MISSION FAILED?

6 3 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN


“Hinay-hinay naman sa pag lagay, sasakalin mo ata ako eh,” mahina kong saad at tumayo habang inayos ko ang suot kong polo. Galit na naman ang babaeng to, tahimik yan at nanakit pag galit, hindi ko naman siya maiintindihan minsan kaya inoobserba ko na lang siya kapag ganito.

Humarap ako sa kanya at tiningnan ang kulay ng pendant sa necklace pero tumalikod ito, hindi ko nakita ang kulay ng kanya dahil busy ako kakatingin sa device, nagtataka lang ako kung bakit pa kailangan ng rankings? May saysay ba ito sa school? Sa tingin ko kasi hindi naman ito kailangan, kung with honors yan oo mayroon pero s acolors? Anong gamit niya sa color coding?

“Anong kwintas ang kinuha mo? Yung kulay, anong kulay ang nakuha mo?” tanong ko at napalingon ako sa paligid, sobrang tahimik naman kaya napalingon ako at tama nga ang hinala ko maraming mata ang nakatingin sa gawi namin hindi ko na sila pinansin at humabol kay Kelly.

Hindi man lang ako hinintay at hindi rin sinagot ang tanong ko, papalabas na kami ng building kaya ibinalik ko ang poker face ko. Makakalimutan ko nanamang nagpapanggap pala ako, bilang boyfriend niya.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanya habang iniisip kung ano na naman ba ang nagawa ko na hindi niya nagustuhan, pang limang beses na niya itong pagtatampo sa akin, pabigla-bigla na lang kasi siya and iniintindi ko na lang. Minsan na nga lang siya mag pakita ng kakaiba sa akin, kinuha ko na itong pagkakataon na makilala siya ng mabuti.

“Kelly,” tawag ko sa kanya, napasapo na lang ako sa noo ko ng tumakbo na siya papasok ng isang building, gusto pa niya atang magpahabol. Pumasok na rin ako sa pintuan at sumalubong sa akin ang maingay na paligid, isang cafeteria ang pinasukan namin.

I walked calm and quite, madaming students dito ngayon, lunch time na pala pero hindi pa naman ako gutom kaya hahanapin ko siya, maganda ang interior ng cafeteria ngayon, para kang pumasok ng isang restaurant na napakasikat dahil sa mga lighting at furniture dito.

“That’s mine!”

“Mellan my loves!”

“Idol! Ganda mo!”

Napalingon ako sa grupo ng mga lalaki na ngayon ay nagsisigaw, napatigil ako sa kakahanap kay Kelly ng madaming lalaki ang tumakbo at lumapit sa bukana ng entrance. Humarap na lang ako doon dahil hindi ko mahahanp si Kelly sa ganitong sitwasyon, nakatayo na lahat ng lalaki na sa sobrang dami nila ay hindi ko na makikita pa si Kelly sa liit niya.

Huwag niyo akong isubong ha, nagsasabi lang ako ng katotohanan, matatangkad kasi ang mga lalaki dito ng ilang pulgada kaysa sa kanya.
Anyway, sino kaya ang ang Mellan na pinagkakaguluhan nila?

Pamillyar din ang pangalan na ito sa pandinig ko, nakatingin lang ako sa nagkukumpulang lalaki sa harapan ko, kung nakikita niyo lang ang nangyayari ay para akong isang outcast dahil sa kaka-tayo ko dito sa bandang walang katao-tao, hindi na ako nagtangkang lumapit dahil hindi naman ako ganun, tumalikod na ako at nagsimulang hanapin si Kelly ng may sumigaw na ikinalukot ng noo ko. 

“Mellan Charm Villon!”

Ang lakas ng boses niya na parang naka-megaphone sa ginawa niya, at kilala ko ang boses na yun. Kilalang-kilala ko ang tinis at tono ng boses niya, sino nga ba ang tao na hindi kilala ang boses ng isang Dexon Falcon?

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon