RANKS

6 2 0
                                    

CHAPTER TWELVE


Dazinco’s POV

“Zain, bakit may limousine sa harapan ng entrance?” nakatingin kami ngayon ni Kelly sa kumikintab na limousine sa harapan namin, hindi ko rin siya masagot kasi pati ako hindi ko alam kung bakit mayroong kotse na ganito dito sa loob ng campus. Kagagaling lang namin sa labas, dalawang oras kami off campus, kumain kami sa resto at ito namang kasama ko nagpasama papunta ng mall, window shopping lang naman ang ginawa namin.

Then dumating kami at ito ang nadatnan namin, kumpulang tao sa gitna ng entrance road, yung nakikita mo sa isang k-drama, yung sa ‘The Heirs’ ba yun? Basta yung pagkapasok mo sa mayaman na school at makikita mo muna ang roundabout na fountain, ganun yun dito kaya lang hindi fountain ang nakalagay kun’di ang school logo.

“Guys! Tingnan niyo,” napalingon kami lahat sa lalaking sumigaw, nakaturo ang kanyang kamay sa isang screen sa side walk ng school, lumapit naman kami doon ni Kelly. Pagkalapit namin doon ay isang bulletin board ang nakita ko, malaking screen ito na parang isang television pero bulletin board ang usage niya.

“Message to the students, here we post our announcements.” Basa ng isang babae sa harapan namin, may pinindot doon ang lalaki at nag-iba ang format ng screen, tatlo ang division nito, sa right side ay isang parihaba na naka-label na ‘ANNOUNCMENTS’ at sa left side naman ay divided sa dalawa, sa itaas ay ‘PROGRAMS’ at sa ibaba naman ay ‘WANTED’ ang nakasulat. Napakunot ang noo ko sa pinakahuling kahon na nabasa ko, ano naman ang meaning ng wanted sa bulletin board?

“May listahan dito ng pangalan,” napatingin kami sa announcement section, may nakalagay nga ng mga apilyedo at sampu lang ang mga ito, napatigil ako ng makita ang limang pangalan sa screen, napalunok ako ng laway ko dahil nandoon rin ang pangalan ko at ni Kelly. Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ng anouncment, bakit kasali ang names namin sa listahan.

Kelly, Zain, Maddison, Sunshine, Salynn  

“Please meet the principal at the main building, bring your phone with you.” Napakunot ang noo ko sa dulo ng mensahe, lumingon ako kay Kelly.

“Tara, baka importante.” Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na papunta sa main building, nilagpasan lang namin ang bulletin at nasa harapan na namin ang glass door, sampung hakbang ang ginawa namin bago kami nakarating sa harapan ng glass door binuksan na namin ito at may sumalubong na lalaki sa amin na nakasuot ng black suit.

Mukha siyang bodyguard ng isang ceo or something na malaki ang posesyon na kailangan ng kaligtasan mula sa kalaban.

“You’re late, come with me, the boss is waiting for you.” Nagakatingin kami ni Kelly, sumunod na lang kami ng naglakad na ito patungo sa elevator, pinindot niya ang button na P ang nakalagay, ito ang pinakaitaas ng building na ito, sa tingin ko lang. Namulsa na lang ako at tahimik na naghintay, bakit kaya kami pinapatawag?

First day pa naman namin tapos principal’s office ang bagsak namin, wala naman ata kaming violation na ginawa, paano kaya kung nalaman niya ana nagpapanggap lang ako? Nalaman kaya niya ang fake identity ko?

Bigla akong Kinabahan sa iniisip ko, ‘wag naman sana tama ang iniisip ko kasi baka hindi ako makapasok sa taon na ito, like first senior high pero hindi ko man lang ma-experience dahil sa pagpapanggap ko? That’s a bad luck for a year kung mangyari man sa’kin to, napatayo ako sa kasasandal sa wall ng tumigil na ang pag-andar nito, lumabas na kami at  lumiko sa right, narrating namin ang isang glass wall, blurred siya kaya hindi makikita ang nasaloob ng kwarto.

Tumayo naman ang isang babae na nakaupo sa likod ng lamesa, kunot noo ko lang itong tiningnan, company ba ang napasukan namin?

“Madam is waiting, kanina pa.” Lumapit sa amin ang babae at itinulak papasok sa malaking brown door na binuksan ng lalaki para sa amin, bumungad sa amin ang isang desk na pwedeng dalawa ang gumamit nito sa haba at lawak ng space, ang upuan naman ay nakatalikod sa gawi namin kaya hindi ko alam kung may nakaupo ba doon o wala dahil sa laki ng sandalan, ang vibe naman ng loob ay isang office talaga, modern an modern ang dating.

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon