tinignan ko ang oras at nagulat dahil absent ako sa dalawang subject. Napasarap siguro ang tulog ko.

Papunta kaming canteen ng maalala ko ang panaginip ko kanina. Tama buti nalang at panaginip lang yun dahil hindi ko alam kung sino ang mga tao sa panaginip ko, sayang lang at hindi ko nalaman ang huling sinabi ng lalaki sa bata pero hayaan na ang importante ay makakain ako at magbigay ng excuse letter sa pag absent ko.

The Secret UntoldWhere stories live. Discover now