Chapter One

266 11 7
                                    

I have been observing this classmate of mine since the first day of school, na bothered kasi ako sa kanya kasi lagi lang siyang natutulog. At first I thought it was because nag pe-pretend siya para hindi matawag sa election that time pero mhie consistent talaga yung tulog niya dito, ginawa niya ng bedroom niya yung classroom namin.

Pagkarating ko sa classroom namin, agad naglanding yung paningin ko sa kanya and as usual natutulog lang siya sa desk niya. He is a loner, wala din siyang friends dito sa room namin kaya wala man lang nag-aabalang gisingin siya every time may lectures kami. The prof came and nagsimula na siyang magdiscuss and he was still sleeping, probably daydreaming. Ewan ko ba pero na st-stress ako sa kanya, alam niyo yun, nag-aalala ako sa kanya kaya ewan ko ba anong mahika ang sumapi sa akin at tinabihan ko siya para naman gisingin siya.

Tinapik ko siya ng mahina sabay bulong na nandito na nga yung prof namin.

"What?" He snapped at me and he looked at me so annoyed.

Wow ha, annoyed ka pa niyan mhie, ako na nga lang tung may mabuting puso na nag effort na gisingin pa siya, like wow talaga tas what lang?

"Nandito na si sir, gising na." Sagot ko naman sa kanya.

He just rolled his eyes at hindi na ako pinansin. I was dumbfounded by his response, like mhie seryoso ka ba, inirapan mo pa talaga ako? Gigil na gigil ako sa kanya that very moment, kulang nalang gawin kong slime yung mukha niya. Sino bang hindi maiinis mga mhie, may pa act of concern na ako dito oh tas dinedma lang ako. I was just concerned like dzuh, ano bang problema niya?

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang ang focus sa lectures ni sir mahirap na, fan pa naman si sir ng raffle draw. Ibang raffle nga lang. Index card ba naman ang labanan ni sir mga mhie at naku, hindi ko gustong yung mahiwagang index card ko yung mabunot at ako na naman ang mangungulubot sa pag so-solve ng mga equation na iyan. Halos lahat pigil na ang hiniga at hindi na makatingin kay sir, feeling ko talaga pare-pareho kami ng dasal that time na sana hindi index card namin ang mabunot. Everyone was nervous except for the man sleeping next to me.

"Dominic? Is Dominic around?" Sabi pa ni sir.

'Pag minamalas ka nga naman! Hay naku bahala na talaga siya, I tried naman na gisingin siya para sa lecture para may masagot siya diba if worse turns worst. Lahat kami sa room ay natahimik siguro dahil hindi namin alam kung ano ang gagawin. Usually pag may natatawag sinasabihan ng lahat ng "condolence" pero this time walang nagtangkang magsabi nun, first and foremost hindi namin ka close si Dominic at parang isang tingin niya lang sa amin ay nagbabanta na siya na jojombagin niya kami.

Ngumunguso na yung mga ka klase ko sa akin and they were pointing Dominic. Ewan ko ba anong dapat kong gawin, dapat bang sabihin ko kay sir na natutulog si Dominic pero mhie mapapahamak siya or gisingin ko na lang siya pero ako naman ang aawayin nya? Hayst, what? Bahala na nga! I have decided!

At gigisingin ko siya.

"Why are you so annoying?" Sabi niya pa sa akin at mhie galit mode activated na talaga noong ginising ko siya ulit.

Tss kung di lang talaga sing puti ng white rabbit ang puso ko'y nungkang gigisingin ko siya, like dzuh.

"Tawag ka ni sir, ikaw daw sasagot." Sabi ko naman sa kanya.

Pormahang bored lang siya nung tumayo siya at tinitigan si sir, ako yung namomroblema sa kanya. May isasagot kaya siya? He took his ballpen out from his pocket at inispin spin iyon. Wow sobrang chilax nya mga mhie, hayst dapat talaga hindi ko na siya problemahin. Bat need kong ma stress sa kanya eh siya nga kalma lang.

"Differentiate 10x² with respect to x." Sabi pa ng professor namin.

"d (10x²)/dx = 20x, dir." Sagot niya pa kay sir at umupo ulit.

All of us were flabbergasted pagkatapos niya sumagot, how come na answer niya yun in split seconds, kami nga halos mabinge na kami sa kakapakinig kay sir, ni hindi man lang namin ma gets tapos siya, ay wow, pano yun mhie eh sa pagkakaalam ko ay natutulog lang naman siya dito sa tabi ko? I looked at him with amusement, tutal na simulan ko na namang gambalahin siya sa pananahimik niya ay kukulitin ko na lang siya ng bonggang-bongga!

"Wow! Ang talino mo naman mhie, pano mo yun ginawa?" Tanong ko pa sa kanya habang nag twi-twinkle twinkle ang mga mata.

"That was easy." He answered at inirapan ako.

Wow! Ang immature talaga eh, paisa nga! Nagtanong lang naman yung tao eh!

Hindi na siya natulog ulit pero that doesn't mean ay nakikinig na siya sa prof at sa lectures namin. He was just looking at the window na akala mo ba ay malilinis ng mga titig niya ang mga salamin doon. Wala pa din siyang pake sa mga prof namin, grabe ang tapang talaga ng mga buto ng Dominic na ito, nakakaya niyang hindi makinig sa mga important lessons namin. Hanggang sa nagpalit ng subject ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang tumulala, lumipad-lipad ang isip at titigan ang bintana.

Kahit sobrang stress na ng lahat sa Physics for engineering, pakiramdam ko nga ay nagkalasog-lasog na yung mga braincells ko, parang pakiramdam ko hindi na intact yung bungo ko pero siya ay wala pa ding pakialam sa nangyayari sa buong lecture, hindi man lang sumakit ang ulo niya katulad sa amin, siguro heavy duty gawa yung utak niya.

"Please find a partner para sa project ninyo. I-inform niyo na lang ako kung ano ang name ng magiging partner niyo para ma take note ko. Okay?" Sabi pa ni Miss Larah, yung professor namin sa Physics.

"I'll take this lady with me ma'am." Biglang wika pa ni Dominic habang nakaturo sa akin.

Except sa gulat na pinili niya ako, syempre gulat ako na nagsalita siya, like wow, anong hangin ang nalanghap nito? Kahit nga yung mga kaklase namin ay hindi makapaniwala na nagsalita ng kusa si Dominic.

"Hoy, may pangalan ako no!" Reklamo ko pa.

"So you are?" He asked me.

Oh kita mo 'to? Ang lakas ng loob na gawin akong partner pero hindi alam ang pangalan ko, haler ilang weeks na tayong classmate dito mhie hindi mo pa rin ako kilala?

"Clarissa." I answered.

"She said she's Clarissa ma'am." Wika niya pa sa prof namin.

Syempre gulat pa din kami sa inasta niya. Ano kayang nangyari dito eh normally gumagawa naman ito ng project mag-isa. Strong independent person naman tong isang 'to, bat bigla na lang nakipag partner?

"Psst. Ba't ako yung naisipan mong ipartner?" Tanong ko pa sa kanya.

He looked straight to my eyes and he answered.

"I don't know, you're like an unplanned plan. See you tomorrow!" He said and he walked out.

&&&_stella

Unplanned PlansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon