"Mom! Dad!" I stomped my feet, I know the loud noise is enough to make my parents feel and hear how frustrated I am this hour. "Akala ko ba hindi na tuloy? Ano ang mga ito?" Pagtutukoy ko pa sa mga papel na nasa kanilang mesa.My mom gave me an apologetic smile. And my dad just clasped his hands, and it answers my questions. I scoffed, now I get it. Ngayon na may nakatakda na kay Ate, ako na naman ang isasalang sa mainit na upuan ng fix marriage na 'yan. Well, I do not have choice, nakadepende na sa akin ang kapalaran kung tatakas ako o papayag ako.
In the world of mafia business, hindi na talaga bago ang mga fix marriage na 'yan kahit maliit lang ang kompanyang pinapatakbo mo. Pipili ka lang; kung gusto mong lumago at umangat kompanya mo, you need to find a potential client na p'wedeng pag trade-an ng mga gamit mo, lalo na 'yong anak! At kung ayaw mo naman, 'di ka naman nila mapipilit but in my case, mukhang wala na akong takas.
Last month, my dad decided to quit mafia world and live a new life. Gusto daw niyang magtayo ng malinis, hindi nakatago na kompanya, nang sa gano'n ay magkaroon kami ng mga employees. Noong una ay ayaw ni mom dahil alam nilang may consequences, pero si ate ang nagtulak na tumigil sila. Sumunod sila, dahil natakot sila na hindi pakasalan si Ate ng lalaking nakabuntis sa kaniya. Dahil alam naming kakalat ito sa buong mafia industry at mapapahiya ang mga taong may lantay ng dugo namin.
The Gomez Family, once na napabilang ang aming pamilya sa isa sa mga pinaka ma-impluwensyang pamilya sa underground business. Kung gaano kabilis lumago ang 'dirty' business namin, gano'n din kabilis nawala iyon. Ilang agents namin or i should say agents ni Dad ay nahuli at nakulong. Buti na lamang at hindi kinanta nang mga nahuli ang apelyedo namin, kung 'di ay matagal nang natimbog ang aming tinatagong gawain.
"Lahat naman kayo, nakinabang sa mga kinita namin ng Mommy mo ha!" napaigtad ako nang biglang sumigaw si Dad. "Lahat kayo may Gucci bag, Louis Vuitton, at kung ano pang mga letche na 'yon e bag lang naman ang mahal-mahal! You all need to pay back, we all need to pay back!"
I shut my eyes tightly. Ayaw kong makipagtalo ngayon, lalo na't kakagising ko lang.
"Anak naman," narinig ko ang kalmadong boses ni mom. "tama ang Dad mo. Dahil nakatikim tayo ng karangyaan, kailangan nating ibalik iyon sa may-ari. We don't have enough money nor things to pay the remaining debts of our family."
I clenched my fist. "That's bullshit!"
"See?" halos lumabas ang lahat ng litid sa leeg ni Dad nang marinig niya akong magmura. "Kita mo na ang epekto ng mga sobra sa karangyaan! Where's your manners, Esmeralda?!" Kinain ng mga hakbang ni Dad ang distansya naming dalawa. Nang maging isang dipa nalang ang aming pagitan ay kaagad niya akong ginawaran ng malakas na sampal sa aking kaliwang pisngi.
"Lorenzo! Stop it! Walang mangyayari kapag ganito ang usapan natin!"
Hot bunch of tears started to fall from my eyes. I cannot believe that Dad can do this. Neither he is desperate to sell me out or I was just rude. Mataman ko siyang tinignan, habang ang tingin niya naman sa akin ay nanghahamon.
"Fine," he spat. "I'm giving you two weeks to do whatever you want. But after that, you'll be marrying someone I owe a lot. Two short weeks, Esmeralda Sheena, but I'm warning you.."
"... don't you ever try to run away. Because he will run after you, no matter what."
That is the end of my conversation with my parents. After mentioning the 'run away' part, I lost my courage to plan my disappearance. Kung nakakatakot si Dad, for sure, mas nakakatakot ang lalaking pinag-utangan ng loob ng aking ama. Habang kausap ko siya kanina ay alam kong naawa siya at natatakot para sa akin, but we don't have effin choice.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Rutherford (Marry Me Series #1)
Ficción GeneralEsmeralda Sheena Gomez, the only and last heiress of their bloodline, decided to leave all her fortune and wealth the day she discovered her family's wicked agenda. Unfortunately, her family wasn't the only wicked thing she knew, but also, her fate...