True to his words ay sinama talaga ako ni Dominic pauwi. Grabe yung kalabog ng dibdib ko nun mga mhie, feeling ko nga rinig niya din yun at parang may dala-dalang speaker ang mga paa ko. I was so nervous while walking down the hallway because we are walking side by side and all eyes were glued on us. Feeling ko talaga isa akong cell na ini-examine sa microscope eh.
Kung hindi lang sana ganito ang set up namin ni Dominic ay baka mas malakas pa sa megaphone yung boses ko pero shuta hindi ko kayang magsalita. Hindi talaga ako nagsalita at kinareer ko na lang ang pagdadala ng mga libro ko kahit ang bigat ng mga yun. May pagkakataon pa talaga na titingin sa gawi ko si Dominic at nagpapa as if ako mhie na hindi ko yun nakikita, well hindi ako nagpapahalata dahil I don't want to meet his gaze.
"Give me your books." Sabi niya pa nang bigla siyang huminto sa harap ko.
"Huh?" I said so confused.
"It looks so heavy and you look uncomfortable carrying that." Sabi niya pa.
Hindi na ako nag-inarte at binigay na lang sa kanya yung mga libro ko, though it's uncomfortable. I didn't bother arguing with him about sa kung sino ang magdadala ng mga libro kasi ang daming tao dito at ang iilan pa sa kanila ay nakatingin sa amin. Mahirap na, baka akalain nilang may LQ kaming dalawa dito.
Sunod lang ako ng sunod kay Dominic at hindi ko pa rin maalis ang kaba ko. Nag-iingay din ang cellphone ko at sure akong GC na naman namin ang nag-iingay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saang lupalop kami pupunta, hindi ko din gets ang sarili ko kung bakit sumama ako ng kusa dito kay Dominic, eh paano kung may masama pala siyang balak sa akin? What if chop-chopin niya ako at ipakain sa mga alaga niyang dinosaur?
"'San ba tayo pupunta Dom?" Tanong ko sa kanya.
He just shrugged and he continued walking. Nakalabas na kami sa campus ngunit hindi niya pa din sinasabi sa akin kung 'san ba talaga kami papunta. Para talaga akong nakikipag-usap sa hangin sa lalaking 'to eh, hindi man lang sumasagot kung tinatanong. Buti na lang hindi ako bored kasi habang naglalakad ay nakikipagchismisan ako sa mga kaibigan ko sa fb.
Hindi ko na namalayan kung nasaan kami kasi I was so engrossed sa pakikipagchat sa mga kaibigan ko, doon ko lang napansin na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin when he stopped walking and I bumped into his back. Wow ha, in fairness ang broad ng back, gym body talaga.
We stopped at a bookstore slash school and office depot. Iniwan niya muna yung mga dala-dala namin doon sa baggage counter and viola... natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpapaikot-ikot sa loob ng establishment na iyon habang sinasamahan siyang maghanap ng mga gusto niyang bilhin.
"Para 'san ba ang mga 'to Dom? Ang dami naman ata nito." Reklamo ko pa habang nakatingin sa cart namin na halos umapaw na ang mga gamit dahil sa dami ng mga nilalagay nya. And take note, nadaragdagan pa iyon kasi dampot pa siya ng dampot.
"For our project." Simpleng sagot niya.
Lumuwa ang mga mata ko dahil sa sagot niya. Paano naman kasi, ang dami niya talagang kinuha, ano bang balak niyang gawin? Gigantic hydrophonic tower kemerot or robot?
"What? Ganito ka dami? Ano bang gagawin natin sa project natin? Robot? Ang dami talaga nito." I said habang napapailing na lang.
"Let me pay half of this ha, bahala ka dapat hati tayo sa gastusin." Dagdag ko pa.
"No, just pay me later. I still don't know what project to make so I bought a handful of materials just incase I would need them later." Sagot niya naman.
Kung kanina ay na shock ako dahil sa dami ng pinamili niya, mas na shook ako ngayon dahil wala pa naman pala siyang nagagawang plano pero sandamakmak na materials na ang binili niya. Mhie, hindi naman sa kuripot ako ha, pero sayang kaya yung pera.
"Hep, hep, hep! Sure ka ba jan ha Dominic, bibilhin mo 'to tapos wala ka pa palang plano kung anong project ang bubuohin mo?" I nagged at him habang nakaturo sa mga items sa cart habang siya naman ay paunti-unting pinapacheck sa cashier ang mga items.
Ano ba yan! Hindi man lang siya nakipag-discuss sa akin kung ano ang tumatakbo sa isip niya tapos ngayon bibili siya ng sangkaterbang mga gamit na hindi nag-iisip sa gastusin, sa kung ano ang gagawin. Aba basta, nanggigil ako habang nakatingin sa kanya sarap niyang kurutin at gawing cotton candy.
"I hate plans." He commented dahilan para tumaas ang kilay ko.
"You know, plans are relevant for this project Dom. Hindi pwede yang hate hate mo jan, pano tayo magiging engineer nito? We are supposed to plan." Dada ko pa.
Ang ingay naming dalawa kaya yung cashier ay panay ang tingin sa amin.
"Plans limit you, that's why I hate it. I don't want to follow on a procedure when I could do something much more than that. So I'm sorry for not taking your choices and preferences into consideration." Ani niya pa and he looked at me with his apologetic eyes.
Ewan ko ba, wala akong naging laban sa mga mata niya, para naman kasing stars mhie, kumikinang-kinang. Kung ikaw ba, kaya mo pang inag siya? At isa pa, feeling ko magkakahematoma na ako sa mga englishan niya eh, hindi ba siya marunong magtagalog?
"Basta next time, just give me a signal na "Clarissa I think na dapat mamili na tayo ng materials, gumawa na tayo ng project proposal" like that para naman di ako ma shock. Kinabahan talaga ako sayo eh, pakiramdam ko babagsak ako, pano na ako magiging engineer nyan?" Sagot ko naman.
"Then you can be the wife of an engineer." Ani niya pa.
"Ha?" I looked at him confused.
"I was just joking." Sagot niya naman.
Joke na talaga yun? Sure na? Ba't naman kasi poker face pa din yung mukha niya habang nagjojoke? After paying for all the materials that we bought ay lumabas na din kami sa establishment na iyon. Naghanap agad kami ng masasakyan dahil hindi na namin keri kung maglalakad pa kami. Sa dami ba naman ng pinamili namin.
Hindi na ako nagtanong sa kanya kung saan kami papunta, baka sa coffee shop or what. I was too tired to notice na tumigil pala yung sinasakyan naming tricycle sa harap ng isang bahay. I was worn out kaya tahimik lang akong bumaba at hindi ko na din napansin yung bahay basta narinig ko lang si Dominic na nagriring ng doorbell.
"Oh my gosh Dom! Is this your girlfriend?" Bulalas pa ng isang babae.
Huh? Girlfriend? Asan ba kami?
&&&_stella
BINABASA MO ANG
Unplanned Plans
RomantiekBisaya Version available at my timeline. (Harliequin Aundreile)