Chapter 1

3 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko ngayon may kailagan pa kasi akong research na project sa computer sa library ng school wala naman kasi akong computer dito at kung pupunta naman ako sa comshop eh mag babayad pa. Mas mabuting dun na lang ako gumamit libre pa!

Pag katapos kong maligo ay nag ayos na ko hindi na ako kakain. Sa school na lang dahil mukhang naubusan nanaman ako ng almusal ng mga kapatid ko di man lang ako tinirahan nakakainis! Nakita ko si nanay na kumakain kaya lumapit ako at humingi na ng baon

" nay pwede ko na po bang makuha ang baon ko aalis na po kasi ako"  umarko naman ang kilay nya pataas may dinukot sa bulsa nya dalawang bente iyon 

"ayan hangang bukas mo nayan dahil ala akong labada ngayon at binigyan ko pa ng pambili ng pardyek ang mga kapatid mo."  Saad nito.

"P-po per--"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita ito muli.

"At ano'y mag rereklamo ka pa?! Eh ayan nga lang ang natira! Pasalamat ka nga at binigyan pa kita!! Lumayas kana nga at naiirita ako sa pag mumukha mo!"hindi na naman ako nakapag salita dahil baka lalo pa itong magalit sa akin.

Ewan ko ba bata palamang ako ay iba na ang turing sa akin ni nanay ibang iba sa mga kapatid ko kung ituring nya ito ay parang mga prisesa samantalang ako eh parang katulong!

Pag uwi ko pa lang sa school mag lilinis na ako ng bahay ,mag lalaba ,mag luluto at iba pa samantalang ang mga kapatid ko eh sitting pretty lang!

Hindi naman sa nag rereklamo ako pero ako naman kasi ang panganay. Pero isang taon lang naman ang agwat ko sa kanilang kambal. Hindi rin ako pwedeng mag reklamo dahil pinag aaral ako ni nanay kaya no choice ako kung hindi sumunod.

Pag pasok ko ay dumeretso na ako sa library para gawin na ang project ko pag katapos ay pumasok na ko sa room.

"Ayahhhh!" Bungad saakin ng kaibigan ko si bella grade 10 ko sya naging kaibigan wala naman kasi sakin pumapansin dito kung hindi sya lang. Grade 11 na nga pala kami ngayon. Alam kong kaunting panahon pa lang ang pagiging mag kaibigan namin pero malaki na ang tiwala ko sa kanya tinituring ko na rin siyang parang kapatid.

In fact tinutulungan nya nga ako ng mapalapit sa lalaking gusto ko hehe! Ayy naalala ko nanaman ang gwapong mukha ni marco hayssss kinikilig ako pag naaalala ko sya!!

"O bella ikaw pala"  saad ko

"Kumain kana ba?"  Umiling ako  "tara punta tayong canteen"  saad nito

"uhmm ikaw na lang hindi pa ako nagugutom" naalala ko nga pala na 40 pesos lng ang pera ko iipunin ko pa ang matitira dito.

"Tara na libre ko!!"  sabay hatak sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama.

Nakaupo na kami dito sa canteen at kumakain maaga pa naman kaya nakakapag kwentuhan pa kami.

"Nakita mo ba si marco?"  Tanong ko sa kanya.

"Sis ang aga pa wala pa yun baka tulog pa."  saad nito

Si marco nga pala ay ang aking long time crush! Hindi nga lang ata crush eh mahal kona nga ata hehe. Grade 7 pa lang ako ng nagustohan ko siya grade 11 na ako ngayon .

Nito ko lang nasabi sa kaibigan ko dahil nahihiya ako sa kanya. Baka mamaya eh tukso tuksohin niya pa ako! Pero nung sinabi ko naman sa kanya eh parang wala lang tutulungan nya pa nga daw ako eh paano naman nya ako ma tutungan? Close ba sila?

Natauhan naman ako sa pag iisip ng bigla akong pinitik sa noo ni bella "ano ba naman yan ang sakit!"  Saad ko

"Natulala kana kasi jan!!" Sabi nito napa tingin naman ako sa likod ni bella nakita ko si marco na papalapit at tumingin kay bella sabay lingon sa akin shettt! Mahihimatay na ata ako sa paraan ng pagtingin nya!! Makalaglag panty teh!!

"Hi ayah!"  Luh know's niya pala name ko? Pwede na akong mamatay sisss!

"Uhmm h-hi?" Saad ko

"Can i court you?"  Saad nito na nag palaglag ng panty ko ayy charot panga pala hehe!

"Hah?!!"  Gulat na saad ni bella nginisian  lang siya ni marco sinamaan naman ito ng tingin ni bella.

"Ahh Oo naman!" aayaw pa ba ako? biyaya nato uyy charot!  " i mean bahala ka" saad ko.

" okay basta susunduin kita sa classroom mo mamaya bye see you later."  Saad nito at kinindatan pa ako! Ahhhh san pedro pwede niyo na po akong kunin charot! Joke lang po hehe!

Umalis na ito sa harapan namin napansin ko naman si bella na parang galit kaya tinanong ko sya " uyy bat ganyan ang itsura mo?" Saad ko.

"Wala"  walang emosyon nitong sabi kaya hindi ko nalng sya ginulo pa.




Mabilis lumipas ang oras at mag uuwian na nakita kong nag hihintay nga saakin si marco sa labas ng room hindi naman ako mapakali dahil naka titig ito sa akin at kumikindat pa! Para tuloy akong natatae hindi mapakali sa inuupuan ko!

"Class dismiss" saad ng teacher namin hay! Salamat at makaka labas narin!

Agad akong sinalubong ni marco nasa tabi ko naman si bella kaya napatingin ito dito.

"Tara kain tayo sa labas"aya sa akin ni marco napatingin naman ako kay bella na masama ang tingin sa akin luh bakit??

"Ahh kase kasama ko pa ang kaibiga--"  hindi pa ako natatapos eh pinutol na agad iyon ni marco "she can join us" saad nito at naka ngisi sa kaibigan ko napa baling naman ako kay bella na wala nang emosyon ang mukha.

"Gusto mo bang sumama?" Saad ko umiling naman ito at nag salita  "hindi na may kikitain pa ako" saad nito at tumalikod na tinawag ko pa siya pero hindi na ito lumingon pa. Napa buntong hininga na lang ako.

Tumikhim naman si marco kaya napalingon ako nag salita ito "ano saan mo gustong kumain?" Tangong nito sa akin.

"Ahh w-wala kasi akong pera" nahihiya kong sabi ngumiti naman sya at nagsalita

"Libre ko date natin ito eh"  nanlaki naman ang mata ko ano?! Date!nabibingi na ba ako? tumawa na lamang ito sabay hawak sa kamay ko luh? Chansing yan?! Charot gusto ko naman eh landi ko sorry!

"Let's go?" Tumango na lamang ako at ngumiti.

Chasing LoveWhere stories live. Discover now