CHAPTER 86:MAY LAMOK JPEG

5 0 0
                                    

Alex POV

Nakita ko na naman ang babaeng kasama niya noong nagpunta kami sa mall nila cassandra diko alam kong bakit ganun na lang ang nararamdaman ko sa babaeng to ang diko maintindihan ay yung naramdaman kong kakaiba nang marinig na magkasintahan sila ni drake kusa akong nagsalita para mag restroom at diko alam na sumunod pala si drake sakin.

Ang mas kinagulat ko pa nong hinalikan niya ako at bigla na lang akong tumugon sa mga halik niya nakita ko ang lungkot niyang mga mata.

Sinasabi niyang siya ang boyfriend ko at hindi si deybid.

"Kahit nakalimutan moko kailanman hindi nawala ang pagmamahal ko sayo"bulong niya sa pagitan namin.

"Aasa akong makikilala mo ulit ako pati ng puso mo"dagdag niya at doon tumulo ang mga luha sa mata niya.

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nya na tila diko kayang makita siyang umiiyak mismo sa harap ko diko alam kung bakit diko siya maalala.

Kusang naglakbay ang mga kamay ko at pinunasan ang mga luha niya bago niyakap para akong nasasaktan pag nakikita siyang ganun totoo nga bang siya ang mahal ko yan ang tanong sa isipan ko.

"Kahit ilang beses pa ako mapagod di ako susuko para maalala mo muli"muling tinuran niya.

Kita ko sa mga mata niyang pagod na siya pero di siya sumusuko maalala ko lang siya muli kaya nagpasya akong tulungan niya akong maalala ang tungkol samin.

"Tara na baka hinahanap na tayo"ani ko bago humarap sa pinto ng cr.

Bwesit kase hinila ako dito sa loob ng cr at nilock pa punyeta buti na lang walang tao sa loob para walang makakita samin baka anong isipin.

Sinulyapan ko siya na pangiti ngiti pa habang naglalakad.

"Siraulo kaba?"sita  ko.

"Bakit bawal bang ngumiti"nakangiting wika niya.

Ang mga ngiti niya ay napakaaliwalas na parang natanggal lahat ng problema niya sa mga nakita ko sa mata nito kanina.

Diko na lang pinansin at naunang naglakad pabalik kung asan yung Kasamahan namin.

"Oh kala namin naflash kana sa bowl"bungad ni cassandra.

"Kaya nga bat ang tagal mo"tanong ni steve.

"May bwesit kase doon"ani ko.

Wala pa si drake nahuli siya nauna na ako eh.

"Ano tara na"nakangiting wika ni drake sa kasamahan namin.

Naweweirduhan sila sa inaasta niya.

"Oh pre okey ka lang ano yang mga ngiti na yan"sabi ni byron.

Siraulo talaga tong lalaking to eh.

"Pre tignan mo nga baka nilalagnat yan eh"ani ni steve.

Aasta si byron na hahawakan ang leeg pero inambahan siya ng suntok.

"Sege subukan mo!?tyaka wala akong lagnat"inis na wika niya.

"Lika na kayo hayaan niyo yan siraulo"ani ko sa kanila at naunang naglakad.

Nasa hulian silang lahat nasa unahan ako feel ko tuloy mga alalay ko sila haha joke  nag asaran sila drake at Steve bago kami nakababa.

"Alex kain muna tayo gutom nako"reklamo ni steve.

"Oras oras ka namang gutom eh"sabat ni byron.

Nagbabangayan pa silang dalawa

"Sege tara na"ani ko rin at naglakad ulit.

Unexpected Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon