JLS 02

203 27 57
                                    

Kinabukasan, another day ulit para pumasok sa school.

Naglalakad muli ako papunta sa sakayan ng jeep. Habang naglalakad, naalala ko ulit ang keychain niya. Dala-dala ko at natago sa aking bag kung sakali magkita kami ulit ay maibabalik ko na sa kaniya. Baka hinahanap niya rin ito. Naisip ko din na hanapin ang facebook o instagram niya pero hindi ko tinuloy kasi baka isipan pa niya na stalker ako o weird akong tao. Baka matakot pa siya sa akin.

Palapit narin ako sa sakayan ng jeep na bigla akong kinabahan at umaasa na makita konsiya mmuli.

Sumakay na ako ng jeep at naghanap na mauupuan. Pag kaupo ko, isa isa ko tiniignan ang mga pasahero at umaasa na makikita ko siya. Pero wala pa siya. Nag antay pa kami ng mga ilang minuto hanggang mapuo kami dito sa jeep. Sa pag puno ng jeep. Nawalan ako ng pagasa na makita siya ulit ngayon

Kinabukasan, ganon ulit ang pangyayari.

The day after that, hindi parin kami nagtatagpo.

Hanggang lumipas ang araw, hindi ko na siya nahagilap muli.

Nawalan na rin ako ng pag-asa na magkikita ulit kami.

............

Today is saturday, ito din ang araw na natapos na midterms namin. Grabe ang pagod namin yung tipong pagkalabas namin ng campus ay pwede na kami sumigaw dahil sa wakas pwede na magpahinga at manood ng kdrama pag uwi ng bahay.

Bago ako umuwi, nagkayayaan muna kami ng mga classmates ko na kumain malapit sa campus namin. Naging tradisyon namin iyun na kumain sa labas bilang reward iyun sa sarili na natapos na ang exam week.

After ng kainan namin sa labas, nagpaalam na kami sa isa't isa na uuwi na at nagkanya- kanya na kami ng uwi.

Kalasakuyan ako naglalakad papunta ng sakayan ng jeep para umuwi na. Medyo matagal pa ako naghintay ng masaskyan dahil natyempo na rush hour ngayon.

Ilang saglit lang, nakahanap na ako na masasayan, sumakay na ako at nagbayad na ako.

Dahil medyo matagal pa ang byahe at inantok na ako sa sobrang pagod. Inilabas ko ang earphone para iconnect sa phone para makinig ng music. Habang nakikinig ng mga music at nasa byahe pa, unting unti na ako napapapikit dala narin ng pagod sa midterms namin. Bago ako tuluyan nakatulog, ang huli ko naalala ay naamoy ko ulit ng pabango na hinahanap hanap ko.

"Para po!!!" Sigaw ng isang pasahero.

Biglang nagpreno ang jeep na dahilan na pagsusuob ko. Buti nalang may kamay naka-alalay sa aking ulo kaya hindi natuloy. Sa lalim ng tulog ko, Ngayon ko lang din napansin na nakasandal ako sa isang balikat. Tumingala ako ng konti para malaman ko kung sino. Napangsinghap ako na makilala ko siya.

Teka nanaginip ba ako? Totoo ba itong nakikita ko?

Nandito siya ngayon. Mismo sa harapan ko. Katabi ko pa at ngayon ako ang nahilig sa balikat niya.

Napa angat ako ng tingin sa mukha niya at napatulala ako sa kaniyang itim na maganda na parang hinihila ako kung saan mang lugar na tila kami lang ang dalawa na nabubuhay. Maitim at clean cut ang kaniyang buhok. Kaumangi ang kaniyang balat. Ang kaniyang katawan ay may kalaki ng konti, siguro madalas siya sa gym kaya maganda ang tindig ng katawan niya.

Sinampal ko aking mukha para magising ako kung sakali panaginip ito

"Miss, okay ka lang?" he asked

Nataranta siya sa aking nagawa. Kahit din ako nagulat, napalakas ang sampal ko sa sarili ko. Ano ba iyan, Daniella. Nakakahiya ka.

"Oo, okay lang ako." sabi ko

Bago makalimutan, hinalungkat ko sa bag ko ang keychain niya.

"Nga pala, sumabit at nahulog sa bag mo ito nung nakaraan" pagsasauli ko ng keychain sa kaniya.

Nagpasalamat siya at kita sa mata niya nangungulila siya sa keychain niya. Halata na paborito niya si Pikachu.

"Nakauwi na si Pikachu sa master niya. Pika.. Pika.. Pika" I said while imitating the voice of Pikachu.

Napatingin siya sa akin na parang aliw na aliw siya.

"Isa pa nga" hiling niya na ulitin ko ang pag iimitate sa boses ni Pikachu.

"Pika.. Pika.. Pika" imitating once again the voice of Pikachu.

Natawa at tinititigan niya ako na tila aliw na aliw na sakin. Hihirit pa siya ng ikatlong beses. Pero napa-nguso nalang ako.

"Ayoko na, pinatri-tripan mo na ako eh" sabi ko.

"Sorry, Don't worry I find it cute naman" sabi niya sakin.

Lihim ako napangiti dahil sa sinabi niya.

"Oo nga pala, salamat pala sa pag aalalay kanina" pagsasalamat ko sa kaniya.

"No worries, pasasalamat ko na rin iyun nung nakaraan" sabi niya sakin

Nagulat ako at medyo nahihiya dahil naalala pa niya iyun.

"By the way, my name is Nikho" inaabot niya ang kamay niya at pakikilala niya sakin.

"Hi. My name is Daniella" pakikilala ko at inaabot ko ang kaniyang kamay.

"Nice to meet you" sabay sabi namin sa isa't isa. Nakangit kami at natawa nalang kami dahil sabay kami at parehas ang sinabi namin sa isa't isa.

THE END

Jeepney Love Story Where stories live. Discover now