...

18 2 0
                                    

"Siya ba yung bagong doctor?"

"Oo, ampogi pala talaga niya."

"Tara batiin natin."

"Good morning Doc Cloud." ngiting ngiting ani ng dalawang nurse sa akin. Nginitian ko naman sila at tinanguan. Agad din akong nagpatuloy sa paglalakad ko patungo sa aking opisina.

"Happy first day sa trabaho Mr. Cloud." Bati sakin ng head nurse.

"Salamat. Nga pala, yung mga nurse niyo, parang sila pa yung dapat ikulong sa kwarto." Ani ko sabay tawa. Napatawa rin ang ginabg sa aking sinabi.

"Hayaan mo na sila, ganyan talaga yan, minsan lang kasi magkaroon dito ng doctor na binata." tumango tango naman ako.

"Malas naman ng first day mo bro." sabi ni Jake sakin, kaibigan kong doctor din.

"Baket naman?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Alam mo kase, dito sa Cortez Mental Hospital, kada Martes may nagwawalang pasyente." bulong niya sakin. Kalalaking tao chismoso. Nginitian ko naman siya.

"Wow, scheduled yung pagwawala? HAHAHAHHAHA!" Binatukan niya naman ako.

"Puro ka kalokohan!" tumawa na lamang kami pareho at patuloy na naglakad.

Maya maya pa ay may nakita kaming dalawang guwardiyang tumatakbo papunta sa aming gawi. Tumigil sila sa harap namin.

"Anong problema?" tanong ni Jake.

"Doc, nagsisimula nanaman siya." ani ng isang guwardiya. Tumingin naman sakin si Jake.

"Cloud mauna kana, nagwawala na yung VIP patient namin." sabi niya at naglakad, hinabol ko naman siya.

"Sama na ako." ani ko na tinanguan niya.

Wala pa kami sa kwarto ng pasyente pero rinig na rinig na namin ang pagwawala nito. Mga nababasag na gamit, at ang kanyang pagsigaw.

"LUMAYO KAYO!!!!! W-WAG KAYONG LALAPIT!! KUNG HINDI, MAGAGAYA KAYO SA KANILA!!!!" Kumunot naman ang aking noo sa aking narinig.

"TULUNGAN NIYO KO!!! WAAAG!!! TAMA NAAAA!!!!!" Pagdating namin sa kwarto niya, saka namin siya nakita. May hawak siyang isang piraso ng bubog at nakatutok ito sa mga guwardiya at nurse.

"Kadalasan, hinahayaan lang namin siya. Titigil din yan mamaya." ani ni Jake.

"Sabi nila, nagka-ganyan daw siya dahil sa trauma." dagdag pa nito.

"She's been raped." mahinang usal ko na narinig pa rin ni Jake.

"Pano mo nalaman?" nakataas ang kilay nito.

"She's my sister. Her bosses took her purity with her sanity. They played with her. They put handcuffs to her." patuloy pa ring nagwawala ang kapatid kong si Shane.

"Pagtapos siyang pagsawaan, tinanggal nila yung posas sa kamay niya saka sila nakatulog. She took that chance to kill them. She killed them all, unfortunately, one escaped. Di pa nila nahuhuli." tinapik ni Jake ang balikat ko.

"I'm sorry sa nangyari sa kapatid mo." ngumiti naman ako ng pilit. Tumingin ako sa guwardiya.

"Give me handcuffs." kahit na naguguluhan, binigay pa rin ng guwardiya ang hinihingi ko.

Pagkapasok ko, tumahimik si Shane.

"Can you leave us alone?" tanong ko sa mga nasa loob, tumango naman sila at lumabas.

Dahan dahan akong lumapit kay Shane.

"Hey princess." ani ko sa kanya habang nakangiti.

"K-kuya." mahinang tawag niya sa akin. Napangisi naman ako. Umupo ako sa tabi niya. Dahan dahan kong sinuot ang posas na dala ko sa mga kamay niya.

"Did you missed me?" nakangising tanong ko sa kanya.

"N-no. This c-cant be." bulong niya sa sarili niya. Lumapit ako sa tenga niya at bumulong.

"You've been handcuffed again Shane." Ani ko at lumayo sa kaniya.

"No. I k-killed you all. P-pano ka nakatakas?" Ani niya at nagsimulang humikbi.

Ngumisi ako sa kaniya at nag-iwan ng kataga bago umalis.

"You look hot on handcuffs, princess."

HandcuffedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon