Chapter 2

1 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw ng hindi ko na mamalayan na dalawang buwan. Dalawang buwan na akong nililiganwan ni marco. Napag isipan ko na sagutin siya sa darating na graduation nila, ilang araw na lang eh aalis na siya dito sa school nakaka lungkot man pero masaya akong makaka graduate na sya. Saka mag iinarte pa ba ako! eh mas nauna akong nag kagusto sa kanya pinatagal ko lang shempre dalagang pilipina charot! Di nga alam ni nanay na may nanliligaw sakin eh! Paniguradong magagalit saakin iyon kapag nalaman niya sermon na naman ako hays.

Madalas ko na rin makasama si marco sa pag kain ng lunch, pag gawa ng research tinutulungan nya rin ako nahihiya na nga ako sa kanya pero sabi nya 'he insist' daw ano ba naman daw nanliligaw siya sakin kung hindi niya ako tutulungan, sa pag uwi naman hinahatid nya ako gamit ang kotse niya sana oll diba! May kotse! Pero hangang sa may kanto lang at nag papababa nako baka makita pa kami ni nanay mahampas pa ako ng tabla nun! Si bella naman ay madalang ko na makasama dahil palagi nitong kasama ang nobyo niya hay nako! Iniwan nako! Dibale nanjan naman ang baby marco ko hehe!

Nag lakakad na ako sa hallway ng school nang mahagilap ng mata ko si marco na nakikipag tawanan sa isang babae! Bwisit itong lalaking to nanliligaw pa lang eh may kabit na! Mas lalo naman umusok ang ilong ko ng makitang may pahampas himas pa yung babae sa dibdib niya! Haliparot na babaeng to! Nakakainis! Nakita ko naman na napatingin sa akin si marco kaya nag madali akong nag lakad, tinawag pa ako nito pero hindi ako lumingon tampo ako hmp!! Charot!

Nagulat na lang ako ng may humatak sakin paharap sino pa ba edi ang malanding marco! "Ayah..." tawag nito sakin.

" O bakit?" Naka sibangot kong sagot sa kanya.

"Uuwi kana ba? Tara kain muna tayo sa labas." Saad nito tinanguan ko na lang siya paano ba naman eh titig na titig saakin sino ba naman ang hindi malalaglag ang panty!hehe pero shempre naka simagot parin ako para suyuin naman tayo hehe!

Nasa parking na kami ng kainan nang hanggang ngayon ay hindi ko parin siya pinapansin tampo parin ako no!

"Ayah... may problema ba?" Masuyong saad nito.

"Wala tara na at kailangan ko umuwi ng maaga."  Walang emosyon kong saad lalabas na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko napalingon naman ako sa kanya.

"Did i do something wrong? Please kung meron sabihin mo..."  masuyong saad nito at nakatitig nanaman sa mga mata ko lumamlam naman ang mata ko napaka rupok ko talaga pagdating sa lalaking to hays!

"Wala naman ano lang kasi uhmm yung babae maka hampas himas sa dibdib mo kala mo---" saad ko ng putulin nya ko.

"So my baby is jealous huh?" Nakangising saad nito saakin nanlaki naman ang mata ko ako! Mag seselos hindi no baka pinatay ko pa yun! Joke.

"Ano! H-hindi ah"  namumula na ang pisngi ko sa hiya bakit ko ba naman kasi sinabi yon? Hayss.

Niyakap nya ako at hinalikan ang noo ko "Hindi ko naman babae yun. If that's what you think, girl friend ng tropa ko yun hindi mo ba nakita kasama nya yung boyfriend nya" saad nito mas niyakap pa ako

" uyyy chansing ka ah hindi pa nga kita sinasagot may pa halik halik kana!" Saad ko at pabirong binatukan sya.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin?hmm?" Saad nito bakit ang pogi mo!!

"Secret!! Walang clue!" Tumatawa kong saad napa nguso naman siya ang sarap ikiss char!

"So bati na tayo baby?" Nakangiting sabi nito baby amputs! Baby-u ng buhay mo hehe!

Wala na akong ibang nagawa kung hindi tumango  "Tara let's eat"  nakangiti ito sa akin napa ngiti naman ako.

Pag tapos namin kumain ay hinatid na agad ako ni marco sa kanto, gusto nya pa nga na sa bahay na daw para ipaalam kay nanay na kumain kami sa labas kaya natagalan, pero tumanggi ako saka ko na lang siya ipapakilala kapag maayos na kami ni nanay.

Pag pasok ko pa lang sa bahay ay nabungaran ko na agad si nanay na naka upo sa sala agad naman akong nag mano.

"Palagi ka na lang ginagabi ng uwi ah! Alam mo namang maraming gawain dito sa bahay kung saan-saan ka pa nag pupunta pag kayari mo sa skwelahan!" Inis na saad nito.

"Sorry po." Magalang ko sagot.

"Abat ano pang tinatayo-tayo mo jan mag laba kana!" Tumango nalang ako.

Hays. Palagi na lang ganito hindi pwedeng hindi ako matulog ng hindi pagod na pagod . Pagkatapos kong mag laba ay mag 12:30 na ng umaga! Gabundok ba naman ang labahin hindi ka aabutin ng umaga!

Pag katapos kong ligpitin ang mga pinag labahan ko ay nag hilamos muna ako at saka humiga sa kama, buti na lang talaga ay nakaipon ako ng pera nung birth day ko, at pinang bili ko ng kama regalo ko narin sa sarili ko, kung hindi ay sa banig parin ako matutulog sakit pa naman sa likod non!

Inabot ko ang cellphone ko pinag lumaan lang ito ng isa sa kambal pero para saakin na pakalaking tulong nito!ang saya saya ko nga nung ibinigay sa akin to! Nag sscrol lang ako sa facebook nang may nag chat sa akin.

Marco:
Hindi ka pa natutulog?

Luh? Bat hindi pa ito tulog anong oras na ah!

Ayah:
Ikaw bakit hindi ka pa natutulog? 

Marco:
Can't sleep. Ikaw why you're still awake?

Ayah:
Ah! Kakatapos ko lang maglaba. Pero matutulog narin naman ako :)

Marco:
Kakatapos mag laba? Anong oras na ah. matulog kana may pasok pa bukas.

Ayah:
Okay matutulog na ako see you sa school good night :)

Marco:
Good night too.
Iloveyou.

Napanganga naman ako ng mabasa ko ang chat niya ano daw iloveyou? Joke ba'to? Impit akong napatili dahil baka marining ako nila nanay sa labas natutulog pa naman na sila. At hindi nga ako nag kakamali ng marinig ko na sumigaw si nanay.

"Ayah!! Ano ba yang tinitili-tili mo jan! Natutulog na kami rito!" Sigaw nito saakin.

"Pasensya na po nay naipit lang ako!" Sigaw ko pabalik para marinig nya hindi nanaman sumagot si nanay.

Ito naman kasing si marco bigla bigla nalang nag i-i loveyou buti nalng hindi pumasok si nanay kung hindi nahambalusan pa ako niyun!

Hindi ko na sinagot si marco at baka ano pa ang maisagot ko dito sa graduation na lang nila. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi ko maiwasan na mapangiti hanggang sa nakatulog na ako.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing LoveWhere stories live. Discover now